simula ng lumipat ako sa high school ko, automatic na nagiging close ako sa lower batch hindi ko malaman kung bakit. siguro kasi dapat sila naman talaga ang kabatch ko, mga ka-age ko. medyo nalulungkot nga ako kapag naiisip yun kasi parang pinipilit ko ang sarili ko sa kanila, FC ba? nalulungkot din kasi dun dapat ako. hindi dapat dito. naiyak na ako once tungkol dito, at mukhang maiiyak muli ako. ang bata ko para sa batch ko...minsan ang hirap, minsan masaya. masaya kasi ang gagago nila, masaya kasama. pero something is holding me back something i dont know. pero that thing is not stopping me from being good friends with them. kaso madali ako ma-op sakanila...
akala ko magbabago ang lahat pagdating ko ng college. hindi rin pala. feeling ko nga minsa na-e-epalan na sila sakin. sorry...kagabi naki party ako sa birthday treat ng friend kong lower batch buti na lang at halos lahat kilala ko. masaya sila kasama, kaso yun nga nahihirapan din ako kasi feeling ko epal ako...nyeh dba
ang hirap. kasi sa mga kabatch ko ngayon friends pero madali ako ma-op, naprepressure akong mas lalong umintindi ng bagay bagay. mga lower batch naman na close ko chill lang ako pero andn yung thought na eh hindi naman nila ako kabatch parang nakikisawsaw ako masyado. naiipit ako. tama. naiipit ako. hindi ko alam san ilulugar sarili ko.
hindi ko rin naman masabi. pero masaya ako sa pareho, pero hinahanap ko lang ang pwesto ko. malabo na ba? pero wala akong lugar. malungkot. sana hindi na lang ako lumipat ng school nung gradeschool ako...para kabatch ko ang mga kabatch ko dapat. pero God has much better plans...ngayon habang tinatype ko toh...narealize ko na ginawa toh ni Lord kasi he wants me to be friends with a wider range of friends...why stick with one batch?...if you can have two??
tama nga naman siya! kasi pag hindi ako lumipat at nag miriam all the way ako. sigurado maarte ako ngayon, you'd see me wearing make up? (eeeehhh) maldita everyday, choosy sa friends, mas war freak than now, lantarang mayabang...hindi ko malalaman ang word na crush ng maaga, ang itsura ng abs na akala ko may sakit ako sa bato nung grade school. hahaha
hmmmm thank you.
masubukan nga the whole day as in whole day magsusulat lang ako. ang haba siguro ng blog kong yun...abangan
No comments:
Post a Comment