si manong magaling ay taong nagmamagaling. normal na tao siya, pero sa loob ng isang araw for sure na may masasabi siyang may sense. lahat naman ng tao ganun pero si manong magaling may conviction. napagdaanan niya kasi, o nakikita niya. napaka normal niyang tao, mas madalas lang talaga siya magisip. mayabang pero may pinagyayabang. kaso ang problema hindi siya maboka..hindi commercial. ayaw niya ng attention. kasi para sakanya iba ang napapansin sa nagpapapansin. iba ang iba sa nagpapakaiba. kaya kung mapapansin mo siya eh yung ay napansin mo siya out of all the normal people. oh dba ang galing? pero kung titignan mo at babasahin mo ulit eh napakasimpleh lang ng kanyang thoughts and ideas may deeper meaning lang at napapaisip ka pag sinabi niya yun kasi ibang view ang nahahatid niya sa iyo. hmmm aliw...
san ko nakita si manong magaling? san ko siya narinig? hindi ko sasabihin. pero malalaman niyo din..habang di pa siya sikat ako muna ang makakaalam kung sino siya. ha? darating din
No comments:
Post a Comment