sakay pauwi galing ust. tahimik sa loob ng jeep. ang ingay lang na maririnig ay ang pagpreno, ang pag para at ang cd player ni manong driver...biglang "demonyo siya, habang buhay" natigil ako, at bglang naka-tune in ang tenga sa bibig niya. matanda yung katabi ko, payat, nakakalbo na o maputi buhok niya, naka-maong, at de kwelyo na pang-taas. tumahimik ulit. "pinitik ng putangina yung tenga ni tukmol, tamad kasi. tukmol kasi" hindi ko masabi kung baliw si tanda, or traumatized. "pinalo niya ng pinalo, hinawakan ang leeg, tapos hindi na gumalaw si tukmol" pinikit ko ang mata ko, pero naririnig ko pa rin. umurong ako ng onti pero katabi ko pa rin siya. ramdam ko ang sakit ng kwento ni tanda, ang kanyang nakita, siguro sayang din at di niya natulungan si tukmol. "maawa po kayo manong drayber, hanggang sa kanto, wala akong pera. maawa na kayo" bigla siya bumunot sa bulsa at naglabas ng marlboro black, sinindihan...
haaay tukmol, wala kang pera pero may pang bisyo ka. wala kang nagawa kaya ngayon nagkakalat ka. wala kang pamasahe pero asa loob ka ng jeep. tukmol, gamitin ang nakaraan para malampasan ang araw araw.
No comments:
Post a Comment