Showing posts with label ulan. Show all posts
Showing posts with label ulan. Show all posts

Tuesday, January 19, 2010

kumpleto ang cast

Dumating ako sa eksena, sinalubong ako ng dalawa pang baguhang fan at kwinento na nawala ang idol namin sa fighting scene. akala ng lahat tapos na ang palabas pero hindi pa!! bumalik siya matapos ang 7minuto. ANG GALING! umabot pa ako. Laban idol laban! lahat kami naghihiyawan lahat kaming umaasa sa fighting scene na ito. nakakakaba, ang bigat totoong totoo ang lahat.
Idol, kaya mo yan! tapos bigla akong tinulak ako papasok ng isa pang fan, kinuha ko na ang pagkakataon na ito. lumapit ako kay idol. pinaalam ko na andito kami, ako ang magbabantay sa iba, at chineer ko pa siya ng kaya mo yan!! matapos ang ilang minuto dinala ang idol ko sa arena kung saan last level na. pagkatapos harapin ang higanteng ito. TAGUMPAY!

isa-isa ng kumpleto ang cast.

ngunit nasugatan at nanghina ang idol ko....OH NO!!! pero GO GO GO!! sabi ng assistant director..."it doesnt look good, we have to prepare for the worst" ano? ano? baguhin mo ayusin mo! Go! biglang sumigaw ang direktor "we're not calling it quits yet" OF COURSE NOT. sumigaw ulit ang direktor "he might not make it" ano ba? direktor ka diba? anong might? loko ka ah! IDOL GALINGAN MO.

katahimikan.

WOOOH!! nakabalik pa si idol sa kwarto. Ang galing ang galing. panalo talaga tong idol ko. mga direktor na toh hindi ko kamalaman kung anong gustong ipasabi ang galing mangbitin ng kwento!! go idol! you are soooo good!

kumpleto na ang cast.

0 ... 60 ... lumalaban ... ano toh points? ... 0 ...14 ... 0 ... 72 ... 0 ... 0 ... 0 ...
HOY IDOL!!!! diba may isasign ka pang contrata?
0 ... 0 ... hihingi tayo ng extension sa manager mo 0 ... 0 ...

sumara ang kurtina. DI PA TAPOS ANG PALABAS. 1. 2.. 3.. clear. anong nangyayari sa loob??? buksan niyo!!
ang pangit ng background music. ano yung linya na yun? sira ata yung screen!!

idol? idol?

binuksan muli ang kurtina...IDOL...idol...hindi ka man lang ngumiti sa huling pagkakataon. hindi man lang kita nahawakan.
kagabi lang binabantayan kita ah? kaya mo pa eh! malakas ka pa. kaya nga kita idol diba? ano ba. idilat mo mata mo!! bakit ka nagtatago sa ilalim ng kumot? wag kang kabahan. bakit ang lamig lamig mo? yakap na kita ah. IDOL IDOL.

nagroll na ang credits. tapos na ang palabas. 1:14pm nagend ang show.

kumpleto na ang cast, magkakasama kaming lahat. bibigat lang siguro ang pakiramdam ni idol kung makita niyang malungkot kami. Magpakasaya ka na Idol, aalagaan ko ang fans club mo at ang mga cast. sabihin mo kay manager ang galing niya at inalagaan ka niyang mabuti. kami naman ang panuorin mo idol, mas maganda ang view mo ngayon. kahit na tapos na ang contrata mo, ikaw pa rin ang bida. I love you, i miss you so much.

umulan.
----
Papa, hindi mo kami iniwan. i know. you're just around here somewhere. to be fair, like you did for us. we'll be strong and we'll keep each other. I love you, you know that. be happy. wherever you are eat the yummiest foods ever, play the golf in the wonderful clean green grass. You had a good run, you were a matinee idol. you were a star, you were home box whatever that is. You are my idol.

-no.1 apo.

Monday, November 9, 2009

lobo

tumitibok. tumatakbo. lumalayo. aalis. nalilito.
kelan kaya ako mapapagod
bawat oo may pait na balik
hindi na natuto
bawat isa ay iba
nagtatago sa likod ng ngiti ang sakit, mahirap
nahihirapan. hinihingal. naglalakad. naghahanap
di pa rin ako pagod
kasama ko nanaman ang sarili ko
magisa walang kasama
tatawa. mukhang ok, pero wala ng hangin ang lobo
sino magaabot ng bagong lobo na may hangin?

aantayin ko ang araw na yun.
sana sa pagdating mo, hindi pa rin ako napapagod.

Thursday, October 1, 2009

Dreamboy ko :)

I woke up on the right side of the bed. it felt great to be up, kahit na its 7am in the morning. (kasi 10am ako nagigising talaga) It was written all over the sky...today was going to be different. Dreamboy ko!!! nagpaparamdam na siya pagkagising ko pa lang pero ayaw ko siya isipin kasi ayoko magexpect. Kung darating eh darating…PERO…andaming clues kaya ang lakas ng feeling kong darating siya. naexcite ako… so naghanda pa rin ako.

papunta sa school. Habang asa jeep “eh pano kung hindi siya pumunta?” Torture. Dreamboy ko!!! huhu huhu. Nasa klase di mapakali. Ayun labas ako ng labas nagbabakasakali na magpakita na siya. sobrang impatient ko naririnig ko na ang tunog ng relos ko. nakakainis….kelan ka ba darating?

Hanggang…”sir, andito na…” mabilis na tinapos ng professor ang kanyang lesson. At pinalabas na kami… J paglabas ng pintuan…

Isang footspa for me, how sweet. Lumipas ang ilang oras…the largest pool I’ve ever seen…pero hanggang bewang. He didn’t want me to drown. Thoughtful noh? Tapos pagdating sa favorite fast food ko, pili na yung food ko. I didn’t have to choose from all the products J I feel oh so special. To top it all, he made me stay in a home-y place and had food delivered to me na lang.


What a treat, from my dreamboy…ONDOY

… lol


Pangarap kong maexperience ang baha sa AB

– pag bukas ng pintuan ng classmate ko “sir andito na yung baha”

Gusto ko masubukan maglakad sa UST ng naka-paa

– foot spa ito ‘te. Kumikiskis ang paa ko sa ibat ibang texture ng sahig.


Wish kong makita ang UST ng sobrang baha kasi nakikita ko lang sa pics

– para siyang isang malaking pool na hanggang bewang. Wish ko lang makita, pero God gave me more than that…He made me experience it talaga. Yes, naglakad ako sa baha na hanggang bewang.

bakit dreamboy ko si Ondoy? Kasi he made my dreams come true. Mga pangarap ko. ang galing pa kasi lahat nangyari all in one day…

…break na kami pinaalis ko na siya ng bansa. Hindi siya tanggap ng taong bayan ko…

LOL – lakas trip

isa na akong certified thomasian :) yeahboi

Tuesday, August 4, 2009

ULAN


Ano ang ginagawa mo pag umuulan?

Hindi ako nagpapayong, ayaw ko. kasi gusto kong nararamdaman ko ang patak ng ulan. Sabi nila pag di ako nagpayong magkakasakit ako. ok lang magkasakit ganun talaga, patatagan na lang ng resistensya.

Pag umuulan. parang nakasilip lang ang mata ko, tinitignan ng mabuti kung saan pang pwede dumaan, tapos babalik ang tingin sa gustong puntahan.

Naglalakad ako ng parang walang ulan. Normal lang. kasi alam ko lilipas din siya. kahit ano pa sigurong bagyo ang dumating maglalakad pa rin ako ng normal sa ulan

Pero mas pinapanuod ko ang bawat yapak ko. ang babagal ng tao maglakad, nagsisigawan kapag nakaapak ng "puddle of water". Ganun din ako, ayaw kong bumaon pa ang paa ko sa tubig kasi magiging paksiw ang paa ko haha

Kung bumaha, eh wala akong magagawa. Lulusubin ko ang baha, onting lakad lang bababaw din hanggang makapatong ka sa may mataas na patag.

Ganyan ako sa problema.

Ayaw ko ng nagtatago, nagtatakip gusto ko hinaharap ko ang problema. Ok lang masaktan ganun yun eh, haharapin ko siya. pag may problema kahit gano pa kahirap iisa lang ang aim mo, masolve siya at matuto from there. hahanap ka ng paraan para malutas mo ang hinaharap mo. normal ang problema sa buhay, kaya di ka dapat mawindang, dahan dahan lang kasi baka madulas ka, tignan ang pwedeng gawin para hindi na bumaon pa ang problema. Kung tingin mong wala na kasi masyado ng malaki ang problema..nagkakamali ka. kaya mo pa rin. mas mahirap lang pero makakahanap ka din ng paraan.