at sa pag alis mo "thank you for coming"
sagot ko "Its my pleasure :)"
Eds,
ang tagal ko ng nasa UST pero ngayon ngayon lang kita napuntahan, nakilala, nakainan.
kakaiba ang lugar mo, may home-y feel to it, kahit na ba ang daming tao sainyo.
para bang may special place ako, kaya ang sarap balikbalikan. ang sarap tumambay, lalo na pag masarap ang pagkain. Your adobo sa gata sa spciy, and adobo diablo is superb...challenge. its a challenge im willing to take :) yehs may ganun.
ang lapit mo sa lahat. sa AB bldg, sa Tapsi, sa beben beben. pwedeng pwede kita puntahan.
at alam kong pag upo ko sa stool chairs mo may mainit na pagkain na iseserve sakin.
Maraming salamat eds, sa pagwelcome sakin. na kahit na ang daming tao sa kainan mo binibigyan pansin mo ko. Bawat serving ng pagkain mo'y punong puno ng sarap at naeenjoy ko siya. You're always available, kahit nga nung ondoy diba? kaya mo pa magdeliver. Matibay kang carinderia, masarap kasi ang handa. Alam ko minsan namimili ka kung kanino mo bubuksan ang tindahan mo, kaya mas nagpapasalamat at ang gaan bigla ng treatment mo sakin.
pagkagraduate ko, wag ka magalala. dadaanan kita.
MARAMING SALAMAT! lalaki pa ang tindahan mo, sasarap pa ang handa mo.
good luck sa business!
and Eds, its my pleasure :)
-nicolai
No comments:
Post a Comment