Monday, December 5, 2011

kick out

isang paaralan na ipapangako na ika'y matututo dahil isa sila sa pinaka magaling na eskwelahan. mayroon silang mga guro na eksperto, mga profesyonal sa kanilang larangan. naisip kong gusto kong pumasok at maging estudyante sakanila kaya nung nagpaskil sila ng open for enrollment madali madali akong nagenroll. kaaya-ayang mga ngiti, mga salitang kaakit-akit. gusto ko dito.

napili akong iskolar sa madaming nagpalista sa scholarship. nakakatuwa. nagpapasalamat sa Diyos dahil alam kong narinig niya ang aking dasil at tinulungan niya ako. nag-aral akong mabuti, nagpakitang gilas sa madami. naging pala kaibigan, matataas ang grado at nasabihan pang "you have it in you." ng marinig ko yun mas lalo akong nagpagaling sa pinasok kong ito.

ngunit makalipas ang ilang buwan may ilang mga guro na uminit ang tingin sakin. mga galaw kong pinapanood, nilagyan nila ng ibigsabihin. wala akong ginagawang mali, inosente ako. pero derecho sa principal ang sumbong. harap harapan na bastusan galing sa mga gurong nirerespeto ko. hmmmmmm. sobrang respeto na mas gusto ko na lang ata umalis.

hinarap ko at kinausap ko ang principal kasama ang lahat ng guro ng eskwelahan. nanatili ako sa paaralan...hanggang nahanap ko ang kalma sa puso at nasabi kong tama na sa lahat ng sirang pangako, mga paasang mga salita, pagkukunwari nila, pagpapanggap...

ako'y kick out sa imahinasyong eskwela. at ramdam na ramdam ko ang pagkaila nila sakin. patuloy silang nakikipaglokohan sa mga tao at mga estudyante nila...

hindi na ako magpapaloko sa mga mukhang magagaling pero mas gago pa sa mga banong eskwelahan.

No comments:

Post a Comment