Sunday, March 4, 2012

o nawala na?

andito na ako kung saan ko gusto
pero parang nawawala pa rin ako
may kulang o may nawawala pa
o nawala na?

parang naninikip ang dibdib
tama ba ang aking iniisip
gusto ko man tumakbo
dito din hihinto

hayaan ko na lang ba
o kumawala na
o hanapin ko,
baka naman dumating muli

umiikot ang mundo
patuloy ang pag andar ng relo
walang tigil din ang isip ko
anak ng puta naman

bakit ako nandito
anong rason ko
saan ako nalito
kelan titigil ito...