Showing posts with label magulo. Show all posts
Showing posts with label magulo. Show all posts

Saturday, June 4, 2011

mad heart.

naka upo sa upuan sa isang malaking kwarto. nakatungo ang ulo habang nakatali ang kamay. hindi na ako magsasalita. ang kulit ng pulis. paulit ulit ang tanong. hindi marunong tumigil. hindi marunong bumitaw muna sa usapan. talak ng talak. napagod na ako sa kakasagot. ipagpipilitan pa rin niya ang kanya. anong silbi ng mga salita ko kung hindi din naman pakikinggan? nasabi ko nga ang sagot pero hindi naman pinaniniwalaan. anong silbi? parang tinali ang bibig ko.

sa upuang ito naramdaman kong ako'y unwanted. tingin ko sa sarili ay tropeyo. may ningning pero sa totoo lang gamit lang siya. ginagamit lang ako.

tumahimik ang pulis. nangawit siguro ang bibig. silencio.
kinakain na ng tenga ko ang katahimikan
nakakairita ang tunog
hindi ko matagalan
hanggang narinig ko ang malakas na sunod sunod na kabog
ang puso kong nagngingitngit sa galit.

Wednesday, May 11, 2011

yakap

mag-aaway, magsisigawan
magdedebate, palalakihin
iiyak ako, iiyak siya
hihinga ng malalim

biglang darating muli
ang pero at kasi
pataasan ng boses
nasa opera ba ako?

paikot na roller coaster
nakakahilo
nakakasuka
pero matibay ang tiyan ko

kahit ganito
ayoko tumigil
kayang tiisin
kayang kaya

masarap mayakap
pagkatapos ng away
iba ang init, iba ang feeling
mas malalim ang ibig sabihin.

Monday, August 16, 2010

'Kay gandang anghel laging nasa aking tabi. ikaw ang sumasalo ng bawat patak ng luha ko sa gabi, at ang nagdadala ng ngiti sa aking umaga. sanggol pa lang ako andiyan ka na. ikaw ang ginamit ng Diyos para may magbantay sakin. ikaw ang nagsilbing gabay sa buhay ko. hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ang guardian angel ko. dahil ikaw ang unang unang bestfriend ko, ang unang kaibigan ko. wala akong pwede itago sayo dahil bawat kanto ng buhay ko alam mo. ikaw ang walking journal ko. Dapat kang ipagmalaki sa lahat ng tao. Isa kang biyaya ng Diyos. Masaya ako kaya't pinagmamalaki kita.

Pinakilala kita sa lahat ng kaibigan ko pero hindi ko nagustuhan ang resulta nito...
hindi ako nagseselos, hindi rin ako naiinggit. nakakabingi kasi wala na akong narinig sakanila kung hindi "MAS SIYA SAYO" hindi ako galit, hindi rin masama ang loob ko sayo. nalulungkot ako kasi hindi ako tulad mo. nahihirapan ako kasi naikukumpara ako sayo. nahihiya ako pag ako naman ang pinapakilala mo. nakikita ko ang wala ako, ramdam ko ang ating pagkakaiba. Anghel ba naman ang ikumpara sa tulad ko? masakit kasi kahit anong mangyari hindi ako makikipagkompetensya. pagdating sayo hindi talaga, hindi ko gagawin at malamang hindi ko kakayanin. masasaktan lang ako lalo kasi masasaktan din kita.

wala kang ginawang mali. hindi mo kasalanan na ganyan ka. kaya di mo kailangan humingi ng patawad. kahit na gusto kong lumayo sayo, hindi rin pwede. nakatatak ka na sa puso ko eh, sa buhay ko. hindi kita kayang iwan.

masaya ako para sayo, kung ano ka at anong kinalalagyan mo. ikaw ang nagdala sa sarili mo kung asan ka ngayon. Magaling ka, maalam sa bagay bagay pero hindi ko ninais maging tulad mo, dahil magkaiba tayo. sana lang makita yun ng iba, di porket nanggaling ako sayo dapat pareho tayo.

Wednesday, August 4, 2010

Bag

araw araw dala ko itong bag. bawat araw nadadagdagan ang laman. bumibigat.
bubuhatin ko sa likod, pag nangawit papatong sa ulo, pag sumakit gagawing shoulder bag.
kahit anong mangyari dadalhin ko pa rin, ako lang ang magbubuhat. kasi hinayaan kong bumigat, pumayag ako na magpalagay ng gamit ng iba, may space pa eh pero kahit hindi na suksok lang! ako ang magbubuhat kasi bag ko 'to. ako ang may kasalanan, desisyon ko kung bakit bumigat ito ng ganito. kahit hindi na pantay ang braso, hirap na ang leeg ko at ang likod ko pilit kong binuhat ang punong puno na pilit ko pang pinupuno na bag. hanggang nung isang araw bumigay ang bag. nakita ko ang lahat ng gamit na nilagay ko, nilagay ng iba. mga tinatago ko, mga dapat ng itapon at mga dapat itago. mga alaala, mga kaibigan, mga kwento, mga problema. napansin ko out of the 100%, 10% lang ang gamit ko na tunay kong matatawag na akin. 10% na ako lang, na akin lang, walang kahati.

tama na. bumili ako ng bagong bag. bag na para sakin lang. pupunuin ko to ng 90% me at 10% others. nakakapagod ng buhatin ang iba eh

Wednesday, May 19, 2010

Eto nanaman tayo

isang malaki at mabigat na tanong, bigla akong napaupo at napaisip.
handa na ba ko ulit? kayanin ko ba ang hamon ito na isa ring pangako?
minsan ng napasakin ang isang tulad mo, ngayon at nagbabalik...mahirap magsabi ng oo.
nanahimik ako ng ilang sandali, at nag bitaw ng ilang salita pero parang wala kang narinig.
eto nanaman tayo.
hindi ko alam kung ikaw ang naririnig ko o ang bibig mo lamang.
hindi ko alam kung bumaba ba ang kisame o bumigat yung pakiramdam sa kwarto.
gusto ko sana lumabas ng kwarto pero walang pintuan.
wala akong ibang choice kung hindi pakinggan ang gusto mong sabihin at gusto mong malaman ko.
dada ka ng dada may nakikinig ba? naririnig ko ba? nasasabi mo ba ang gusto mong iparating?
hirap akong humindi pero eto na ata ang unang pagkakataon

magdidive ba ako sa pool na may sign na 2ft? kakagat ba ako sa sandwich na alam kong puro gulay ang laman? manunuod ba ako ng 12pm sa abs kung alam kong mabwibwiset nanaman ako kay willie?

HINDI. AYAW KO. WAG NA

matuto na tayo sa nangyari dati, wag ng hayaan maulit pa.
harapin ang problema, wag taguan wag layuan.