Saturday, August 28, 2010

patak

tumutulo ang tubig sa gripo at di ko mapigilan. wala akong ibang magawa kundi saluhin.
patak. patak. nakikita ko ang sarili sa na namumuong tubig. patak. mawawala ang imahe ko. hindi ako makatulog sa katahimikan ng gabi. rinig na rinig mong pumapatak. patak. pero sa paulit ulit para na siyang lullaby na nilalambing ako patulog. patak. nagising sa gitna ng gabi iniisip bakit ako nagigising sayo. isang hugis, walang kulay, boring mong tunog. patak patak.


nagkwento ka ng nararamdaman mo. wala akong ibang magawa kundi makinig. patak. minsan nakikita ko ang sarili ko sa kinalalagyan mo. pero nawawala yun kung paano mo harapin ang problema mo. patak. patak. hindi ako makatulog iniisip kung ok ka lang. ramdam kong nahihirapan ka. patak. kung umiiyak ka man makakatulog ka kasi mapapagod ka. patak. biglang magigising ako mapapaginipan kita, bakit lagi kitang iniisip? patak. ikaw na dati ko ng alam na boring kausap. patak. nakakaiyak andito nanaman tayo sa senaryong ito. patak patak.

Monday, August 16, 2010

'Kay gandang anghel laging nasa aking tabi. ikaw ang sumasalo ng bawat patak ng luha ko sa gabi, at ang nagdadala ng ngiti sa aking umaga. sanggol pa lang ako andiyan ka na. ikaw ang ginamit ng Diyos para may magbantay sakin. ikaw ang nagsilbing gabay sa buhay ko. hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ang guardian angel ko. dahil ikaw ang unang unang bestfriend ko, ang unang kaibigan ko. wala akong pwede itago sayo dahil bawat kanto ng buhay ko alam mo. ikaw ang walking journal ko. Dapat kang ipagmalaki sa lahat ng tao. Isa kang biyaya ng Diyos. Masaya ako kaya't pinagmamalaki kita.

Pinakilala kita sa lahat ng kaibigan ko pero hindi ko nagustuhan ang resulta nito...
hindi ako nagseselos, hindi rin ako naiinggit. nakakabingi kasi wala na akong narinig sakanila kung hindi "MAS SIYA SAYO" hindi ako galit, hindi rin masama ang loob ko sayo. nalulungkot ako kasi hindi ako tulad mo. nahihirapan ako kasi naikukumpara ako sayo. nahihiya ako pag ako naman ang pinapakilala mo. nakikita ko ang wala ako, ramdam ko ang ating pagkakaiba. Anghel ba naman ang ikumpara sa tulad ko? masakit kasi kahit anong mangyari hindi ako makikipagkompetensya. pagdating sayo hindi talaga, hindi ko gagawin at malamang hindi ko kakayanin. masasaktan lang ako lalo kasi masasaktan din kita.

wala kang ginawang mali. hindi mo kasalanan na ganyan ka. kaya di mo kailangan humingi ng patawad. kahit na gusto kong lumayo sayo, hindi rin pwede. nakatatak ka na sa puso ko eh, sa buhay ko. hindi kita kayang iwan.

masaya ako para sayo, kung ano ka at anong kinalalagyan mo. ikaw ang nagdala sa sarili mo kung asan ka ngayon. Magaling ka, maalam sa bagay bagay pero hindi ko ninais maging tulad mo, dahil magkaiba tayo. sana lang makita yun ng iba, di porket nanggaling ako sayo dapat pareho tayo.

Sunday, August 8, 2010

no sense

words that seem right. words that felt right but saying it now is not right for me, doesnt feel right me saying it to him. heart broken. fake smile. good advice. trying to be a good friend when the whole world said it was crazy to be friends with him.

"im happy for you" sounds so bitter to me, now. words that doesnt sound right to me anymore. "smiling while your heart is aching" is getting old. "dont be afraid to get hurt, its a part of it" wasnt so much of a good advice for me to him. the great pretender.

i could give advices that are good for him, but not for me. it hurts. i ended the blue morning with a hug, and a long look in his eyes trying to figure out when i can have him again. i need to separate his friend and his admirer in me. i heard my heart shatter to pieces, i felt it crack. i felt very human. and it felt wrong, this was new to me.

i miss you.

Wednesday, August 4, 2010

Bag

araw araw dala ko itong bag. bawat araw nadadagdagan ang laman. bumibigat.
bubuhatin ko sa likod, pag nangawit papatong sa ulo, pag sumakit gagawing shoulder bag.
kahit anong mangyari dadalhin ko pa rin, ako lang ang magbubuhat. kasi hinayaan kong bumigat, pumayag ako na magpalagay ng gamit ng iba, may space pa eh pero kahit hindi na suksok lang! ako ang magbubuhat kasi bag ko 'to. ako ang may kasalanan, desisyon ko kung bakit bumigat ito ng ganito. kahit hindi na pantay ang braso, hirap na ang leeg ko at ang likod ko pilit kong binuhat ang punong puno na pilit ko pang pinupuno na bag. hanggang nung isang araw bumigay ang bag. nakita ko ang lahat ng gamit na nilagay ko, nilagay ng iba. mga tinatago ko, mga dapat ng itapon at mga dapat itago. mga alaala, mga kaibigan, mga kwento, mga problema. napansin ko out of the 100%, 10% lang ang gamit ko na tunay kong matatawag na akin. 10% na ako lang, na akin lang, walang kahati.

tama na. bumili ako ng bagong bag. bag na para sakin lang. pupunuin ko to ng 90% me at 10% others. nakakapagod ng buhatin ang iba eh