Showing posts with label kaibigan. Show all posts
Showing posts with label kaibigan. Show all posts

Saturday, August 28, 2010

patak

tumutulo ang tubig sa gripo at di ko mapigilan. wala akong ibang magawa kundi saluhin.
patak. patak. nakikita ko ang sarili sa na namumuong tubig. patak. mawawala ang imahe ko. hindi ako makatulog sa katahimikan ng gabi. rinig na rinig mong pumapatak. patak. pero sa paulit ulit para na siyang lullaby na nilalambing ako patulog. patak. nagising sa gitna ng gabi iniisip bakit ako nagigising sayo. isang hugis, walang kulay, boring mong tunog. patak patak.


nagkwento ka ng nararamdaman mo. wala akong ibang magawa kundi makinig. patak. minsan nakikita ko ang sarili ko sa kinalalagyan mo. pero nawawala yun kung paano mo harapin ang problema mo. patak. patak. hindi ako makatulog iniisip kung ok ka lang. ramdam kong nahihirapan ka. patak. kung umiiyak ka man makakatulog ka kasi mapapagod ka. patak. biglang magigising ako mapapaginipan kita, bakit lagi kitang iniisip? patak. ikaw na dati ko ng alam na boring kausap. patak. nakakaiyak andito nanaman tayo sa senaryong ito. patak patak.

Sunday, August 8, 2010

no sense

words that seem right. words that felt right but saying it now is not right for me, doesnt feel right me saying it to him. heart broken. fake smile. good advice. trying to be a good friend when the whole world said it was crazy to be friends with him.

"im happy for you" sounds so bitter to me, now. words that doesnt sound right to me anymore. "smiling while your heart is aching" is getting old. "dont be afraid to get hurt, its a part of it" wasnt so much of a good advice for me to him. the great pretender.

i could give advices that are good for him, but not for me. it hurts. i ended the blue morning with a hug, and a long look in his eyes trying to figure out when i can have him again. i need to separate his friend and his admirer in me. i heard my heart shatter to pieces, i felt it crack. i felt very human. and it felt wrong, this was new to me.

i miss you.

Wednesday, May 12, 2010

asado siopao

sana nahahawakan ang luha para mas kaya kong kontrolin
kung kelan ko hahayaan pumatak sa sahig, kung kelan ko dapat itago muna
pero may rason kung bakit hindi mo buong buo macontrol ang pagpatak ng luha sa mga mata
kasi hindi mo madadaya na mapakita kung kelan tuwang tuwa ka na at kelan nalulungkot ka na talaga.

isang araw bago ang gabi para sa mga aalis....
Nicolai: ehhhh ayoko na, naiiyak na ako. iyakin pa naman ako
Lester: anong iyakin? HINDI NGA EH. diba hindi ka umiiyak pag kakabreak lang
Nicolai: hindi naman kasi kaiyakiyak yun, feeling ko manhid tlga ako sa mga bagay na ganun. eh eto mga ganito naiiyak ako...

umupo ako sa nagiisang upuan sa stage, kinuha ang mic pero bago ako magsimula magsalita tinignan ko sila...tinignan ko yung mga mukhang nagpasaya sakin, nagpahirap sa buhay ko, mga mukhang gusto ko lagi kong nakikitang nakangiti...hmmmm hinga malalim. patago kong kinagat ko yung dila ko..

hindi ko alam sasabihin ko sakanila, kasi ayoko pa umalis. ayokong isipin nila na iiwan ko sila. kung wala lang expiration date ang pagstay edi kasama ko pa rin sila. bakit kasi nauna ako ng isang batch. bakit ang bigat bigat sa loob, kakaiba tong upuan toh mapapaupo ka talaga, itong mic naman para mapalakas ang boses kasi wala ka tlga masasabi...anak ng puta oh.

"hi guys, are you still awake. hello hello" ang energetic na ako ang nagsalita. tangina naman eh ang hirap ilabas ng nararamdaman ko...ang hirap. buti na lang may speech ako na prepare kahit papano sa mga medyo naging close ko, kasi kung wala malamang umiiyak na lang ako sa stage...
matapos ko bigyan ng speech yung 15+ na yun...natira na lang ang 3 taong pinaka malapit sa puso ko sa varsi, sa photogs section....si josa, si lester at si paul...

dun ko lang naramdaman na posible pala bumigat ang labi. pano pa kaya si angelina jolie na may malaking labi? (sumisigaw ng mommy!!! ang puso ko) hinayaan ko na, buhos na gripo na kung gripo.

hindi naman kasi bawal umiyak. wala naman nagsabi na wag ako umiyak.

josa, beb. naging close tayo dahil we HAD something in common. you're one tough beautiful girl, soon to be a lady. ngayon na mag-18 ka na be responsible of your actions. kung pwede lang wag ka muna magkaboyfriend tapusin mo muna pag-aaral mo. hindi ko akalain magiging close tayo dahil sa kung ano nangyari before, kilala na nga natin ang isat isa, nagkatinginan na tayo pero hindi pa ikaw si beb nun. you'll be happy even without a guy, college is the time for friends and to build who you are. ibibigay ang puso sa taong mahal mo, alagaan mo toh. kasi you're heart is one treasure, you deserve someone who will love you and make you feel proud to be you.
beautiful and talented, beb you are blessed with these two things. I love you so much, ill miss you. kwekwentuhan pa rin kita tungkol sa mga dumadating at pumapapel na lalaki sa buhay ko...hayaan mo kong takbuhan kita ha? onti lang kasi kayong tinatakbuhan ko eh. (yakaaap)

DYI!!! ang nagiisa at natitira kong kabatch. kahit ang bagal bagal mo kumain, kahit puro sorry ang naririnig ko pag may nakakalimutan ka, kahit ang bi mo sakin sa pag yosi (joke lang) tinitiis kita kasi ikaw si DYI eh :) sabi mo nung gabing naginuman tayo sa caylabne mahal mo ko mahal mo ko dyi soooper love din kita...imagine isang text mo lang na bitch yung taga science nung pautakan nagcut ako para syo ayokong binubully at binibitch kayo...mamimiss ko yun. tayo na lang ang magkabatch, mawawala pa ako. sorry....hindi naman kita iiwan eh, aalis lang ako ng V pero babalik pa rin ako sainyo. tayong tatlo pa rin ang magkabatch matibay na bond yun. dyi? wag ka iiyak...Thank you kasi ikaw ang naging kabatch ko, thankful kasi 3 lang tayo. sorry ulit. uulitin ko mahal kita. ill miss you my dear batchmate.

Paul, you suck talaga as my editor. and yes you said it you are not a good leader because you're one selfish person. hindi naman kelangan ikaw lahat magcover eh, pwede ishare. gumawa ka ng systema mo, you bring others up as you become great because thats the only way to be greater. Alam mo ba na you're one of the grave reasons why i wanted to leave varsi? me being there and you staying there is making me feel hate more which means more stress for me. my last year in varsi sucked big time because of you...you made my last year not enjoyable...wag ka magalala di na kita mumurahin. hindi ko kaya. i said you're one of the reasons why i wanted to quit, but also one of the reasons why i stayed. magpapatalo ba ako sa isang tulad mo? syempre hindi. you're one of my closest friend. in fact you're the one who got me here. kahit gago ka, kahit user kang friend, kahit nagaway tayo, kahit nagkaissue...i look beyond that coz you are my friend. mamaw? Thank you for making me be a part of this family. thank you for making me feel sucky because it made me strive better. i hate you, but i also love you mamaw. ill always be your friend, ill always be here when you need me.


....magang maga ang mata ko...pulang pula mukha ko .... asado siopao anyone?

Tuesday, February 16, 2010

Usapang lasing

Nagkataon na araw ng puso ko bukas. araw ng mga puso natin.
naiwan kaming tatlong magkaibigan, hindi kami iniwan pinili lang namin na hindi sumama.
Dala ng lungkot, nagkayayaan uminom. takte tatlo lang kami uminom.

Inuman friend 1:
"Namimiss ko siya" wala ng lalabo pa sa statement na yan pag ang nagsabi niyan ay isang lasing. malabo kasi bibitaw ka, tapos mamimiss mo. malabo kasi kaya mo sabihin samin pero sakanya hindi. malabo kasi hanggang hangin lang ang abot ng salita mo, walang pupuntahan.

Inuman friend 2:
"baka mapakilala mo naman ako sa friends mong girls?" sagot ko "mahalin mo muna sarili mo kasi hindi mo kakayanin na pag nawala na yung taong mahal mo. yung lalagyan mo ng pagmamahal, pag nawala yun mawawala ka din"

Ako: sa bawat tagay at shot na nilalagok natin...onti onti natin natatanggap ang mga katotohanan na pilit nating tinatago, at tinatakpan ng ngiti at saya.

Inuman friends: wow...lasing ka na nicole

ako: siguro nga. Cheers

Tuesday, December 8, 2009

When you’re in a shit hole

Have you ever experienced sitting in class and being quiet? When in reality you’re not that type of person. You’re not quiet, you’re usually the one making noise. The one that the teacher hushes during classes. Well it happened to me. That’s when I started thinking…

You get into high school or college and you find your “comfort zone” among the many faces in the crowd. But you have to be careful for those faces can turn to evil glares when you turn your back. Sometimes this jolly person you see, is the number back stabber you’ll ever meet. The person in the group who hangs on to anyone just to stay in the group wouldn’t be there for too long. The bossy will always be shut out. But those who learn to keep things to themselves and does not mind who they are with, will stay. Not necessarily the same crowd but they will stay. It’s hard to find strong friends, strong enough to take in the foul stench of your being.

I’m barely close with anybody because I don’t think I don’t have to be close with everybody. I’m a person hard to understand. That’s why only a few really know me. I’m not complaining, I’m informing. I always loved small circle of friends, it was always better that way. But my perky stature in the society draws in friends, and I can’t help but talk to them. Sometimes you need a breather from the same crowd, you want and find something new. I think this time, ill be thinking about myself. Putting me at the top of my priority list. I’ll think of pleasing myself and making me happy. I always cared for others, and I know I did my part already. Change is a very strong word, and if I do change for this, as long as I’m happy, I won’t change back. I can’t take back what has been lost, I can’t take back what has happened. I’ll just keep moving forward, and whoever stays with me in my journey of life, well I’m thankful and blessed to have you aboard.

Everybody has their shitty days.

Warning: Keep distance

sa kalye maraming signs diba? no u-turn, no left turn, one way, pedxing, no parking. ah basta madami sila. habang nakasakay sa jeep papuntang UST napansin ko ang isang truck na may nakasabit na sign na "Warning: Keep Distance"...
...natulala ako hanggang naramdaman kong magvibrate ang cellphone ko...

bakit kaya ang signs sa buhay natin narerealize lang natin pag nadaanan na?
kung kelan may iba na siya, dun mo malalaman na may gusto pala talaga siya sayo noon kaya pala may moby na iniaabot sayo pag nagkikita kayo
bawat "kamusta?" ng kaibigan mo, may ibig sabihin pa palang mas malalim yun na narealize mo lang nung may umiiyak na.
nung natapos ang kanta nung nagvivideoke dun mo nalaman na nakatingin pala siya sayo, ang kulit mo kasi kung kanikanino ka nakikipagdaldalan
sa bawat sign na madaanan pansin mo may napagiiwanan? hindi lang ikaw ang apektado.
sana lahat ng makikipagfriends sakin alam kung anong pinapasok nilang friendship sa isang tulad ko. haay nako may pagkaweird ako at kung ano ano ang pinag gagawa. masasabi kong ang mga kaibigan kong tumatagal sa kaweirdohan ko ay treasures ko. bihira ang tulad nila kasi kahit nakita na nila ang signboard na nakatatak sa noo ko "warning: keep distance" nandun pa rin sila. they dare stay and be with me. or baka hindi pa nila nakikita yung warning? LOLS

I love you my only bestfriends (jamie, kristine, leyl and lilet), my mom, bebe bros (robin, bodeem rich and zach), ang aking tumatandang childhoodfriends (ricco, luigi, kelby), at ang jomars (josemarie at josemargo) ng buhay ko.
You are my treasures.