
Ano ang ginagawa mo pag umuulan?
Hindi ako nagpapayong, ayaw ko. kasi gusto kong nararamdaman ko ang patak ng ulan. Sabi nila pag di ako nagpayong magkakasakit ako. ok lang magkasakit ganun talaga, patatagan na lang ng resistensya.
Pag umuulan. parang nakasilip lang ang mata ko, tinitignan ng mabuti kung saan pang pwede dumaan, tapos babalik ang tingin sa gustong puntahan.
Naglalakad ako ng parang walang ulan. Normal lang. kasi alam ko lilipas din siya. kahit ano pa sigurong bagyo ang dumating maglalakad pa rin ako ng normal sa ulan
Pero mas pinapanuod ko ang bawat yapak ko. ang babagal ng tao maglakad, nagsisigawan kapag nakaapak ng "puddle of water". Ganun din ako, ayaw kong bumaon pa ang paa ko sa tubig kasi magiging paksiw ang paa ko haha
Kung bumaha, eh wala akong magagawa. Lulusubin ko ang baha, onting lakad lang bababaw din hanggang makapatong ka sa may mataas na patag.
Ganyan ako sa problema.
Ayaw ko ng nagtatago, nagtatakip gusto ko hinaharap ko ang problema. Ok lang masaktan ganun yun eh, haharapin ko siya. pag may problema kahit gano pa kahirap iisa lang ang aim mo, masolve siya at matuto from there. hahanap ka ng paraan para malutas mo ang hinaharap mo. normal ang problema sa buhay, kaya di ka dapat mawindang, dahan dahan lang kasi baka madulas ka, tignan ang pwedeng gawin para hindi na bumaon pa ang problema. Kung tingin mong wala na kasi masyado ng malaki ang problema..nagkakamali ka. kaya mo pa rin. mas mahirap lang pero makakahanap ka din ng paraan.
No comments:
Post a Comment