Showing posts with label saya. Show all posts
Showing posts with label saya. Show all posts

Tuesday, May 24, 2011

die plastik, die

kay galing ng plastic, para silang may reproductive system dumadami sila
nakakalat sa kalye, sa fast food chains, sa bahay, sa church, sa office
you see plastic everywhere
galing ng plastic kasi they last long :) tagal talaga...
i think the only way to get rid of them is to burn them...pero feeling ko magmemelt lang sila tapos plastic pa rin.

ano kaya ang mundo ng plastic. para silang protective seal. pantakip, pang harang sa mga laman niya from the rest of the world around it. ayaw niya magpaepekto sa ibang substance.

plastic jar, plastic bag, plastic glass, plastic cover o plastik na tao. parepareho ang plastik

im amazed with their kind. they last long....
but they last alone...
last alone with their own kind.
Die plastic, die!!

Monday, May 31, 2010

Habang sober

binasa ko ang sinulat ko nung isang araw habang nakainom ako at di ko napigilan ang pag tawa ng malakas. anong kinalaman ng pagtakbo ng kotse? sa lakbay ng buhay ko minsan pumapalo ako sa 300km/h kasi feeling ko kulang ang oras. sa sobrang bilis nun possible na bumigay ang breaks at kung wala na ang break bibitawan na lang ang gas at hahayaang bumangga ako...mali pero para ipatakbo ko ng ganon kabilis ibig sabihin alam ko na ang mangyayari. baliw? alam ko na ang mangyayari pero tinuloy ko pa rin? yun ang tinatawag na risks, thrill and finding the joy it that spur of moment. napa-what daw na lang ako after ko basahin, naalala ko naman na nagblog ako pero hindi ko maalala yung huli kong linya na out of context talaga sa pinagsabi ko

"i miss showing my real smile...i wish i can have you soon"

nalungkot ako nung nabasa ko kasi somehow it meant im not happy. but im trying to be.. mas masakit pa dun pretending to be happy. gusto ko malaman kung pano ko nabitawan ang mga salitang iyon, at ang huling linya "i wish i can have you soon" just shows me longing to get that real smile again.

sino ba o ano? ewan ko. nahimasmasan ako sa linyang yon.

Friday, April 9, 2010

BACKSTAGE crew

A lot of things happen backstage. Watchout for BACKSTAGE CREW's dance videos soon on youtube :)

Saturday, March 20, 2010

Longboard

lately nahilig ako sa long board, para siyang skateboard pero mahaba. medyo may trauma ako dito, pero tsh ano ba ang salitang trauma sakin? mas lalong takot ako mas lalo kong gustong labanan. so sinubukan ko, laking tuwa ng mga kaibagan kong chinggona papis ng makita nila ang balance ko sa board. ilang horas lang kaya ko na maglowride? basta yung curve thingy, komportable na daw ako sa board pero kita pa rin na binabantayan ko ang kilos ko. sumunod na araw na masubukan ko, ayung let loose na ako :)

masaya mag longboard. ang pag apak ko sa board ay pag apak ko sa magiging bagong buhay ko pagkatapos ng kolehiyo. ang pag bwelo ko, pagkis kis ng paa ko sa sahig para makaandar ko ang tanda na magbibigay ng bwelo ko para magawa ko ang mga gusto ko. at pag nakapatong na ang dalawa ko sa board paalala na kaya ko mag-isa :) kaya ko tumayo mag-isa. ang tuhod ko na susuporta sa sakay ng buhay ko, ang adrenalin habang naglolow ride ang excitement sa adventure at challenges na darating sa buhay. at ang hampas ng hangin at pag ikot ng gulong ang paalala na matatapos din ang lahat nito ng mabilis.

haaay buhay :) isa kang rollercoaster ride, isa kang longboard ride :)

Tuesday, March 16, 2010

Normal

magiilang buwan o isang taon na din na ganito ang sitwasyon. normal lang, parang ang tagal mo ng kasama sa picture ng buhay ko pero hindi naman talaga. nakikita lang kita sa entablado noon, nakakasalubong sa maliliit na daanan ng building na iyon, pasimpleng hi hello kaso di naman kita kilala pero ngayon makikita na kita kung saan saan bigla, makakasama at makakatawanan. di naman malayo na mangyari yun, normal lang.. diba?

presensya mo pa lang nangingiti ako. normal. natutuwa lang naman ako na andiyan ka nanaman. kahit wala naman talaga tayong pinaguusapan na seryoso masyado.
ayun ang mga pangaasar mo na yung mga ano mga kakaalam mo lang tungkol sakin pero cge simula yan ng pagiging close. normal pa rin.
pag gising ko inaasahan kong text mo ang bubungad sa screen ng cellphone ko. normal. masarap ka kausap, at alam ko natutuwa ka rin na kausap ako. normal, lagi ko namang sinisilip ang phone ko pagkagising na pagkagising ko.
ang abangan ang susunod na araw na makakasama kang tumambay sa "place to be" tapos magkwetuhan ng kung ano ano. mga experiences, jokes at kung ano. normal, ganun talaga pag nageenjoy ka hinahanap hanap mo.

pero ang ngitian ka habang malayo ang tingin mo, hindi ko masabing normal
ang saya ko lang