pinapanuod ko ang dalawa habang natutuwa at nagkakantsawan...
makakarating ang isa ng 4 na hakbang kalayo sa base nung isa, pero makakatakbo ang bantay at tuluyan susugod sa base ng kalaban.
...
A: hindi mo naman kaya iwanan at irisk ang base mo para habulin ako
B: KAYA! ikaw naman lagi kang nagiisip kaya pigil ang galaw mo
A: at least nagiisip, di katulad mo na sugod lang ng sugod. walang pakielam kahit madapa
B: ok lang madapa! kasama yun sa pag sugod. at least sinubukan ko
A: sinubukan mo kaso walang nangyari.
dumating na sa punto na naging seryoso sila, wala ng tawanan, wala ng ngiti.
ang dalawang base hindi pwede maiwanan, kelangan ipaglaban.
hindi pwedeng hayaan na walang nagbabantay, kundi maagawan.
kelangan marunong ka magrisk, kelangan marunong ka magisip.
hindi pwedeng sugod lang ng sugod, malayo nga ang nahakbang wala naman napala.
hindi rin pwedeng grabe magisip, baka hanggang isang hakbang lang ang mangyari.
kapag nakuha ng isa ang base ng aagawan, tapos ang laro. meron ng panalo.
nakikipalaro ng agawan base ang utak at puso ko sa magiging desisyon ng araw araw ko.
No comments:
Post a Comment