Monday, October 12, 2009

Mata Puso Isipan

sabi ng mga matatanda "BUKSAN ANG IYONG MGA MATA" 

pero kulang...kulang. kaya tayo ganito eh kasi yan lang ang tinuro satin. 
buksan natin ang puso at isipan. makiramdam at kumilos. 

napansin ko toh sa sarili ko in class eh. nakaupo ako dun, nakadilat mata pero ... asan ang puso ko? asan ang isipan ko? lumilipad. 

nakabukas ang mata pero walang pinupuntahan. 

photographer ako. mata ang gamit para makakuha ng magandang litrato. pero KULANG pa rin. kelangan ko isipin ang shot, at may passion ako for it. hindi pwedeng gamitng digicam ang dslr, sayang ang shutter life nito. isipin bawat shot...wag sayangin

sa bawat ngiting makita, may ibig sabihin.

panganay ako. 4 na lalaki ang kapatid ko. kung bubuksan ko lang ang mata ko, pwedeng tatanda sila ng walang guidance at walang pupuntahan. hindi ko makikilala ang sarili kong mga kapatid...nakakalungkot

makiramdam, gamitin ang pandinig, panlasa, panamoy.

problema'y wag iyakan. mata. pahingahin ang puso, gamitin ang utak. magisip. kayong matatanda. kami na ba dapat ang umintindi sainyo? kulang kulang ang turo niyo. 

MATA, PUSO, ISIPAN.  wag limitahin ang kakayahan. 
seeing things is fine, but feeling and experiencing is another.






No comments:

Post a Comment