sana nahahawakan ang luha para mas kaya kong kontrolin
kung kelan ko hahayaan pumatak sa sahig, kung kelan ko dapat itago muna
pero may rason kung bakit hindi mo buong buo macontrol ang pagpatak ng luha sa mga mata
kasi hindi mo madadaya na mapakita kung kelan tuwang tuwa ka na at kelan nalulungkot ka na talaga.
isang araw bago ang gabi para sa mga aalis....
Nicolai: ehhhh ayoko na, naiiyak na ako. iyakin pa naman ako
Lester: anong iyakin? HINDI NGA EH. diba hindi ka umiiyak pag kakabreak lang
Nicolai: hindi naman kasi kaiyakiyak yun, feeling ko manhid tlga ako sa mga bagay na ganun. eh eto mga ganito naiiyak ako...
umupo ako sa nagiisang upuan sa stage, kinuha ang mic pero bago ako magsimula magsalita tinignan ko sila...tinignan ko yung mga mukhang nagpasaya sakin, nagpahirap sa buhay ko, mga mukhang gusto ko lagi kong nakikitang nakangiti...hmmmm hinga malalim. patago kong kinagat ko yung dila ko..
hindi ko alam sasabihin ko sakanila, kasi ayoko pa umalis. ayokong isipin nila na iiwan ko sila. kung wala lang expiration date ang pagstay edi kasama ko pa rin sila. bakit kasi nauna ako ng isang batch. bakit ang bigat bigat sa loob, kakaiba tong upuan toh mapapaupo ka talaga, itong mic naman para mapalakas ang boses kasi wala ka tlga masasabi...anak ng puta oh.
"hi guys, are you still awake. hello hello" ang energetic na ako ang nagsalita. tangina naman eh ang hirap ilabas ng nararamdaman ko...ang hirap. buti na lang may speech ako na prepare kahit papano sa mga medyo naging close ko, kasi kung wala malamang umiiyak na lang ako sa stage...
matapos ko bigyan ng speech yung 15+ na yun...natira na lang ang 3 taong pinaka malapit sa puso ko sa varsi, sa photogs section....si josa, si lester at si paul...
dun ko lang naramdaman na posible pala bumigat ang labi. pano pa kaya si angelina jolie na may malaking labi? (sumisigaw ng mommy!!! ang puso ko) hinayaan ko na, buhos na gripo na kung gripo.
hindi naman kasi bawal umiyak. wala naman nagsabi na wag ako umiyak.
josa, beb. naging close tayo dahil we HAD something in common. you're one tough beautiful girl, soon to be a lady. ngayon na mag-18 ka na be responsible of your actions. kung pwede lang wag ka muna magkaboyfriend tapusin mo muna pag-aaral mo. hindi ko akalain magiging close tayo dahil sa kung ano nangyari before, kilala na nga natin ang isat isa, nagkatinginan na tayo pero hindi pa ikaw si beb nun. you'll be happy even without a guy, college is the time for friends and to build who you are. ibibigay ang puso sa taong mahal mo, alagaan mo toh. kasi you're heart is one treasure, you deserve someone who will love you and make you feel proud to be you.
beautiful and talented, beb you are blessed with these two things. I love you so much, ill miss you. kwekwentuhan pa rin kita tungkol sa mga dumadating at pumapapel na lalaki sa buhay ko...hayaan mo kong takbuhan kita ha? onti lang kasi kayong tinatakbuhan ko eh. (yakaaap)
DYI!!! ang nagiisa at natitira kong kabatch. kahit ang bagal bagal mo kumain, kahit puro sorry ang naririnig ko pag may nakakalimutan ka, kahit ang bi mo sakin sa pag yosi (joke lang) tinitiis kita kasi ikaw si DYI eh :) sabi mo nung gabing naginuman tayo sa caylabne mahal mo ko mahal mo ko dyi soooper love din kita...imagine isang text mo lang na bitch yung taga science nung pautakan nagcut ako para syo ayokong binubully at binibitch kayo...mamimiss ko yun. tayo na lang ang magkabatch, mawawala pa ako. sorry....hindi naman kita iiwan eh, aalis lang ako ng V pero babalik pa rin ako sainyo. tayong tatlo pa rin ang magkabatch matibay na bond yun. dyi? wag ka iiyak...Thank you kasi ikaw ang naging kabatch ko, thankful kasi 3 lang tayo. sorry ulit. uulitin ko mahal kita. ill miss you my dear batchmate.
Paul, you suck talaga as my editor. and yes you said it you are not a good leader because you're one selfish person. hindi naman kelangan ikaw lahat magcover eh, pwede ishare. gumawa ka ng systema mo, you bring others up as you become great because thats the only way to be greater. Alam mo ba na you're one of the grave reasons why i wanted to leave varsi? me being there and you staying there is making me feel hate more which means more stress for me. my last year in varsi sucked big time because of you...you made my last year not enjoyable...wag ka magalala di na kita mumurahin. hindi ko kaya. i said you're one of the reasons why i wanted to quit, but also one of the reasons why i stayed. magpapatalo ba ako sa isang tulad mo? syempre hindi. you're one of my closest friend. in fact you're the one who got me here. kahit gago ka, kahit user kang friend, kahit nagaway tayo, kahit nagkaissue...i look beyond that coz you are my friend. mamaw? Thank you for making me be a part of this family. thank you for making me feel sucky because it made me strive better. i hate you, but i also love you mamaw. ill always be your friend, ill always be here when you need me.
....magang maga ang mata ko...pulang pula mukha ko .... asado siopao anyone?
No comments:
Post a Comment