Wednesday, August 26, 2009

commute

naglalakad sa catwalk ng UST, umakyat ng overpass at bumaba. nagabang ng masasakyan. pauwi na ako, gabi na. pagod sa feeling kong isang mahabang araw na anim na oras lang naman ang sinunog ko...

umupo ako sa tabi ng jeepney driver, isa sa mga favorite spot ko. 
malamang wala ako kilala pero yun yung gusto ko (at kinakatakutan ko). 
gusto ko kasi i can have time alone, a literal quiet time. i can think, and enter the greatest world, my imagination. 

...naisip ko na ang daming kwento, ang daming metaphor na pwedeng ihambing sa jeep. ang pagsakay, pagbaba, pagpara, pagabot ng pera, pagsukli...lahat...ang ganda ng means of transportation na ito. daming storya na pwedeng mabuo. 

parang may ibang mundo kasi sa loob ng jeep. di tulad ng bus, ang jeep ipaparamdam pa rin na asa mundo ka pa rin. ipaparamdam ang ulan, ang init, ang sigaw sa kalye, ang bilis ng takbo, ang bawat preno para makita mo ang tao sa paligid. its windows are wide open to give you that touch from the world. which tells you ok lang paganahin ang imahinasyon wag mo lang kalimutan ang tunay na buhay. wag manirahan ng matagal sa mundong ikaw ang nagpapagana ng lahat kasi walang thrill. live in reality. 

...sa tabi lang ho!
bumaba na ako. ano kaya ang susunod kong muni muni sa loob ng mundo kong jeepney

No comments:

Post a Comment