natutuwa sa bawat ngiti
Madaling mahawa sa halakhak
simpleng tingin, parang kinikiliti ang puso
pag nang ako’y hila, bumibigay ang tuhod
Bawat apak sumusunod ang mata
Bawat patak nakikinig ang puso
Tugtog ng aking buhay, sinasayawan
Onting maiaalay, pinakikiramdaman
umikot ikot ang tanong sa ulo
ang hirap iabot ang oo na inaabangan
parang highschool ang utak
nagtatantrums, pumapadyak pa mga paa
ganito talaga ang araw-araw
gusto o ayaw lang ang desisyon
nakakabugnot pero alam kong nasisiyahan na ako ang kasama
nakakaloko pero ang lahat ng pagtitiis ko para sa ka….
_________________________________________
dugtungan mo ang lahat ng sinabi ko
tapusin natin ang kwentong ito
magbabago ang storya ng sinulat ko
pag tinapos mo ang lahat ang linya sa salitang “niya”
No comments:
Post a Comment