Friday, April 23, 2010

Stoplight

STOP LIGHT

Malayo pa lang kitang kita green na ilaw. Humarurot ang kotse ko palapit ng palapit naging yellow…bumagal ang takbo ko. dahan dahan ko ng inaapakan ang breaks. Tapos pula…hanggang dun lang ako sa linya.

Sa malayo maganda siya, nakasama mo ng matagal nakikita mo na ang detalye ng mukha at pagkatao niya. hanggang huminto ko kasi hindi mo pala trip.

Ang dami mong alam salita ka ng salita. Sa dami ng makakausap sa mundo nagsasawa ka na kakapaulit ulit. Ayan na nahimik ka.

Uyy uso bili ka, suot ka naman. Pormado. Lakad ka ng lakad sa mall may dip ala bagay sayo. di mo na sinuot ulit yung “uso”

Bagong yosi ka lang. isang stick pa, isang stick pa. isang kaha pa. isang rim pa. hala sige hits lang. hanggang sa hirap ka na huminga. Titigil ka o mamamatay ka.

Isang shot lang, isang bote ng beer. Masarap? Shot pa shot pa! isa pang case ng red horse. Hanggang gumegewang na lakad mo…dahan dahan ng prumoproseso ang utak mo. tapos wala na, past out.

Sa umpisa masaya kayo. harurot ka naman “forever na toh” Tumagal ng tumagal nawawala na ang kilig, dahan dahan ng nawawala ang pagmamahal. Tumigil ka hinayaan mo na siya tumakbo, dun ka na lang kung saan ka huminto.

Go bata ka pa, slow down tumatanda ka na, stop matanda ka na

____

bakit ba tinawag na stop light kung may go at slow down?

kasi kung walang go at slow down, walang silbi ang stoplight.

kung walang stop, lahat na lang naka-go, lahat naka-slow down. di na natuto tumigil

No comments:

Post a Comment