kay tagal nung huli kita makasama.
tuwing narito ka, nawawala ang lahat
masaya, madrama ok lang
kayang kaya kahit ano pa
tumatakbo palayo ang isip
labo labo ang tingin sa buhay
pipikit para matigil
pero iikot ng malupit ang mundo
heto ako, kasama ang kerida ko
bawal ang malungkot kasi masaya ako
minsan ko lang siya makasama
pero sure ball na magulo ito :)
bawat baso'y may laman
ngiti may kwento
luha may dinadamdam
ikaw ako ang kasama
nakainom ako ngayon
kasama si kerida kanina
hawak ko ang alak
may amats nanaman ako sakanya
_______________________
kerida - alak
minsan minsan lang
No comments:
Post a Comment