Wednesday, August 26, 2009
commute
Tuesday, August 18, 2009
manhid
kung nababasa niyo ang mga past blogs ko eh pansin na puro porblema ang pinaguusapan ko...hindi lang ako masiyahin eh matapang at malakas na tao ako...yun nga sabi ko nga na kahit ano pa yata ang ibato sakin ng mundo eh kaya ko, "if its for me to face then i will". ang tapang ang galing...pero hindi weak ko tsong
weak kasi hindi ko kaya ipakita ang nararamdaman ko, hindi ako nagpapakaplastic hindi ko lang talaga kaya ipakita...kasi ayaw ko magworry ang mga tao sakin, ayaw ko magexplain ng paulit ulit, ayaw ko kaawaan, ayaw ko ng attention, ayaw kong mahawa mga kaibigan ko sa nararamdaman ko at ayaw ko maiyak sa harapan ng iba eh napakaiyakin ko pa naman...hmmmmm at dahil sa mga ayaw kong toh...nagiging manhid na ata ako...natakot ako..ayaw ko maging isang manhid na tao.
ang nakalipas na linggo ay isa sa mga manhid kong linggo. pilit kong pinapaiyak ang sarili ko, pilit kong maging malungkot...kasi feeling ko manhid na ako. iniwan nanaman ako ng taong mahal ko pero hindi hindi ako umiyak kaso masakit sa puso, ang sakit sakit pero hindi ko kaya ipakita eh...diba mas mahirap yun?? kasi you dont get to show what you truly feel...hindi ako plastic, kahit na nahihirapan na ako iniintindi ko pa rin kung paano ko magugulo ang buhay ng mga tao sa paligid ko kung naging sad nga ako. pero anyways manhid...manhid na nga ata ako...
j: how are you
n: im ok
j: plastic mo!
n: the right questions get the right answer. if you ask me are you ok? i will say im ok kasi i am ok. but if you ask me how im feeling? ill tell you im not ok
natigil ako sa sinabi kong yun...napaisip ngayon tinawagan ko ang isa kong kaibigan at dahil may ginagawa siya pinkausap niya muna ako sa isa pa naming kaibigan
t: n! kamusta ka na?
n: im ok
t: kamusta ang puso mo?
n: wag ganun!! (iyak) hindi ok...
...hmmmm thank you T! ang aking kabirthday...maraming maraming salamat the right questions get the right answers..hindi pa nga yata ako manhid...
...andito ako sa opisina..dumating ang kaibigan ko
l: n! may papanuod ako sayo. (nilabas ang mac niya at pinapanuod ako ng video)
hiling by silent sanctuary...hanapin niyo sa youtube panuorin mo...
naiyak ako...na-emo..pero dahil madami kami dito sa opisina ndi ko nanaman napaakita...hmmm
hindi ako manhid,
umiyak ako, kumirot ang puso ko ng mapanuod ko ang video...ngumingiti ako at tumatawa nakakaramdam ako
...ang bigat na sa puso...
Monday, August 17, 2009
manong magaling
san ko nakita si manong magaling? san ko siya narinig? hindi ko sasabihin. pero malalaman niyo din..habang di pa siya sikat ako muna ang makakaalam kung sino siya. ha? darating din
Monday, August 10, 2009
sigaw
Ako
Ako ang taong magaling. Yabang noh? Lagi ko tong sinasabi sa mga tao pag nangangamba sila para sakin, or pag hindi kami sigurado sa mangyayari.
Ganito kasi yun ako ang tao pag alam pang kaya gagawa at gagawa ako ng paraan.
Kahit ano pa yan. Kapag walang lighter para sa sigarilyo, may posporo naman.
Hindi ako nagyayabang, gusto ko lang malaman nila na kahit anong mangyari eh may paraan, nagkakataon lang na lahat ng gusto kong paraan eh natutupad. At kung hindi naman, may paraan pa rin.
I was able to develop the skill of being resourceful, of being strong enough to take risks and handle problems like I’m embracing them.
I’m a strong person, and no matter how hard the problem is, if it’s for me to face
I’ll take it.
Ang problema
Tao tayo, madaming pinoproblema. ok
Ang puno bumubunga kung dinidiligan mo.
Ang apoy lumalaki kung binubuhusan mo pa ng gas.
Ang pusa bumabalik balik kung tinatapunan mo ng pagkain.
Ganyan ang problema.
Magsisimula sa maliit na bagay, bubunga
Magsisiimula sa isang sigaw, liliyab ng sobra.
Ang problema babalik at babalik kung pakakainin mo pa.
Eto talaga ang problema. We see things sa isang view lang. na pag nahanap mo na ang feeling mong kasagutan sa problema, tumitigil ka na. kasi yun na ang sagot para sayo.
Nahanap mo ang FEELING mong sagot until marealize mo napapacify lang ang sakit na dinaranas mo. pano kung di gumana ang anting anting na suot mo? pano kung nagising ka na sa pantasya mo? HALA!
Gising bata! Harapin ang problema.
Ikutin mo ang lumiliyab na apoy, hanapin ang ugat ng puno, pagutumin mo ang pusang ligaw. Hanggang mahanap mong ang sagot ng problema ay nasa iisang sigaw
SIGAW
Makibaka makibaka, patalsikin si **! Sigaw ng mga nagrarally. Pero wala akong pakielam sa mga sumasama. Kasi sumasama lang naman sila pamparami lang, para mukhang malaki ang movement. Mga useless na tao pero hindi sila ang concern ko. Ang concern ko eh yung taong may hawak ng megaphone. Hindi ko alam ang tawag sa taong yun, pero siya ang gusto ko sa lahat ng nagrarally. may gusto siya, at gusto niyang may mangyari. Isang araw na lang nagising siya, nagisip isip at gumawa ng desisiyon na ito ang gusto niyang ipaglaban. Sigaw ng puso, isang malupit na desisyon.
SIGAW.
Pag gumawa ka ng desisyon, panindigan mo.
makikita mo kung saan-saan ka dadalihin nito.
Make that one strong decision and shout it til the whole world hears it.
Making a decision is a start, facing the consequences is the race you have to end J
After the race, you’re stronger. You’d want to race again. if not, you know how to handle it the next time.
Ako, ang Problema, at Sigaw.
Lumakas loob ko pagkatapos ng bawat problema. Ang sikreto?
Ang sigaw ng puso ko.
Nagets mo ba?
Saturday, August 8, 2009
si anne at si crus
tatag ng loob
hindi ako nagyayabang lagi ko lang toh naririnig kasi daw ang tatag ng loob ko.
sabihan mo ko ng masasakit na salita, hindi ako iiyak. pahiyain mo ko sa harap ng marami, tatawa pa siguro ako. paringgan mo ko, makikiride ako. laging may energy, hindi napapagod.
always smiling, and makes others smile too...
kahit ano pang itira ng mundo, mo at kung sino pa eh hindi ako papatumba.
bakit? kasi walang problemang hindi kinakaya.
madaming naiinggit sakin kasi kaya ko tanggapin lahat ng dumating. hindi ako takot sa problema, actually i embrace every trial, challenge, hardship at kung ano pa. how do i do it, they ask. i dont know, im not sure.
bilib sila sakin, ang strong ko daw, gusto nila maging tulad ko...
pero gusto ko maging tulad niyo...nakita ko ang downfall ng pagiging "matapang" ko...
its not a strength, but actually a weakness...because unlike me, you are not afraid to show how you feel...
**natatawa ako kasi kahit sinulat ko toh para mapakita ang pagiging mahina ko...alam ko paranga ng strong pa rin...LOL
Wednesday, August 5, 2009
pag nagmahal ng sobra

masama magmahal ng sobra kasi ayaw nila ito. gusto nila tama lang.
pero sa simula sus! ok ang sobra diba? until marealize mo hindi pala. bakit kaya? Kasi daw hindi sila makapagcope up sa binibigay mo. Eh hindi naman kasi kelangan pantayan. Kaya mo ba pantayan ang pagmamahal na ibinigay saiyo ng iyong nanay? Hindi kasi we can only do so little. Ang pagmamahal hindi yan karne sa palengke sinusukat at may kapantay na kabayaran. HINDING HINDI ganun. Leche. Hindi rin racing na dapat ako ang lamang, wala kasing ganun sa love ok?
Isa nanamang pagkakamaling norm na hindi natin namamalayang nakatatak sa utak natin.
eh pano kung you just have to give it out kasi sobrang dami, you leave some for yourself naman. Walang catch, walang trap. You give because you want to give. binibigay lang talaga. bakit ayaw pang tanggapin. hindi ba dapat nagpapasalamat na lang at tanggapin?..
ako ang taong pag nagmahal eh mahal ko talaga. kahit ano ka pa, ano pang gawin mo siguro. ewan. pero grabe ata ako magmahal? hindi ko alam.
bakit ko pipilitin ang isang taong mahalin ako kung hindi na talaga diba? Kung hindi na edi wala. Pakakalasin ko siya kung kelan niya gusto…kesa pahirapan ko siya at pahirapan ko sarili ko. ako na lang…
…yes martyr. hindi rin eh. sadyang ganito lang ang takbo ko.
“ill finish the race for you” ang drama ko.
ill run, but you win.
masama ba magmahal ng sobra? para sa akin hindi. tama lang siya kasi kung may maibibigay ka naman talaga bakit ko dapat ipagkait.
you don’t have to love me more than i love you. what’s important is you love me too…
Tuesday, August 4, 2009
ULAN

Ano ang ginagawa mo pag umuulan?
Hindi ako nagpapayong, ayaw ko. kasi gusto kong nararamdaman ko ang patak ng ulan. Sabi nila pag di ako nagpayong magkakasakit ako. ok lang magkasakit ganun talaga, patatagan na lang ng resistensya.
Pag umuulan. parang nakasilip lang ang mata ko, tinitignan ng mabuti kung saan pang pwede dumaan, tapos babalik ang tingin sa gustong puntahan.
Naglalakad ako ng parang walang ulan. Normal lang. kasi alam ko lilipas din siya. kahit ano pa sigurong bagyo ang dumating maglalakad pa rin ako ng normal sa ulan
Pero mas pinapanuod ko ang bawat yapak ko. ang babagal ng tao maglakad, nagsisigawan kapag nakaapak ng "puddle of water". Ganun din ako, ayaw kong bumaon pa ang paa ko sa tubig kasi magiging paksiw ang paa ko haha
Kung bumaha, eh wala akong magagawa. Lulusubin ko ang baha, onting lakad lang bababaw din hanggang makapatong ka sa may mataas na patag.
Ganyan ako sa problema.
Ayaw ko ng nagtatago, nagtatakip gusto ko hinaharap ko ang problema. Ok lang masaktan ganun yun eh, haharapin ko siya. pag may problema kahit gano pa kahirap iisa lang ang aim mo, masolve siya at matuto from there. hahanap ka ng paraan para malutas mo ang hinaharap mo. normal ang problema sa buhay, kaya di ka dapat mawindang, dahan dahan lang kasi baka madulas ka, tignan ang pwedeng gawin para hindi na bumaon pa ang problema. Kung tingin mong wala na kasi masyado ng malaki ang problema..nagkakamali ka. kaya mo pa rin. mas mahirap lang pero makakahanap ka din ng paraan.
Sunday, August 2, 2009
ang pagmumura
ang pag mumura. bow
ang pamana
Naisip kong gumamit ng bagong daan pauwi, agaw pansin sakin ang antique shop na iyon. hindi ko hilig magtingin ng mga ganito pero di ko napigilan. sumilip ako sa loob. masikip, maalikabok, andaming gamit…lamesa, upuan, cabinet, treasure chest, all shapes sizes and material. you name it i think they got it. sa sulok ng tindahang puno ng alikabok nakita ko ang kahon na kuadrado na medyo pabilog, may takip, walang laman. Kakaiba, ang ganda, may onting sira pero dagdag yung sa kagandahan niya. yung imperfections niya make itself perfect. Lumapit sakin ang bantay, kwinento niya sakin yung dating may ari nito. hindi ako nakinig, tinanong ko na lang kung magkano. Ngumiti si ate, at narinig ko na lang na sabihin niyang “sayo na”.
Pagdating ko sa bahay dineretso ko sa kwarto. Tinapatan ko siya ng study lamp ko, parang spotlight. Pinagaralan ko ang bawat sulok niya…may sulat! Binasa ko
“mahalaga siya sakin. pagnasira ipaayos mo sa marunong wag sa basta basta. Punasan mo pag nailakabokan, wag mo hahayaan matuyuan ng kahit anong basa. wag mo punuin baka masira ang lalagyan. alagaan mo ito”
ilang araw pa lang parang tadhana na na nasira ang takip ng kahon. andami ko kasing pinagsusuksok. di ko pinaayos, inayos ko. sumunod na mga araw ko na ginawang puzzle ang mga laman hanggang saktong magkasya ang gamit sa loob. sa makalawa pinatungan ko ng basong may tubig at natabig ko. dagdag sugat sa magandang kahon, at nabasa. hinayaan ko, hindi ko pinunasan. Ilang lingo kong di ginalaw puno na ng alikabok. di ko pinunasan, hinipan ko lang hangaang mawala ang iilang alikabok.
hindi ko inalagaan ang kahon ng tulad ng nakasabi sa sulat. may sarili akong paraan…at hanggang ngayon nasa akin pa siya. hindi ko tinapon, o pinamigay, hindi ko hinayaan masira ng tuluyan,di ko gaano pinakeelaman kasi fragile na siya.
ang ganda niyang kahon, mas maganda pa siya ngayon.
Kasi bawat sira, bawat sugat may kwento.