sindi. may simula ang lahat. ang patikim na magpapalibog na gustuhin pa ito, gumagapang na apoy na lalagablab sa iyong puso. aakitin ka’t di mo mamalayang nabibighani ka na, may ngiti na patagong papaslit sa iyong mukha. inaasamasam, nanabik. susubukan mong abutin, makahawak man lang. simula na ito.
hithit. buo ang loob mo, binitawan ang mundo sa iyong paligid. tungkol sayo, storya mo. desisyon mo, according to you ang lahat. may ngitng di mapinta ang saya, parte na siya ng iyong sistema. eto na yung gusto mo. iisa kayo. yakap yakap ang sandaling ito. gusto mo pa sanang patagalin, pero di ka na makahinga.
buga. eto ang mundo mo, binalik ka sa realidad. titignan ang upos ng yosi na kinalat mo. ngingit at masasabi sa sarili "tapos na"
nakita ko ang yosi, at ang mga nagyoyosi. ang bawat stick na maubos ay parang bawat sandali na pahinga na magkaroon ako. maikli. bubunot pa ng isa pang stick, nakakatakam dba? gusto ko yon, gusto ko makasama ang pahinga. desisyon ko naman kung magpapahinga ako eh, nasa akin yun. pahinga. dito ka muna. kaso pag tumagal, nababagot ako. maypagka workaholic ako. at ayun babalik ako sa realidad.
nakakapagod mabuhay pero we still choose to live because there is so much more to do, to experience, to have and meet. Nakakapagod, pagod ako. oo, pero di ko pa rin mapakita. Lagi akong on the go, hyper, people see me play and goof around. I am actually pero may ginagawa ako. ang pagiging hyper ako ay isang wall na tinayo ko para matago ang pagod na nararamdaman ko. pahinga, pahinga ang salitang dapat ibalik sa vocabulary ko.
pahinga – maikling oras na nakalaan para makahinga ka. inhale exhale. tapos balik trabaho na.
*magsusulat pa ako tungkol sa yosi. Di pa dito nagtatapos
No comments:
Post a Comment