Saturday, August 8, 2009

si anne at si crus

TADHANA

bago kong datemate si crus, nung kelan lang siya dumating dito sa aming dormitoryo. at sa lahat ng bago, nagulat ako na natripan niyang maging drogista tulad ko. astig din kasi siya, walang pakielam sa mundo. tulad ko may takbo ang buhay niya, minsan nga lang hindi namin alam pareho kung saan papunta. eh masaya, high na kami pareho.

pero unang kilala ko pa lang sakanya alam kong hindi siya tatagal sa dorm namin. kasi di niya trip ang mga kasama. at hindi siya bagay dito. kung ako nga nagbabalak ng umalis eh...

masarap siya kausap, mapayosi man o jutes. may sense..kaso habang tumatagal madalas nawawala na siya sa mga sinasabi niya. tinatamaan na ata, delikado.

bata, dahandahan sa pagsindi, paghithit. hindi mo alam ang pinapasok mo. sabi niya "i somehow know" yes nagenglish siya...sabay pahabol na "i love you" ayun tinamaan na nga. masyadong high na tong datemate ko. pero dahil high din ako "i love you too" gago ko din eh pero kasi masaya.

pero alam kong baliwala yon, kaya hinahantay ko ang araw na mawala ang tama niya. na magising siya, kasi alam kong hindi totoo. dala lang ng kasiyahan ng jutes ang lahat.

dun lang kami sa bubong masaya, kung saan kami tinatamaan...pag kaharap na namin ang mga kadorm todo ngiti kasi high na haha

ng tumagal nakaramdam ako ng hirap, nahihirapan para sakanya. alam kong may amats na siya hindi sakin kung hindi sa jutes...may problema ata siyang gustong limutin...jutes pa!! pero mali.. maling mali...maling ginagawang escape ang bisyo.

"ahhhh wag niyo pansinin si anne, may tama lang siya" matatawa na lang ako

gising. tinatamaan na ata ako kay crus. tira. nagisip ng mabuti...kabog ng puso. saan? ... o kanino? may tama. shhhhhhhh excuse ko lang ang pagiging high... wala kasi akong lakas ipakita ang tunay kong nararamdaman.

...
hindi magkasabay ang ulan at iyong nararamdaman. ginugulo ka lang ng iyong isipan, wag mo lagyan ng ibig sabihin ang lahat.
...
sumunod na buwan. umalis siya sa dormitortyo, nagising na si datemate at nakita ang realidad. sabi na nga ba hindi niya nakayanan...

eto ang pagkakaiba ko kay crus. alam ko ang realidad, sa tama ng jutes.

paalam crus! maraming salamat sa panandaliang saya na dinala mo sa akin.
magingat ka. welcome to the real world! magpakatatag ka...madami pang problema ang darating. masarap pero mahirap na kaibigan ang mga bisyo. hinay hinay.

walang halong jutes...I love you, pre.

-anne


2 comments:

  1. check mo yung mydabs.blogspot.com tpos yung pinaka unang blog entry...siya gumawa nun. tinuloy ko? or tinapos ko...sa blog na toh

    ReplyDelete