walang malungkot, magiging malungkot pagkasama ako. kahit pa umiiyak ka na, i can definitely make you smile. Magaan ang loob ng mga bata sakin, kahit na nakakaloko ang aking itsura. madali sila maaliw sa kulit ng aking personalidad. bawat eksena na gawin ko siguradong magpapasaya sakanila, kaabang abang ang mga gagawin ko. it surprises them. nakikita nila akong masaya, at nagtataka pano maging ganun kasaya? madali lang sakin eh. at ipaparamdam ko sakanila kung gaano kadali yun! SMILE.
pag iniinis ka ng kalaro mo, SMILE.
okay lang ipaparamdam ko pa rin na pwede nila ako maging kaibigan at pag nangyari yun mas magiging masaya ang lahat. nakakatuwa ang mga mukha nila, sumasaya lalo ako pag nakangiti sila, nagaabang ng susunod kong gawin.
ngunit may ibang takot sakin.
hindi ko malaman kung pano ko nagagawa yun. hindi ko masabing emo ako pero ganon lang talaga pag nakita ko ang mga bata, makakalimutan ko ang lahat at pangingitiin sila.
habang suot ko ang maluwag kong damit, tatawa sila magtataka pano ako nagkasya dun. may rason, kelangan makagalaw akong mabuti. para maipakita ko ang skills at talentong maibabahagi ko sainyo. Onting joke dito, tawa kayong lahat. Onting asar sa kaibigan ko, tawa ulit kayo.
Bakas sa aking mukha ang kasiyahan na meron ang puso ko, na gusto kong ipamahagi sa inyo para lahat tayo masaya. pero bakas sa mata ko ang kalungkutan at gutom...gutom na gutom sa kasiyahan. gusto ko masaya ang lahat, ayaw ko kasing nakikita niyong malungkot ako, minsan na nga lang kayong masaya at priveleged na ako na ako ang nagpatawa at nagpangiti sainyo. Gutom na gutom ako para maging masaya, kasi sa loob may pinoproblema ako, may iniintindi pero dahil hindi ko magawang maging masaya, kayo na lang muna.
No comments:
Post a Comment