Labi mo't labi ko'y nagdidikit
Hawak ang katawan mo ako'y nanginginig
Iisa ang nilalaman ng ating dibdib
Parehong nilalanghap na hangin
Ikaw ang hanap sa araw at gabi
Dating mo ay nakakahumali
Sa haplos mo dahan dahan akong namamatay
Wala akong kalabanlaban, walang kamalaymalay
Bakit sa bawat kanto ng buhay, dumarating ka?
Nakakabaliw ka, tama na
Gusto kong tapusin na ito
Ayokong dumepende sa iyo...
Masarap kang magmahal
Pero ako'y nasasakal
Nahihirapan, nanghihina
Ikaw ang nagiisang dahilan
Gusto kita pero di mahal
Masaya akong nakilala ka
Hanggang dun na lang aking makakaya
Wag mo na sana akong akitin pa...
yosi! hits lang. ganda nito.
ReplyDelete:) pag nadadala ka sa mga bagay subok natin ilagay sa mga salita na naglilimit pero solve pa rin basta lang mailabas at mashare sa mga tao
ReplyDelete