
masama magmahal ng sobra kasi ayaw nila ito. gusto nila tama lang.
pero sa simula sus! ok ang sobra diba? until marealize mo hindi pala. bakit kaya? Kasi daw hindi sila makapagcope up sa binibigay mo. Eh hindi naman kasi kelangan pantayan. Kaya mo ba pantayan ang pagmamahal na ibinigay saiyo ng iyong nanay? Hindi kasi we can only do so little. Ang pagmamahal hindi yan karne sa palengke sinusukat at may kapantay na kabayaran. HINDING HINDI ganun. Leche. Hindi rin racing na dapat ako ang lamang, wala kasing ganun sa love ok?
Isa nanamang pagkakamaling norm na hindi natin namamalayang nakatatak sa utak natin.
eh pano kung you just have to give it out kasi sobrang dami, you leave some for yourself naman. Walang catch, walang trap. You give because you want to give. binibigay lang talaga. bakit ayaw pang tanggapin. hindi ba dapat nagpapasalamat na lang at tanggapin?..
ako ang taong pag nagmahal eh mahal ko talaga. kahit ano ka pa, ano pang gawin mo siguro. ewan. pero grabe ata ako magmahal? hindi ko alam.
bakit ko pipilitin ang isang taong mahalin ako kung hindi na talaga diba? Kung hindi na edi wala. Pakakalasin ko siya kung kelan niya gusto…kesa pahirapan ko siya at pahirapan ko sarili ko. ako na lang…
…yes martyr. hindi rin eh. sadyang ganito lang ang takbo ko.
“ill finish the race for you” ang drama ko.
ill run, but you win.
masama ba magmahal ng sobra? para sa akin hindi. tama lang siya kasi kung may maibibigay ka naman talaga bakit ko dapat ipagkait.
you don’t have to love me more than i love you. what’s important is you love me too…
May problema ba?
ReplyDeletewala naman pero magulo. hindi ko tuloy malaman if i should stay? or not. naguguluhan pa siya? hindi pa niya alam eh. hindi ko alam kung dahil sobrang pagod na siya sa mga bagay bagay or...eto na talaga.. sakit tsong
ReplyDelete