Araw araw pumapasada, iisa lang ang arangkada. Lahat tayo’y konektado sa jeep na ‘to dahil isang beses sa buhay natin naupo tayo. Nakapagisip, natanungan ng katabi, nalimosan ng batang kalye, nagulat sa biglang preno ni manong at nagising, lampas ka na pala. Anong kwento meron ka? baka magkapareho kayo ni Juan kung saan araw araw siyang nagaabang ng kwento sa loob ng jeep.
Matagal ng wala si Lola Mela, umalis ang anak na si Lito. Pero kahit ganun ang kapalaran mas pinili ng matanda maging masaya kesa magmukmok at magpakalasing habang buhay. Kung kaya’t mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalaki sa apo niya. Hindi na bumabata si Tatang, at lumalaki na si Juan, gusto niya itong mapalaki sa tama. Nais niya sa buhay ay maging matatag, madiskarte at maging maprinsipyo habang nagsisimula pa lang ang biyahe ng buhay ng bata.
Halos lumaki si Juan sa loob ng jeep, dahil sa lolo niyang Jeepney driver. Sumama sa araw-araw na pasada kung saan may kwentong hinahanap at napupulot. Mas gusto niyang sumama sa Tatang kesa makipaglaro sa mga bata sakanila dahil sa kababawan ng kwento ng pilosopo niyang lolo alam niyang may laman itong aral.
Mahirap lang sila pero kuntento na si Tatang. Ramdam niya ito sa tuwing isusuot niya ang asul niyang polo na nagsisilbing uniporme niya. Masayang may trabaho, masaya na hindi nag- iisa at kasama ang apo, masaya na simple lang ang buhay. Pagsakay sa jeep, at makikitang nakatulog ang apo sa loob mas lalo niyang naiisip ang pagpapalaki kay Juan. May dramang “its you and me” against the world si Tatang na lumipas ang ilang taon ganun din ang naramdaman ni Juan.
Di nagtagal si Juan na ang nag-aalaga sa lolo. Kaya di rin nagtagal nanghihina na ang matanda. Isang araw habang nagaantay mapuno ang jeep, nakaramdam na si Tatang. Pinababa ng binata ang lahat, at tinakbo ang lolo sa hospital.
Sa unang beses sa buhay niya naging pasahero si Juan. Sumakay ng jeep papuntang ospital para bisitahin ang pinaka mamahal niyang lolo. Habang nasa biyahe pinagtuunan niyia ng pansin ang halos lahat. Naalala niya ang sabi ng lolo “Ang kwento ng buhay natin nasa loob ng jeep,” at doon niya nabigyang kahulugan ang mga napansin niya, napagdaanan niya, nasubukan at ang buhay niya.
Ang pagsuot ng uniporme, paalala ng estado nila sa buhay. Pag init ng makina, ang paghahanda ng sarili sa ano mang mangyayari. Aarangkada na ang Jeep, ang simula ng byahe ng buhay. Mga pasaherong sasakay, mga bagong karakter na magbibigay kahulugan sa iyong pagkatao. Ang pagbayad, paalala na hindi tayo ang may hawak ng buhay, tulad ng hindi pagkontrol sa kita ng isang jeepney driver sa araw araw. Ang pagaabot ng bayad, pinapakita ang mga tutulong sayo. Ang pagsusukli, pagbibigay ng kung ano ang sapat. Pag hinto, na sa kahit anong bilis ng mga pangyayari sa buhay, may mangyayari na tayo’y hihinto. Ang traffic, na magpapatagal ng lahat. na may magtutuloy ng laban ng buhay. Ang bagong sakay. Nandito nga ang kwento. “Ito nga ang buhay namin. Ito ang kwentong jeep.”
No comments:
Post a Comment