Sunday, August 2, 2009

ang pamana

Naisip kong gumamit ng bagong daan pauwi, agaw pansin sakin ang antique shop na iyon. hindi ko hilig magtingin ng mga ganito pero di ko napigilan. sumilip ako sa loob. masikip, maalikabok, andaming gamit…lamesa, upuan, cabinet, treasure chest, all shapes sizes and material. you name it i think they got it. sa sulok ng tindahang puno ng alikabok nakita ko ang kahon na kuadrado na medyo pabilog, may takip, walang laman. Kakaiba, ang ganda, may onting sira pero dagdag yung sa kagandahan niya. yung imperfections niya make itself perfect. Lumapit sakin ang bantay, kwinento niya sakin yung dating may ari nito. hindi ako nakinig, tinanong ko na lang kung magkano. Ngumiti si ate, at narinig ko na lang na sabihin niyang “sayo na”.


Pagdating ko sa bahay dineretso ko sa kwarto. Tinapatan ko siya ng study lamp ko, parang spotlight. Pinagaralan ko ang bawat sulok niya…may sulat! Binasa ko


“mahalaga siya sakin. pagnasira ipaayos mo sa marunong wag sa basta basta. Punasan mo pag nailakabokan, wag mo hahayaan matuyuan ng kahit anong basa. wag mo punuin baka masira ang lalagyan. alagaan mo ito”


ilang araw pa lang parang tadhana na na nasira ang takip ng kahon. andami ko kasing pinagsusuksok. di ko pinaayos, inayos ko. sumunod na mga araw ko na ginawang puzzle ang mga laman hanggang saktong magkasya ang gamit sa loob. sa makalawa pinatungan ko ng basong may tubig at natabig ko. dagdag sugat sa magandang kahon, at nabasa. hinayaan ko, hindi ko pinunasan. Ilang lingo kong di ginalaw puno na ng alikabok. di ko pinunasan, hinipan ko lang hangaang mawala ang iilang alikabok.


hindi ko inalagaan ang kahon ng tulad ng nakasabi sa sulat. may sarili akong paraan…at hanggang ngayon nasa akin pa siya. hindi ko tinapon, o pinamigay, hindi ko hinayaan masira ng tuluyan,di ko gaano pinakeelaman kasi fragile na siya.


ang ganda niyang kahon, mas maganda pa siya ngayon.

Kasi bawat sira, bawat sugat may kwento.

No comments:

Post a Comment