binasa ko ang sinulat ko nung isang araw habang nakainom ako at di ko napigilan ang pag tawa ng malakas. anong kinalaman ng pagtakbo ng kotse? sa lakbay ng buhay ko minsan pumapalo ako sa 300km/h kasi feeling ko kulang ang oras. sa sobrang bilis nun possible na bumigay ang breaks at kung wala na ang break bibitawan na lang ang gas at hahayaang bumangga ako...mali pero para ipatakbo ko ng ganon kabilis ibig sabihin alam ko na ang mangyayari. baliw? alam ko na ang mangyayari pero tinuloy ko pa rin? yun ang tinatawag na risks, thrill and finding the joy it that spur of moment. napa-what daw na lang ako after ko basahin, naalala ko naman na nagblog ako pero hindi ko maalala yung huli kong linya na out of context talaga sa pinagsabi ko
"i miss showing my real smile...i wish i can have you soon"
nalungkot ako nung nabasa ko kasi somehow it meant im not happy. but im trying to be.. mas masakit pa dun pretending to be happy. gusto ko malaman kung pano ko nabitawan ang mga salitang iyon, at ang huling linya "i wish i can have you soon" just shows me longing to get that real smile again.
sino ba o ano? ewan ko. nahimasmasan ako sa linyang yon.
No comments:
Post a Comment