Ako
Ako ang taong magaling. Yabang noh? Lagi ko tong sinasabi sa mga tao pag nangangamba sila para sakin, or pag hindi kami sigurado sa mangyayari.
Ganito kasi yun ako ang tao pag alam pang kaya gagawa at gagawa ako ng paraan.
Kahit ano pa yan. Kapag walang lighter para sa sigarilyo, may posporo naman.
Hindi ako nagyayabang, gusto ko lang malaman nila na kahit anong mangyari eh may paraan, nagkakataon lang na lahat ng gusto kong paraan eh natutupad. At kung hindi naman, may paraan pa rin.
I was able to develop the skill of being resourceful, of being strong enough to take risks and handle problems like I’m embracing them.
I’m a strong person, and no matter how hard the problem is, if it’s for me to face
I’ll take it.
Ang problema
Tao tayo, madaming pinoproblema. ok
Ang puno bumubunga kung dinidiligan mo.
Ang apoy lumalaki kung binubuhusan mo pa ng gas.
Ang pusa bumabalik balik kung tinatapunan mo ng pagkain.
Ganyan ang problema.
Magsisimula sa maliit na bagay, bubunga
Magsisiimula sa isang sigaw, liliyab ng sobra.
Ang problema babalik at babalik kung pakakainin mo pa.
Eto talaga ang problema. We see things sa isang view lang. na pag nahanap mo na ang feeling mong kasagutan sa problema, tumitigil ka na. kasi yun na ang sagot para sayo.
Nahanap mo ang FEELING mong sagot until marealize mo napapacify lang ang sakit na dinaranas mo. pano kung di gumana ang anting anting na suot mo? pano kung nagising ka na sa pantasya mo? HALA!
Gising bata! Harapin ang problema.
Ikutin mo ang lumiliyab na apoy, hanapin ang ugat ng puno, pagutumin mo ang pusang ligaw. Hanggang mahanap mong ang sagot ng problema ay nasa iisang sigaw
SIGAW
Makibaka makibaka, patalsikin si **! Sigaw ng mga nagrarally. Pero wala akong pakielam sa mga sumasama. Kasi sumasama lang naman sila pamparami lang, para mukhang malaki ang movement. Mga useless na tao pero hindi sila ang concern ko. Ang concern ko eh yung taong may hawak ng megaphone. Hindi ko alam ang tawag sa taong yun, pero siya ang gusto ko sa lahat ng nagrarally. may gusto siya, at gusto niyang may mangyari. Isang araw na lang nagising siya, nagisip isip at gumawa ng desisiyon na ito ang gusto niyang ipaglaban. Sigaw ng puso, isang malupit na desisyon.
SIGAW.
Pag gumawa ka ng desisyon, panindigan mo.
makikita mo kung saan-saan ka dadalihin nito.
Make that one strong decision and shout it til the whole world hears it.
Making a decision is a start, facing the consequences is the race you have to end J
After the race, you’re stronger. You’d want to race again. if not, you know how to handle it the next time.
Ako, ang Problema, at Sigaw.
Lumakas loob ko pagkatapos ng bawat problema. Ang sikreto?
Ang sigaw ng puso ko.
Nagets mo ba?
No comments:
Post a Comment