hindi nababago pero nahuhulma
kayang itago sa tamang halaga
hindi naman talaga nawawala
permanenteng maskara
tago ang tunay na itsura
mahirap magtago sa pangalan ng iba
lalo na't kagandahan at perpekto siya
masakit na maikumpara
nakakasakal ang paghanga ng iba
sana maintindihan ang sakit
ang hiya, ang ipit na luha
sa bawat paghanga sakanya
titignan ako ng mababa
hindi kagandahan, ang hirap pala.
kahit anong tindig o ngiti di uubra
mananatiling tahimik
dahil ang sikipsikip na sa dibdib
siya ang pinanggalingan
bakit ako naiba?
ako ang bunga niya
bakit ako ang naiba?
No comments:
Post a Comment