Friday, November 20, 2009

yakap na di bibitiw

Lakad ka ng lakad paikot ikot sa walang hanggan

Isip ka ng isip walang pasikotsikot nablablanko ka na

Hawak sariling mga kamay, palibhasa’y wala kang kasama

Titigil, tutulala kasi di mo masabi kung san ka nila pupuntahan

“Hindi nila maintindihan, kasi hindi nila alam”

parang sirang plakang paulit ulit na tumatakbo sa iyong isipan

Uupo sa tuwing nakaramdam ng sakit, nanghihina ka na

Lalabanan, tatayo muli at maglalakad…mahuhulog sa sahig

Isa isa ng papatak ang mga problema sa mata, ang mga luha

Dalawang palad na magtatakip sa iyong kahihiyan

Nakatungo ang ulo, bakas ang kahihiyan.

Makakatulog sa iyak, magigising…

mag-isa…habang yakapyakap ka ng problema.

No comments:

Post a Comment