Wednesday, June 29, 2011

ngiti ng buwan

kaninang madaling araw, mga 4am. habang naglalakad papunta sa bahay tinignan ko ng mabuti ang buwan. feeling ko nasa sine ako at nasabi kong "gusto ko maalala ng mabuti ang gabing ito" tinuro at inasinta ang buwan, sinubukan kong itrace ang kumikinang na ngiti sa inuumagang langit.

ang ngiting kitangkita ng lahat sa kadiliman ng gabi. ang ngiti na nagsasabi sakin na may masaya sa kaarawan ko. ang ngiti na nagbibigay kasiyahan sakin sa tuwing hindi ko makita ang kalinawan sa mundo ko. ang ngiti na nagpapaalala na sa dami ng tao ako ang nginingitian niya. ang ganda ng buwan, kung pwede lang mayakap siya gagawin ko. sana andun na lang ako sa tabi niya. sana lagi na lang gabi para makita ko siya....

pero mawawala ang ngiti sa araw na parating. inantay ko siya buong araw ngayon. hindi ko matanggal sa isip ang ganda ng kanyang ngiti...sa pag sapit ng gabi...ako'y naglakad sa labas ng bahay....at makita ko nawala na ang ngiti. iniwan na ako. malamang ay nakangiti siya ibang taong mas kinakailangan siya.

paalam buwan, paalam.

No comments:

Post a Comment