Sunday, September 27, 2009

ingrata

hindi dapat binibigyan ng oras ang mga ganito, hindi inaaksayahan ng panahon. Sinasayang lang nila ang lahat, mga abuso, at sarili lang ang iniintindi. Hindi marunong magpasalamat, at magbigay pansin sa mga nahihirapan, sa mga nagbibigay ng tulong at oras na sinasakripisyo para sakanila.

Eh paano na kung mawala ang mga taong inaasahan niyo mga ingrata?

Mga matataas ang ihi, na walang namang rason para maging ganon. Walang inatupag kung hindi ang inaalagang reputasyon na wala namang pinupuntahan. Hindi kayo tatagal…

Puro salita walang gawa. Taas noo niyo pang sasabihin na nagdradrama ang tulad ko, eh kung sa alam ko na mas magaling ako sayo. lakas boses niyo pang ipapaalam ang sermon na kahit sa sarili niyo hindi ninyo maitupad.

hindi mo makikita kung gaano ka kaswerte kung sarili mo lang ang tinitignan mo. tumingin sa paligid kasi madaming tumulong, madaming namahagi, madaming rason kaya ka andiyan. Pero wala, palamunin kasi ang utak mo…palamunin ng iisang bagay, tungkol sa sarili mo lang. pano ka uunlad? Pano ka aangat? Wala ka ng pupuntahan diyan ka na lang.

ako na nagsasabi, hindi ka na gagaling. malalaman din ng buong mundo na puro porma ka lang. puro salita. puro ikaw. nakakasuka  

No comments:

Post a Comment