Thursday, December 23, 2010

blowjob

This summary is not available. Please click here to view the post.

Thursday, November 11, 2010

A tour of the unseen

A week ago i was in Bangkok, Thailand both for pleasure and for business. After two days of shopping, my mom treated herself and i to a tour. the night before the tour we had our outfits prepared, almost identical but not so :)

First off, Floating market :) i've always seen pictures of this place and being there in the boat, in the market was AAAAAHHH i felt like i was riding a national geographic roller coaster ride. Everyone was in a boat, even stores on a boat. It was literally a floating market. You have people selling fruits, clothes, bags, accessories, and even grilled food! how yummy is that. i was enjoying the chaos, the bump to bump of our boat to another, the water, the noise, other tourists enjoying, people trying to bargain. I wish i could grasp the feeling but I was having a good time just looking. But we reached a corner where they were making stalls beside the river, it was so quiet so fixed...it wasnt really appealing to me. Even one of the passengers in our boat said "its better when its noisy." My boat ride ended with me having a bbq :)


Originally after the floating market, we were supposed to be in the Grand Palace. Instead we got a side trip at the elephant village. It was nice seeing a herd of elephants walking around me. i felt like i was a fan of elephants, i mean i only see them in books and tv so to see them face to face is like "yipeee!" My mom bought a basket of bananas to feed this gentle beasts but she kept shouting terrified and excited haha when it was my turn i got a little rattled too but i got the hang of it. There snout is really slimy. Fun!


Another side trip was the handicrafts factory. I know we have this in the Philippines but i never got to see it. Walking around seeing the artist do their thing, cant help but smile. They were so damn good in what they do. Such art and what mans hands can do. but i got bored easily there.


The grand finale, the Grand Palace :) Oh what beauty of architecture and culture. Thanks to our tour guide, Christie i got a quick background of the place but i didn't listen that much because i couldn't understand her well. The gold paint, the details the colors, the temples, the statues, the respect, the prestige. wow. the most beautiful temple among all was the temple of the emerald buddha. so sparkly, royal. i sat there and just marveled at the place.


As i sat there, i thought of Jesus. slowly i realized that in the 3 stops it was all about Him. The difference between the chaotic floating market, and the soon-to-float commercialized floating market made me see more the beauty in a mess. We are a mess but He still finds us beautiful despite all the shit that we've been into. Holding the rough dry skin of the elephant was a reminder that He is God, how great He is to have in mind to create such creature. Ang galing eh. The hands of a handicrafts man creating this image from a block of wood with such imagination, this was a man what more God's creation? Looking around the temple of the emerald buddha made me want to cry...all of this gold, the effort of preservation, the respect, honor and love the people had for a non-living god compared to what man did to Jesus when he was here, they spit, hit, made fun of Him, and killed him. What did buddha do to deserve this treatment? what did Jesus do to deserve this from man?

It was a tour of the unseen, a tour of display of what God really wants me to see.

Friday, October 22, 2010

losing the inspiration

i've been wanting to write again but i couldn't. no inspiration? im really not sure.
i find it lame when people tell me they need inspiration to write, to dance, to perform or to do whatever. Lame because they depend on other things to get them on the go. or maybe lame because they knew Edgar Allan Poe had to drink first before he writes? The norms of this world build who you are. but should it be that way?

Can losing the inspiration be the inspiration? yes, and only some could find the sense in it. It can be the drive for you to write again, dance, or just wake up everyday. the feeling of having no soul, makes you want to have a soul. and it is your journey to get that want. for the emptiness inside is never filled by another, but it is filled by self. others only patch the hole that defines your emptiness, they can only pacify but never satisfy.

find the beauty in the mess, it is a world not everyone is willing to explore. they look at the mess and just see it as is. thats why they hate it, why they always want to get away, to escape from. maybe finding the beauty in the mess brings peace in self. there just agitated because they are not in their comfort zone. but how can it be a comfort zone if you're not willing to make it one?

i could lead this entry to the norms and how i hate and love them. but i feel i've reached my point. losing the inspiration is my inspiration.

Friday, October 15, 2010

Hihinto ang Mundo

may nakapagsabi na sakin minsan na tuwing nakikita niya ako "TUMITIGIL" ang mundo niya. reaksyon ko? ah ok. kaartehan kasi...

tapos tinamaan ko. tumahimik ang aurora blvd. bumagal ang mga nagiihaw ng bbq sa kalye, tapos tumigil ang lahat. tangina totoo pala 'to. sinundan ng mga mata ko ang isang lalaki na matagal ko ng kilala. naramdaman kong napapangiti na ako. aba totoo pala ang ganito. pero bakit siya? napailing at natawa. biglang "Hi Nicole" sumagot ako ng "Hi-Hi ka diyan" habang magkasamang naglalakad paulit ulit sa isipan ko bakit siya. bakit siya. baaaakit siya. nanakaw ako ng tingin, mahuhuli niya ako at ngingiti siya sakin. putang inang kalandian 'to oh. Highschool? Kumain kami sa Saria, yung kainan sa kanto. dito kami unang naglunch together. highschool all over again. sinubukan niya ako picturan gamit ang cellphone niya. nag-flashback sandali ang paligid nung picturan ko naman siya nung kumakain kami madalas dito. tinignan ko ulit siya, BAKIT?

pagkatapos kumain kami ng ice cream na binibilhan namin sa tapat ng school namin, umupo sa naglulumang bench at tinignan ang nabubulok na school. ang awkward ng feeling. dapat bang kiligin ako? dapat bang magswimming ulit ako sa swimming pool na dahan dahan naubos ang tubig? nabingi ako sa ingay sa loob ng utak ko. tapos narinig ko siya tumawa.

bakit siya? kasi sa katahimikan niya dun ako nag-ingay. sa kacornihan niya dun ako naging patawa. sa pagiging simple niya dun ako nagpakacreative. dahil iniwan niya ako dun ako naging matapang. nung nawala siya dun ko natanggap kung ano ako. ngayon na andiyan siya...hihinto ang mundo kasi sakanya ako nagkamundo. niyakap ko siya at ng walang sabi sabi umalis ako.
parang joke time kasi yung humihinto ang mundo, pero totoo pala siya. medyo nakakatakot, pero babalikan ko siya. sa pagkukulang niya, nabuo ko ang sarili ko. parang ganun.

duwag pala ako.

Wednesday, October 13, 2010

Roller Coaster

kung takot ka, sa pilitan sumakay. pag handa ka naman, ramdam mo ang kaba, takot at excitement sa puso mo. may feeling kasi ako na pag sumakay ako ng roller coaster pwede ko ito ikamatay, may risk.

umupo ako, na may ngiti sa mukha. kahit wala yung kinakabit for protection sasakyan ko pa rin 'to. tapos dahan dahan ng umaandar, para bang nilalambing ng gulong yung tracks. dahan dahan din bumilis at biglang aaaaaaahhhh aakyat baba ikot waaaaah babagal bibilis bwebwelo akyat baba kaliwa kanan ikot ikot aaaaaah aayaw ka pero gusto mo pa talaga hihilain ka tapos aaaaah biglang baba dahan dahan titigil.

pagod ka na, tapos na ang roller coaster ride pero bumalik ulit ako. at uulit ulitin ko ito...dahil hinahanap hanap ko ang thrill ang sarap ang excitement ang rush ang di madescribe na pleasure na nadadala, parang naiihi na hindi. kagigil, ang saya.

hanggang...*uwaaaaaak* bakit ako nasusuka?

Friday, October 1, 2010

pintura

pumunta ako sa hardware store para bumili ng pintura. tinignan ko ang swatch, at hirap akong piliin kung anong kulay ng green ang gusto ko. Pinikit ko ang mata ko at naimagine ko na ang kwarto ko na may pader na berde. "Kuya itong green" inuwi ko ang lata sa bahay tinignan ng mabuti at naisip, "mehn ang ganda! pero hindi tama"

bumalik ako sa hardware store at kumuha ng blue, yellow at puti na pintura. inuwi ko ng may ngiti at excitement sa mukha. naiisip ko pa rin yung green na gusto ko pero iniisip ko mas maganda ang kalalabasan ng halo nitong mga ito.

sa isang malaking lalagyan naglagay ng blue, at saka nilagyan ng yellow. makikita mo yung diffusion of color how it blends with each other, blue trying to get in the yellow and vise versa. hinalo ko, hinayaan, hinalo at habang tumatagal dagdag ng blue, dagdag ng yellow at nakukuha ang tamang green :) minsan naooverpower ng blue ang yellow, pero ayos lang may yellow pa para ibalanse ang lahat pero masyadong green. kaya dagdag ng white, importante na may puti to bring that right mix and right lightness to the harsh shade thats been happening.

ng maubos na ang panghalo, kung ano man dinatnan nagpaghahalo ko yun ang pinahid ko sa pader. it might not be like the green na gusto ko nung una, but this is just right.

___________

may ideal something tayo sa buhay, pero hindi naman yun talaga ang gusto mo. mas maganda yung darating lang, dahan dahan mong makikita kung ano ang kalalabasan ng lahat. and it would be prettier and much more perfect than your ideal one. minsan sobrang gulo, kaya kelangan ng magbabalance. andiyan si Lord para gabayan ka, kayo, tayo. things will fall into place.

Thursday, September 30, 2010

I miss you

isa pang 3-words na mabigat sakin ay ang I MISS YOU. i could tell this to anyone anytime, but i could let someone feel this rarely. Iba ako makamiss, i make time to let you know i really missed you. you dont have to miss me back, you just have to be there too.

macho kung macho pero pag dating sa mga close friends ko dun ako mas vulnerable. they are the ones who can really break my heart and have me crying for days. mga boyfriend? pfft no need for tears, they come to your life and they can leave. but friends? they come and stay.

"its one thing to appreciate, to care and to love but to be appreciated, to be cared for and to be loved is another"

Thursday, September 16, 2010

Pause

To be very passionate about something is like standing in the water, fighting the current. Not everyone is for it but you'd still be in it. Passion is a word not everyone understands, and its fine. No one else has to understand what you are in...but hopefully through what i do others will know, feel, see and just be happy for me.

Dancing is my ice cream. my open road. my diary...my world. A place where i can truly be me and be happy not matter how sad the song is. But a song ends, a choreography has its last step...
"Sir Melvin,

I am not good with conversing about my problems but this concerns my time with Vibe. I love dancing and I truly want to grow in it. To be a part of your team, is a privilege and it made me feel good about what I am passionate about. However, passion is a word not everyone understands. As much as I want to give more time for Vibe, my family expects a lot from me. In other words, they want me to work. I get to stay in Vibe as long as I have a stable income, enough to support myself and help a little at home. I hope you understand, my family is in total support of what I want to do in life. But they cannot support me financially anymore. And this is what I also want, I want them to help me become more independent because I'm on the process of having a life on my own.

Sir, what I'm trying to say is I will have less and lesser time for training until I get a job. I've been having lots of interviews and one of the concerns of the employers is my dancing. Im not giving it up, rather just putting it to a pause.

I apologize for the consistent absences in rehearsals, and for the miscommunication due to network service failures. This may be accounted as unprofessionalism, again I apologize.
Hoping for your understanding about this.
Please do pray for me to find a job.
Thank you and God bless.

Nicole Melicor"

I dont mean to end it, im still fighting for it. and i will be back for you my first love. We will start a new song, and we'll dance to it.

Wednesday, September 15, 2010

desisyon

dati, kung ano ang favorite mo yun na yun.
pero ngayon hindi na ganun.
iisipin mo kapakanan ng ibang tao,
hanggang makalimutan mo sarili mo.
mararamdaman mo pag pagod, pag bitin
ramdam mo yung kulang at subok mong pupunuin.
pero saan mo kukunin? hahanapin?
tao bagay hayop gamit laruan ano?
sige hanap pa, gamit pa
iiyak, mas masasaktan ka pa ng sobra.
tatagay, hihithit, naiipit
sa dulo ika'y manliliit
hindi ka na bata, wala ng simpleh
wala ng cotton candy, ikaw na bibili
ang bigat ba? ganyan talaga.
talon to the next level of kahirapan
magdesisyon ka
para dahan dahang matapos na.





Saturday, August 28, 2010

patak

tumutulo ang tubig sa gripo at di ko mapigilan. wala akong ibang magawa kundi saluhin.
patak. patak. nakikita ko ang sarili sa na namumuong tubig. patak. mawawala ang imahe ko. hindi ako makatulog sa katahimikan ng gabi. rinig na rinig mong pumapatak. patak. pero sa paulit ulit para na siyang lullaby na nilalambing ako patulog. patak. nagising sa gitna ng gabi iniisip bakit ako nagigising sayo. isang hugis, walang kulay, boring mong tunog. patak patak.


nagkwento ka ng nararamdaman mo. wala akong ibang magawa kundi makinig. patak. minsan nakikita ko ang sarili ko sa kinalalagyan mo. pero nawawala yun kung paano mo harapin ang problema mo. patak. patak. hindi ako makatulog iniisip kung ok ka lang. ramdam kong nahihirapan ka. patak. kung umiiyak ka man makakatulog ka kasi mapapagod ka. patak. biglang magigising ako mapapaginipan kita, bakit lagi kitang iniisip? patak. ikaw na dati ko ng alam na boring kausap. patak. nakakaiyak andito nanaman tayo sa senaryong ito. patak patak.

Monday, August 16, 2010

'Kay gandang anghel laging nasa aking tabi. ikaw ang sumasalo ng bawat patak ng luha ko sa gabi, at ang nagdadala ng ngiti sa aking umaga. sanggol pa lang ako andiyan ka na. ikaw ang ginamit ng Diyos para may magbantay sakin. ikaw ang nagsilbing gabay sa buhay ko. hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ang guardian angel ko. dahil ikaw ang unang unang bestfriend ko, ang unang kaibigan ko. wala akong pwede itago sayo dahil bawat kanto ng buhay ko alam mo. ikaw ang walking journal ko. Dapat kang ipagmalaki sa lahat ng tao. Isa kang biyaya ng Diyos. Masaya ako kaya't pinagmamalaki kita.

Pinakilala kita sa lahat ng kaibigan ko pero hindi ko nagustuhan ang resulta nito...
hindi ako nagseselos, hindi rin ako naiinggit. nakakabingi kasi wala na akong narinig sakanila kung hindi "MAS SIYA SAYO" hindi ako galit, hindi rin masama ang loob ko sayo. nalulungkot ako kasi hindi ako tulad mo. nahihirapan ako kasi naikukumpara ako sayo. nahihiya ako pag ako naman ang pinapakilala mo. nakikita ko ang wala ako, ramdam ko ang ating pagkakaiba. Anghel ba naman ang ikumpara sa tulad ko? masakit kasi kahit anong mangyari hindi ako makikipagkompetensya. pagdating sayo hindi talaga, hindi ko gagawin at malamang hindi ko kakayanin. masasaktan lang ako lalo kasi masasaktan din kita.

wala kang ginawang mali. hindi mo kasalanan na ganyan ka. kaya di mo kailangan humingi ng patawad. kahit na gusto kong lumayo sayo, hindi rin pwede. nakatatak ka na sa puso ko eh, sa buhay ko. hindi kita kayang iwan.

masaya ako para sayo, kung ano ka at anong kinalalagyan mo. ikaw ang nagdala sa sarili mo kung asan ka ngayon. Magaling ka, maalam sa bagay bagay pero hindi ko ninais maging tulad mo, dahil magkaiba tayo. sana lang makita yun ng iba, di porket nanggaling ako sayo dapat pareho tayo.

Sunday, August 8, 2010

no sense

words that seem right. words that felt right but saying it now is not right for me, doesnt feel right me saying it to him. heart broken. fake smile. good advice. trying to be a good friend when the whole world said it was crazy to be friends with him.

"im happy for you" sounds so bitter to me, now. words that doesnt sound right to me anymore. "smiling while your heart is aching" is getting old. "dont be afraid to get hurt, its a part of it" wasnt so much of a good advice for me to him. the great pretender.

i could give advices that are good for him, but not for me. it hurts. i ended the blue morning with a hug, and a long look in his eyes trying to figure out when i can have him again. i need to separate his friend and his admirer in me. i heard my heart shatter to pieces, i felt it crack. i felt very human. and it felt wrong, this was new to me.

i miss you.

Wednesday, August 4, 2010

Bag

araw araw dala ko itong bag. bawat araw nadadagdagan ang laman. bumibigat.
bubuhatin ko sa likod, pag nangawit papatong sa ulo, pag sumakit gagawing shoulder bag.
kahit anong mangyari dadalhin ko pa rin, ako lang ang magbubuhat. kasi hinayaan kong bumigat, pumayag ako na magpalagay ng gamit ng iba, may space pa eh pero kahit hindi na suksok lang! ako ang magbubuhat kasi bag ko 'to. ako ang may kasalanan, desisyon ko kung bakit bumigat ito ng ganito. kahit hindi na pantay ang braso, hirap na ang leeg ko at ang likod ko pilit kong binuhat ang punong puno na pilit ko pang pinupuno na bag. hanggang nung isang araw bumigay ang bag. nakita ko ang lahat ng gamit na nilagay ko, nilagay ng iba. mga tinatago ko, mga dapat ng itapon at mga dapat itago. mga alaala, mga kaibigan, mga kwento, mga problema. napansin ko out of the 100%, 10% lang ang gamit ko na tunay kong matatawag na akin. 10% na ako lang, na akin lang, walang kahati.

tama na. bumili ako ng bagong bag. bag na para sakin lang. pupunuin ko to ng 90% me at 10% others. nakakapagod ng buhatin ang iba eh

Saturday, July 24, 2010

Salamin

matatapos na ang 2weeks ko dito sa thailand. its a good experience for me, i actually like it here. pero not that much to live here, mas pipiliin ko pa rin sa pinas. anyways, habang nagtuturo ako kanina sa kids jam. habang nagbibilang ng 5 6 7 8 bigla akong napatingin sa sarili ko sa salamin parang unang beses ko nakita sarili ko. unang beses ko nakita na nagtuturo ako. what was once a picture in my mind is now a reality happening. napangiti ako ng ilang segundo, at bumalik ang tingin ko sa mga studyante ko habang sinasayaw nila ang turo ko. pero tinignan ko ulit sarili ko, sandali lang :) nakakatuwa kasi... andito ako sa dream ko. totoo siya. i can see it. i can feel it. im in it. im doing it.

everything will fall into place. dream big!

Friday, July 16, 2010

Thailand trip: 3 in 1 package

last night, some of my friends gave me a surprise visit/inuman. Drinking is my vice but not my addiction. I just seem like an alcoholic but im not :) what im addicted to is my friends, the company. i like being around them, i mean who doesn't? ok so we were having a real good time. i was sitting in my chair looking straight but it felt like i was riding a roller coaster ride. i drank too much. oooops i drank soooo much that i ended up hugging the toilet and showering it with my love from inside out, if you know what i mean?:) Trying to make myself stand after hugging the toilet, made me feel lonely and not so excited of what saturday and the weeks after may bring. this is when i proved that a toilet is a thinking chair.

i get a loud wake up call from my dad "Giannina! tumayo ka diyan!" to cut it short, i got scolded. i wasnt suppose to drink for a month but i did and i got wasted. i didnt tell them i was going to drink. basically its my fault. im sorry. "Give me one good reason kung bakit papayagan pa kita pumunta ng thailand?"

I get to travel, i get to dance. and i get to do one of my dreams...to teach kids hiphop. Riding that plane means a dream becoming true. (the 3 in 1 package)

Thailand, here i come.

-------
Thank you Lord for giving me this talent, and thank you for making dreams come true :) lab yu sobra mehn!

Thursday, July 15, 2010

habang nakainom II

gusto ko lang ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. so kung nababasa mo ito. SHHHHH
sinubukan ko ang the bar strawberry, masarap siya. ang bango sobra. wala naman amats pero masarap magsulat ng naka-inom.

hirap akong aminin sa sarili, kung kaya't mas mahirap na sabihin ko sa iba.
di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin, napakasakit na marining na ayaw mo na sa akin kaya't heto ako basang basa sa ulan, walang masisilungan. pero ulaaaaaaaaaan sinong di mapapasayaw sa ulan?

ang ibig ko sabihin is i dont get it. hindi ka naman kagwapuhan, katalinuhan, hindi ka naman mabango, hindi ka rin ganun kasaya kausap kasi hindi ka good conversationalist and not a really good personality. sometimes you're a douche bag! alam kong mawawala ka sakin, knowing you? masakit pero hindi naman napakasakit, istorbo ka lang kasi sa isipan. leche. kaya the other day nung pumarty si basyang dito medyo feel na feel ko ang rain drops :)) pero syempre dahil i love the rain inenjoy ko ang moment kaya happy pa rin ako. back to the point, i dont get it.

so after ilang shots. maybe its because i cant have you. naiinis ako kasi pag may crush ako, alam kong magkakagusto din sakin. confident? pero oo, bihira ako magkacrush. hindi ko alam bakit. i feel like im the cruela deville having her meddling ways to get what she wants. oh but you didnt fall for the trap. and like most cruela deville plans, it would seem to get there but it wouldn't. you almost fell in the pit. dapat tinulak na kita...1st fall mo na dapat yun oh!

i sound like im a pissed brat. and thats not a good picture...
i dont know if i like you, like you or i like you because you're challenging or i like the challenge but not you.

i dont get it.

Tuesday, July 13, 2010

Jeep

Araw araw pumapasada, iisa lang ang arangkada. Lahat tayo’y konektado sa jeep na ‘to dahil isang beses sa buhay natin naupo tayo. Nakapagisip, natanungan ng katabi, nalimosan ng batang kalye, nagulat sa biglang preno ni manong at nagising, lampas ka na pala. Anong kwento meron ka? baka magkapareho kayo ni Juan kung saan araw araw siyang nagaabang ng kwento sa loob ng jeep.

Matagal ng wala si Lola Mela, umalis ang anak na si Lito. Pero kahit ganun ang kapalaran mas pinili ng matanda maging masaya kesa magmukmok at magpakalasing habang buhay. Kung kaya’t mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalaki sa apo niya. Hindi na bumabata si Tatang, at lumalaki na si Juan, gusto niya itong mapalaki sa tama. Nais niya sa buhay ay maging matatag, madiskarte at maging maprinsipyo habang nagsisimula pa lang ang biyahe ng buhay ng bata.

Halos lumaki si Juan sa loob ng jeep, dahil sa lolo niyang Jeepney driver. Sumama sa araw-araw na pasada kung saan may kwentong hinahanap at napupulot. Mas gusto niyang sumama sa Tatang kesa makipaglaro sa mga bata sakanila dahil sa kababawan ng kwento ng pilosopo niyang lolo alam niyang may laman itong aral.

Mahirap lang sila pero kuntento na si Tatang. Ramdam niya ito sa tuwing isusuot niya ang asul niyang polo na nagsisilbing uniporme niya. Masayang may trabaho, masaya na hindi nag- iisa at kasama ang apo, masaya na simple lang ang buhay. Pagsakay sa jeep, at makikitang nakatulog ang apo sa loob mas lalo niyang naiisip ang pagpapalaki kay Juan. May dramang “its you and me” against the world si Tatang na lumipas ang ilang taon ganun din ang naramdaman ni Juan.

Di nagtagal si Juan na ang nag-aalaga sa lolo. Kaya di rin nagtagal nanghihina na ang matanda. Isang araw habang nagaantay mapuno ang jeep, nakaramdam na si Tatang. Pinababa ng binata ang lahat, at tinakbo ang lolo sa hospital.

Sa unang beses sa buhay niya naging pasahero si Juan. Sumakay ng jeep papuntang ospital para bisitahin ang pinaka mamahal niyang lolo. Habang nasa biyahe pinagtuunan niyia ng pansin ang halos lahat. Naalala niya ang sabi ng lolo “Ang kwento ng buhay natin nasa loob ng jeep,” at doon niya nabigyang kahulugan ang mga napansin niya, napagdaanan niya, nasubukan at ang buhay niya.

Ang pagsuot ng uniporme, paalala ng estado nila sa buhay. Pag init ng makina, ang paghahanda ng sarili sa ano mang mangyayari. Aarangkada na ang Jeep, ang simula ng byahe ng buhay. Mga pasaherong sasakay, mga bagong karakter na magbibigay kahulugan sa iyong pagkatao. Ang pagbayad, paalala na hindi tayo ang may hawak ng buhay, tulad ng hindi pagkontrol sa kita ng isang jeepney driver sa araw araw. Ang pagaabot ng bayad, pinapakita ang mga tutulong sayo. Ang pagsusukli, pagbibigay ng kung ano ang sapat. Pag hinto, na sa kahit anong bilis ng mga pangyayari sa buhay, may mangyayari na tayo’y hihinto. Ang traffic, na magpapatagal ng lahat. na may magtutuloy ng laban ng buhay. Ang bagong sakay. Nandito nga ang kwento. “Ito nga ang buhay namin. Ito ang kwentong jeep.”

Tuesday, July 6, 2010

kasama si ex sa panaginip

madilim, maluwag parang infinite space pero room. ang nakita ko lang dalawang upuan, sa gitna ng mga ito isang projector na nakapatong sa table...dahan dahan kong naramdaman na may umakbay sakin hanggan maka upo. hindi ko siya tinignan kasi napupuzzle ako sa nakikita ko, anong meron? medyo masama kutob ko eh.
umupo kaming dalawa. sabay nagsimula ang palabas. ako at siya from 3 years ago
mga panahon ng habulan, at taya tayaan. magaaway, may hahabol. tapos ikaw naman taya ako naman hahabol. hanggang sa naramdaman ng isa nahihirapan na siya huminga. time out muna, pero sa larong 'to walang time out. kasali ka ba o hindi? will you stay or will you leave?
tuloy tuloy pa rin ang palabas. mas bumabaon ang sakit.
reliving the 1st heart break, reliving the pain. but what made me burst into tears is when i saw what he saw. what he saw when he fell in love, what he saw when he fell out of love. what he saw when he wanted me back, what he saw when he said maybe i'll just come back because i chose to be with someone else who was never mine. he was crying and i didnt do anything.
i couldn't watch anymore, but i could still hear it. i didnt want to see any more, i looked at him and he was holding back his tears.

i was mean. i was unfair. i was irrational. ungrateful. i used and abused him when he was trying to get me back. just to get my revenge. i broke his heart because he broke mine. im wrong. im sorry

__________________

Aldrich...my botot, im sorry.

__________________

i woke up and cried.
when i checked my phone "1 message received: Aldrich"

Monday, June 28, 2010

Hello 20

Warning: medyo KADIRE
Note: medyo funny rin

at dahil hindi na ako teenager, mas madami pa akong dapat malaman as a true "ADULT" (by age). hindi lang malaman, pati mga pagsubok na darating. my first day of being 20, maraming unforgettable experiences. kakaibang birthday celeb...

1. pagkamulat ng mata sa kaarawan ko, diretso hospital ang punta ko

2. kinuhanan ako ng dugo

3. kinuhanan ako ng dugo ng hindi ako kumakapit kay daddy (hindi ko kaya pag hindi ko hawak kamay ni daddy)

4. doctors of different fields, and sizes. nurses with different uniforms ang mga kasama ko for this birthday...(i asked God na iba makasama ko this birthday ko. lesson learned: BE SPECIFIC)

5. doctor: naninigarilyo?
nicole: hindi
doctor: umiinom?
nicole: oo
doctor: may mens ngayon?
nicole: wala
doctor: kelan last?
nicole: 2 weeks ago?
doctor: have you ever had any sexual contact?
nicole: NO!
doctor: wala ah? kasi posibleng pregnant

6. after having been checked by the surgeon, the nurse steps in
nurse: may tatanong lang po ako (mukhang medyo hesitant tanungin)
nicole: go!
nurse: are you sexually active?
nicole: NO!!!!

7. Number 4 and 5 was happening while my dad was beside me. AWKWARD!

8. 1st time pumasok sa delivery room, and i always thought the only time ill be entering that room is when im in labor na!

9. 1st time ob gyne check up (the feeling of being half naked under that hospital blanket wasnt right)

10. i needed to undergo an ultrasound, but its standard procedure to have this test. My 1st pregnancy test.

11. "NEGATIVE" ang result, tinignan ko daddy ko mukhang nakahinga siya ng maluwag. HAHA

12. 1st and hopefully the last trans-rectal ultrasound. (GRAAAAAAAAABEEEEEE) it was abusive, not right, sooo wrong and ughhhh i dont know what to say

13. "open your legs wider" ang sabi ng dalawang doctor sa loob ng ultrasound room (THE HORROR, THE OBSCURITY...HAPPY BIRTHDAY!)

14. ACUTE APPENDICITIS - sakit ko..ganda ng gift ah :)

15. habang nagaantay madischarge sa hospital, nakasalubong ko ulit yung 1st doctor na nagattend sakin
doctor: oh okay ka na?
nicole: opo
doctor: ano kaya nangyari sayo?
nicole: di ko nga po alam eh
doctor: baka in heat lang ovaries mo
nicole: (back of my mind) MEH GANUN!???

16. sinabi yan ng doctor habang katabi ko ang daddy ko...(AWKWARD)

17. the doctor said not to do any strenuous activities within 24hours. I played bowling... twice haha

18. the nurse said soft diet for 24hours, i ate a hearty meal at my favorite JT Manukan. Chicken Pecho and Itlog maalat :) SARAAAAAAP

19. i didnt blow my birthday candle, i didnt have any (diba ganun pag matanda na hindi na uso nagbloblow ng candles?)

20. a day thats just ME and DAD, that rarely happens :)
**i felt happy naman. i think i got what i asked the Lord.
next time i should be specific. sana mag 21 na ako!!!!

Thursday, June 24, 2010

ayaw ko na

nararamdaman ko na siya...
hello birthday blues...

kanina pa ako umiiyak di ko alam ang rason.
kanina pa ko pa nararamdaman mag-isa ako pero andami kong kasama
...
ayaw ko na :( hmmm

Wednesday, June 23, 2010

dancescape


because i wanted to escape from thinking too much...
Dance! boogie wonderland

please do not share this video to anyone :))
I enjoy dancing alone haha not on stage without anyone to sync with...just dancing

nakakapagbabagabag

Mali! nakakababagabag?
engk! nakakagabagabag?
mali! nakakapabagabagag?
(nyeta)

naiintindihan mo naman pero hindi mo masabi. iisipin mo na lang. pero hindi ka mapakali kasi hindi mo masabi ng maayos, hindi mo rin magamit. pero alam mo naman.
lecheng salita yan oh. hahanapan mo ng paraan, tatanungin mo ang iba. pero pagkatapos nun wala pa ring pinagbago kasi hindi mo pa rin magagamit.nakakairita.


simpleng paglabas ng nararamdaman ang hirap. buti na lang may isa pang lenguahe...
I HATE THINKING TOO MUCH
kung kaya naman sa ibang paraan para lang maintindihan ka, kunin mo na ang oppurtunidad para malabas mo ang nararamdaman mo.

Saturday, June 19, 2010

Birthday Month Symptoms

1. nawawala ang interest ko sa lahat pati sa pagsasayaw
2. pabalikbalik ako sa kusina pero wala lang
3. hindi ako makapag isip ng maayos
4. hindi ako mapakali
5. nagbibilang ng araw hanggang umabot ang kaarawan
6. i find my self walking in circles some time in a day
7. feeling ko busy ako pero hindi (wala ako ginagawa)
8. tinatamad ako gumalaw
9. gusto ko mag-isa, magdrama
10. malungkot ako...

haaay birthday month...kala ko magbabago ka this year pero hindi. 10 days...pero 3:25am na pala so 9 days na lang. this time of the year where everything i hold so close to me drops to the floor and i go to a trance. para bang may ufo sa may ulunan ko at cinocontrol nila utak ko. or hindi siguro aligned ang mga planets at nagiiba ang behavior ko? whatdawhodaaaaaaaaaahhhhhh
hindi ko alam kung may sakit ako kasi itong paghinga ko iba, bigat ng puso ko, nagkakasalubong ang kilay ko...ayaw na, naiiyak na ako sa inis, dahil wala ako magawa kelangan ko talaga siya daanan. walang shortcut, walang fast lane, walang e-pass, walang turbo...walang fastforward, walang skip...pfft. sana july na!

Thursday, June 17, 2010

feeling ko

feeling ko nabasa mo ang isa kong blog entry? or nagbabasa ka na ng blog ko recently? or baka feeling ko lang yun. well kung nagbabasa ka nga, hello :) kung hindi ka nagbabasa, sana mabasa mo ito...

seryoso ka kaya? alam ko kung pano ka umasta, pano ka gumalaw, minsan pano mag-isip kasi nakapinta sa mukha mo lahat. kahit na medyo abstract kang painting. kumbaga medyo familiar na ako sa tulad mo. bigla ata nagbago ang ihip ng hangin at ang abstract na madali ko basahin,hindi na abstract..mas nahihirapan akong kunin yung feel, yung gusto mong sabihin kahit na sabi ng madami sakin "hindi ba obvious?" obvious pero hindi ko magets. hindi ko alam kung joke ka? or jinojoke mo ko? hmmm hindi ako mahilig sa joke. hindi rin ako nakikipaglaro sayo. i cant read it so say it out loud.alam ko naman na iniisip mo pa kung ano gagawin mo. medyo bago din sayo kung nagkataon. mas mahirap pa sayo siguro kesa sakin. madami ding factors na bumabagabag sakin pero there's a part of me na ill take it. not for you, dont flatter yourself. nakita ko naman na nagbago ka in many ways. age doesn't define you're maturity, not even time. but its when you learn from the things you experience. i know somehow you've learned.
nafrufrustrate ako ng hindi naman dapat pero eto ako nagsusulat ng ganito.

settle the mind first then the heart. bago mo pasukin ang isang bagay dapat desidido ka.
you're a very driven person. when you want something you find ways to get it.
but when it comes to your heart...i dont know if you can manage it.
kaya mo kaya maging loyal?

Tuesday, June 15, 2010

tukmol

sakay pauwi galing ust. tahimik sa loob ng jeep. ang ingay lang na maririnig ay ang pagpreno, ang pag para at ang cd player ni manong driver...biglang "demonyo siya, habang buhay" natigil ako, at bglang naka-tune in ang tenga sa bibig niya. matanda yung katabi ko, payat, nakakalbo na o maputi buhok niya, naka-maong, at de kwelyo na pang-taas. tumahimik ulit. "pinitik ng putangina yung tenga ni tukmol, tamad kasi. tukmol kasi" hindi ko masabi kung baliw si tanda, or traumatized. "pinalo niya ng pinalo, hinawakan ang leeg, tapos hindi na gumalaw si tukmol" pinikit ko ang mata ko, pero naririnig ko pa rin. umurong ako ng onti pero katabi ko pa rin siya. ramdam ko ang sakit ng kwento ni tanda, ang kanyang nakita, siguro sayang din at di niya natulungan si tukmol. "maawa po kayo manong drayber, hanggang sa kanto, wala akong pera. maawa na kayo" bigla siya bumunot sa bulsa at naglabas ng marlboro black, sinindihan...

haaay tukmol, wala kang pera pero may pang bisyo ka. wala kang nagawa kaya ngayon nagkakalat ka. wala kang pamasahe pero asa loob ka ng jeep. tukmol, gamitin ang nakaraan para malampasan ang araw araw.

Saturday, June 12, 2010

diretsong baluktot

dirediretso lang na baluktot. go lang ng go hanggang bumalik ka sa unang pinanggalingan mo.
ganun naman parati pakomplikado ng pakomplikado tapos babalik ulit sa basics.
buti na lang walang reset button or retry ang buhay kung hindi wala tayo natutunan, maspspoil lang. "if i only had another chance" bakit kelangan umasa sa 2nd chance? di mo inayos yung una.
pero its also a matter of accepting it. kaso may limitasyon wag abuso. tapos babanat ng "can we start things all over?" mas gusto ko pa yun eh kesa give me another chance kasi yung give me another chance soooper late na. better late than never ba? mag absent ka na lang forever. dropout ganun. nagpakalate ka pa. pumasok ka na lang sa ibang school. bakit kasi malalate pa kung alam mo naman na ayan na, malapit ka na tamaan ng truck titigan mo pa bago ka umiwas...at madeads. momoy na deads ka na. nasa sine ka? kanya kanyang storya ang tao, kanya kanyang pelikula. pero makinig ka your life story is like a movie, but not a movie. your life is not a movie, its reality. "ahh hindi documentary yung akin" tangina. documentary films document reality dumb dumb. ang hirap sa tao salita ng salita kala mo alam nila hindi naman. if you dont know what you're talking about then ask, wag mag marunong mapapahiya ka lang. pwede naman magtry pero sa close mo lang baka mapahiya ka. pero minsan sa close mo pa ikaw napapahiya kawawa ka naman. ang trick diyan is accept it. o sige nadapa ka infront of everybody accept it. shrug it off your shoulder. its a part of life you get to trip and fall. whats important is how you bounce back. parang bola lang yan. uuntog ka sa sahig bago ka umangat sa ere. tapos pag masyado na mataas ang tingin mo sa sarili mo, ayan uuntog ka ulit. pag naging mayabang, nasobrahan sa hangin. puputok ang bola. gigising ka na sa mahaba mong pantasya...masakit pala, nakakaiyak pala. masaya pala. ok pala eh. ganyan ang buhay diretsong baluktot. kaya interesting ang buhay you never know whats coming for you. nasa sayo na pano mo haharapin ang itatapon sayo. saya :) love to live

Tuesday, June 8, 2010

pianist

touch the right notes and we'll make music
press the right keys, pleasing you and me
play and make love to the instrument
gently but firmly fondle every range

let the melody sink in so start slow
feel whats with in and sway to the rhythm
closed eyes as you caress every tune
listening to your every heartbeat

hit the highest note to the lowest one
serenade me 'til the morning sun
the movement of your fingers draw me in
i go unstable as it reaches that perfect tone

dazzled i am with the squint of smile you display
hypnotized in the lovely music you play
o' dear pianist you lift my soul high
you have that charm that makes my heart fly...

Monday, May 31, 2010

Habang sober

binasa ko ang sinulat ko nung isang araw habang nakainom ako at di ko napigilan ang pag tawa ng malakas. anong kinalaman ng pagtakbo ng kotse? sa lakbay ng buhay ko minsan pumapalo ako sa 300km/h kasi feeling ko kulang ang oras. sa sobrang bilis nun possible na bumigay ang breaks at kung wala na ang break bibitawan na lang ang gas at hahayaang bumangga ako...mali pero para ipatakbo ko ng ganon kabilis ibig sabihin alam ko na ang mangyayari. baliw? alam ko na ang mangyayari pero tinuloy ko pa rin? yun ang tinatawag na risks, thrill and finding the joy it that spur of moment. napa-what daw na lang ako after ko basahin, naalala ko naman na nagblog ako pero hindi ko maalala yung huli kong linya na out of context talaga sa pinagsabi ko

"i miss showing my real smile...i wish i can have you soon"

nalungkot ako nung nabasa ko kasi somehow it meant im not happy. but im trying to be.. mas masakit pa dun pretending to be happy. gusto ko malaman kung pano ko nabitawan ang mga salitang iyon, at ang huling linya "i wish i can have you soon" just shows me longing to get that real smile again.

sino ba o ano? ewan ko. nahimasmasan ako sa linyang yon.

Sunday, May 30, 2010

habang nakainom

2 red horse, isang san mig light at ilang happy peanuts ang nakain ko. hindi ko binabasa ang tnatype ko ngayon pero tingin ko naman tama ang tinatype ko. mahina talaga ako sa inumang beer....namamanhid na mukha ko. nakaktatlong san mig light pa lang ang tatay ko, si robin kasama ang dalawang kasambahay tag-iisang redhorse at tumigil na sila. hindi ko naman sinasabi na malakas ako uminom pero pinapanood ko lang sarili ko.

si mommy d masyadong natatakot na baka maging alcoholic ako pero maya't maya ang invitation sakin pag inom. ang labo lang talaga. ang daddy ko naman natatakot sakin uminom..una dahil malakas ako uminom. pangalawa, kung paano ako uuwi. pangatlo, baka iuwi ko pa ang kasama kong naguwi sakin.

masarap ang feeling ng nakainom kaya ko sabihin lahat ng gusto ko eh ng walang preno. lasing na ba ako? hindi pa mga tsong. tila nagsisimula pa lang ang inuman session ko.

kahit na sabihin nating wala ng preno tong sasakyan ko eh mabagal ang takbo ko so bitawan ko lang ang gas kung ganoon pa rin ang takbo kung bumangga man ako di ganoon kasakit dahil alam ko ang lahat. makakalayo pa ako, maaring makakalabas pa ako ng kotse.

sa bawat bote na nilalaklak ko, bawat kwento na aking ipamahigi..umiinom man o hindi paniwalaan niyo...dahil kahit umiinom ako sinasabi ko ang totoo...

totoo ata na habang umiinom masasabi mo ang lahat...pero kahit ganon pa man naitago ko pa rin ang lahat ng sikreto ko...

NONSENSE itong sinasabi ko di ko alam kung bakit binasa mo pa. pero salamat kasi kahit papano naisip mo na its worth your time reading it...pero sinubukan ko lang kung makakapagsulat ako habang nakainom..

i miss showing my real smile...i wish i can have you soon

Friday, May 28, 2010

Tricia of One more chance

halos lahat ata ng kilala ko gustong gusto tong movie na toh. para bang may laban si manny pacquiao, ang mundo tumitigil. at yun nga ang nangyari na knock out ako tumigil ang mundo, lalo na sa isang eksena na para bang de ja vu kung baga "nangyari na yun sakin ah, ilang beses pa"

Tricia: I love you
Popoy: (may onting delay alam mong hesitant kasi may iniisip)...love you

at boom! nakita ko sa mata ni tricia na alam niya na habang may project na pinagtratrabahuhan si popoy at basha medyo hindi imposible mangyari na mamiss nila ang isat isa. na yung "love you" ni popoy na yun sinasabi niya lang para makapagreply

the empty i love you.
holding onto nothing. pretending that there is something. trying to see a figure from the pitch black fall. its the strongest feeling that makes you weak inside...

tricia: mahal mo ba ako?
popoy: trish alam mong mahal kita
tricia: mahal mo ba siya?
popoy: hindi ko kayang makita kang nasasaktan
tricia: (pinikit mata ni popoy) para kung masaktan man ako di mo makita. mahal mo pa ba siya?
popoy: im so sorry

tricia knew the answer to her question but she was still hoping because she still loved popoy. why would you force someone to stay kung hindi naman siya magiging masaya, kung hindi naman pareho ang nararamdaman. kahit hindi magkasing sukat... kasi sa pagibig wala namang weighing scale, bakit kita ay este ni tricia pipilitin mahalin siya ni popoy kung alam niyang si basha talaga ang laman ng puso niya.
the right questions get the right answers.
you'd close your eyes, but you'd still hear it. you can be okay but you'd still feel it. you try put your heart to sleep to rest but its so alive beating because its hurting.

tangina ni popoy at basha nandamay pa.

Wednesday, May 19, 2010

Eto nanaman tayo

isang malaki at mabigat na tanong, bigla akong napaupo at napaisip.
handa na ba ko ulit? kayanin ko ba ang hamon ito na isa ring pangako?
minsan ng napasakin ang isang tulad mo, ngayon at nagbabalik...mahirap magsabi ng oo.
nanahimik ako ng ilang sandali, at nag bitaw ng ilang salita pero parang wala kang narinig.
eto nanaman tayo.
hindi ko alam kung ikaw ang naririnig ko o ang bibig mo lamang.
hindi ko alam kung bumaba ba ang kisame o bumigat yung pakiramdam sa kwarto.
gusto ko sana lumabas ng kwarto pero walang pintuan.
wala akong ibang choice kung hindi pakinggan ang gusto mong sabihin at gusto mong malaman ko.
dada ka ng dada may nakikinig ba? naririnig ko ba? nasasabi mo ba ang gusto mong iparating?
hirap akong humindi pero eto na ata ang unang pagkakataon

magdidive ba ako sa pool na may sign na 2ft? kakagat ba ako sa sandwich na alam kong puro gulay ang laman? manunuod ba ako ng 12pm sa abs kung alam kong mabwibwiset nanaman ako kay willie?

HINDI. AYAW KO. WAG NA

matuto na tayo sa nangyari dati, wag ng hayaan maulit pa.
harapin ang problema, wag taguan wag layuan.


Tuesday, May 18, 2010

kotse

mga pormadong kotse na may kanya kanyang special features mula sa kaha, sa gulong, sa interior at sa kung hanggang saan pwedeng ito itakbo. ang daming kotse na pwede ko sakyan pero pinapapili lang ako ng isa...hindi ba pwedeng isa per day ang kotse ko? para hindi ako magiisip pag color coding. hindi ba pwedeng dalawa para salit salit. gulo ng isipan hindi maunawaan...sabay sabay ko kasi sila tinitignan. anong kotse nga ba ang mas matimbang? anong kotse ba ang mas ok sa safety features? para pag nabangga onting untog lang buhay pa. anong kotse ba yung makakasabay sa bilis na gusto ko? one of a kind ang mga kotseng ganun, mahal kung nagkataon. anong kotse ang pwede ko itago at imaintain hanggang pag tanda ko?

parang nasa car show ang puso ko ngayon. makikita mo ang family car, ang sedan na pang dalawahan lang, ang pick up para sa maramihan, ang van para sa biyahe, ang naka set up ng magandang sounds na kotse, at madami pang ibang kotse na umaaligid.

anong kotse sasakyan ko...eh teka marunong na ba ako magdrive?

Wednesday, May 12, 2010

asado siopao

sana nahahawakan ang luha para mas kaya kong kontrolin
kung kelan ko hahayaan pumatak sa sahig, kung kelan ko dapat itago muna
pero may rason kung bakit hindi mo buong buo macontrol ang pagpatak ng luha sa mga mata
kasi hindi mo madadaya na mapakita kung kelan tuwang tuwa ka na at kelan nalulungkot ka na talaga.

isang araw bago ang gabi para sa mga aalis....
Nicolai: ehhhh ayoko na, naiiyak na ako. iyakin pa naman ako
Lester: anong iyakin? HINDI NGA EH. diba hindi ka umiiyak pag kakabreak lang
Nicolai: hindi naman kasi kaiyakiyak yun, feeling ko manhid tlga ako sa mga bagay na ganun. eh eto mga ganito naiiyak ako...

umupo ako sa nagiisang upuan sa stage, kinuha ang mic pero bago ako magsimula magsalita tinignan ko sila...tinignan ko yung mga mukhang nagpasaya sakin, nagpahirap sa buhay ko, mga mukhang gusto ko lagi kong nakikitang nakangiti...hmmmm hinga malalim. patago kong kinagat ko yung dila ko..

hindi ko alam sasabihin ko sakanila, kasi ayoko pa umalis. ayokong isipin nila na iiwan ko sila. kung wala lang expiration date ang pagstay edi kasama ko pa rin sila. bakit kasi nauna ako ng isang batch. bakit ang bigat bigat sa loob, kakaiba tong upuan toh mapapaupo ka talaga, itong mic naman para mapalakas ang boses kasi wala ka tlga masasabi...anak ng puta oh.

"hi guys, are you still awake. hello hello" ang energetic na ako ang nagsalita. tangina naman eh ang hirap ilabas ng nararamdaman ko...ang hirap. buti na lang may speech ako na prepare kahit papano sa mga medyo naging close ko, kasi kung wala malamang umiiyak na lang ako sa stage...
matapos ko bigyan ng speech yung 15+ na yun...natira na lang ang 3 taong pinaka malapit sa puso ko sa varsi, sa photogs section....si josa, si lester at si paul...

dun ko lang naramdaman na posible pala bumigat ang labi. pano pa kaya si angelina jolie na may malaking labi? (sumisigaw ng mommy!!! ang puso ko) hinayaan ko na, buhos na gripo na kung gripo.

hindi naman kasi bawal umiyak. wala naman nagsabi na wag ako umiyak.

josa, beb. naging close tayo dahil we HAD something in common. you're one tough beautiful girl, soon to be a lady. ngayon na mag-18 ka na be responsible of your actions. kung pwede lang wag ka muna magkaboyfriend tapusin mo muna pag-aaral mo. hindi ko akalain magiging close tayo dahil sa kung ano nangyari before, kilala na nga natin ang isat isa, nagkatinginan na tayo pero hindi pa ikaw si beb nun. you'll be happy even without a guy, college is the time for friends and to build who you are. ibibigay ang puso sa taong mahal mo, alagaan mo toh. kasi you're heart is one treasure, you deserve someone who will love you and make you feel proud to be you.
beautiful and talented, beb you are blessed with these two things. I love you so much, ill miss you. kwekwentuhan pa rin kita tungkol sa mga dumadating at pumapapel na lalaki sa buhay ko...hayaan mo kong takbuhan kita ha? onti lang kasi kayong tinatakbuhan ko eh. (yakaaap)

DYI!!! ang nagiisa at natitira kong kabatch. kahit ang bagal bagal mo kumain, kahit puro sorry ang naririnig ko pag may nakakalimutan ka, kahit ang bi mo sakin sa pag yosi (joke lang) tinitiis kita kasi ikaw si DYI eh :) sabi mo nung gabing naginuman tayo sa caylabne mahal mo ko mahal mo ko dyi soooper love din kita...imagine isang text mo lang na bitch yung taga science nung pautakan nagcut ako para syo ayokong binubully at binibitch kayo...mamimiss ko yun. tayo na lang ang magkabatch, mawawala pa ako. sorry....hindi naman kita iiwan eh, aalis lang ako ng V pero babalik pa rin ako sainyo. tayong tatlo pa rin ang magkabatch matibay na bond yun. dyi? wag ka iiyak...Thank you kasi ikaw ang naging kabatch ko, thankful kasi 3 lang tayo. sorry ulit. uulitin ko mahal kita. ill miss you my dear batchmate.

Paul, you suck talaga as my editor. and yes you said it you are not a good leader because you're one selfish person. hindi naman kelangan ikaw lahat magcover eh, pwede ishare. gumawa ka ng systema mo, you bring others up as you become great because thats the only way to be greater. Alam mo ba na you're one of the grave reasons why i wanted to leave varsi? me being there and you staying there is making me feel hate more which means more stress for me. my last year in varsi sucked big time because of you...you made my last year not enjoyable...wag ka magalala di na kita mumurahin. hindi ko kaya. i said you're one of the reasons why i wanted to quit, but also one of the reasons why i stayed. magpapatalo ba ako sa isang tulad mo? syempre hindi. you're one of my closest friend. in fact you're the one who got me here. kahit gago ka, kahit user kang friend, kahit nagaway tayo, kahit nagkaissue...i look beyond that coz you are my friend. mamaw? Thank you for making me be a part of this family. thank you for making me feel sucky because it made me strive better. i hate you, but i also love you mamaw. ill always be your friend, ill always be here when you need me.


....magang maga ang mata ko...pulang pula mukha ko .... asado siopao anyone?

Friday, April 30, 2010

Buhok

Handa ka na ba?
ang tanong ni Hektor ang baklang nakahawak sa naka-pony tail kong buhok.
Handa na.
ang sagot ko habang may malaking ngiti sa aking mukha

next thing i knew, andun na yung ponytail ko sa harapan ko at nagiging presko na ang pakiramdam ko. pero wait parang mukha atang bunot yung buhok ko...

pwedeng hindi one length?
tanong ko kay hektor pagbalik niya sa upuan ko kasi para siyang hustler na tatatlo ata kaming ginugupitan niya
hindi pa tapos, aayusin pa natin yan.
kala mo naman teamwork kami ng gupitan niya ako

tinignan ko yung salamin sa harap ko para tignan ko yung mga kasama kong nagpapagupit
pagtingin ko sa kanan ko andun si hektor kakatapos lang ata irazor yung buhok nung batang lalaki.

zzzzzzzzzzzzzhhhhhhhhh mali pala buhok ko pala irarazor niya...
nakiliti ako kasi 1st time experience ang irazor ang buhok ko.
pinowderan ako at boom!

my decision to have my hair cut this short goes deeper...
when you decide about something, you think about it.
dont haste, stand up on your decision.
be firm and dont let any words from other mouths serenade, tempt or bring you down.
you are decided, go for it!


im rockin' the hair :)


Saturday, April 24, 2010

BUNSO

Sinisigaw ko ng malakas...BUNSO!!
oo dalawa kayong bunso sa paningin ko wala akong pakielam kung hindi kayo magka-age ah basta baby ko kayo.

kanina nagiinuman kaming pamilya. masaya nagaasaran kaming lahat, gustong gusto ko pag pinagtutulungan namin tatay namin eh. masaya yun :) lalo na pag niloloko namin na para siyang si papa. eh lakas mangasar ni rich tinawag ko tuloy siyang BRIX! (pangalan ng tatay ko) eh mabilis pumick up si rich, sigaw siya kay daddy ng "SONNY" (pangalan ng lolo ko) tawanan nanaman kami

bigla ako kinalabit ng daddy "nung kami pa lang ng mommy mo, sabi ko sakanya na gusto ko makasama ko mga anak ko uminom...ilang taon pa nung buhay ka na at si robin gusto ko pati asawa niyo makasama ko uminom" edi syempre natuwa naman ako biglang "pero tangina! ayoko pa toh mawala, akin na muna kayo" bigla akong "CHEERS daddy!!"

dad, gusto ko sabihin sayo kanina na lagi naman kami para sayo. period ayoko na magsalita at magexplain. mahal kita alam mo naman yun...sobra... hindi ko lang talaga alam pano kita lambingin. kaya sa simpleng pagholding hands ko sayo, pag yakap sa likod, pag kagat ng likod mo na sobrang bihira at nagagalit ka pa eh isipin mo ng lambing ko na yun. pero sobra..sobrang mahal kita.

at dun ko naisip...parang lahat sila bunso sa paningin ko. pati daddy ko, at mommy ko. lahat sila priority....lahat sila uunahin ko. kahit na matanda na sila, ipagtatanggol ko sila. kahit na may girlfriend na at matanda na sobra magulang ko eh ikikiss ko pa rin sila sa lips...wala akong pakielam. tangina lang talaga sa mga magkakaroon ng violent reaction sa sinasabi ko.

pero Mom, Dad, Robin, Bodee, Rich and Zach. I love you, these words are enough. I love you.
I love you forever.

Happy birthday Rich and Zach :)

Friday, April 23, 2010

Stoplight

STOP LIGHT

Malayo pa lang kitang kita green na ilaw. Humarurot ang kotse ko palapit ng palapit naging yellow…bumagal ang takbo ko. dahan dahan ko ng inaapakan ang breaks. Tapos pula…hanggang dun lang ako sa linya.

Sa malayo maganda siya, nakasama mo ng matagal nakikita mo na ang detalye ng mukha at pagkatao niya. hanggang huminto ko kasi hindi mo pala trip.

Ang dami mong alam salita ka ng salita. Sa dami ng makakausap sa mundo nagsasawa ka na kakapaulit ulit. Ayan na nahimik ka.

Uyy uso bili ka, suot ka naman. Pormado. Lakad ka ng lakad sa mall may dip ala bagay sayo. di mo na sinuot ulit yung “uso”

Bagong yosi ka lang. isang stick pa, isang stick pa. isang kaha pa. isang rim pa. hala sige hits lang. hanggang sa hirap ka na huminga. Titigil ka o mamamatay ka.

Isang shot lang, isang bote ng beer. Masarap? Shot pa shot pa! isa pang case ng red horse. Hanggang gumegewang na lakad mo…dahan dahan ng prumoproseso ang utak mo. tapos wala na, past out.

Sa umpisa masaya kayo. harurot ka naman “forever na toh” Tumagal ng tumagal nawawala na ang kilig, dahan dahan ng nawawala ang pagmamahal. Tumigil ka hinayaan mo na siya tumakbo, dun ka na lang kung saan ka huminto.

Go bata ka pa, slow down tumatanda ka na, stop matanda ka na

____

bakit ba tinawag na stop light kung may go at slow down?

kasi kung walang go at slow down, walang silbi ang stoplight.

kung walang stop, lahat na lang naka-go, lahat naka-slow down. di na natuto tumigil

Psssst, Papa

psssst papa
hindi mo kelangan sumagot makinig ka lang

masaya naman ako ngayon, pero pag naaalala kita naglalaro na yung emotion ko. para bang nagtutug of war sa iiyak o masaya. kung hahayaan ko bang tumulo luha ko or tatandaan na lang ang pagpapatawa mo. bakit ka ba nawala? pamacho ka pa kasi eh...ayaw mo kami magworry, gets ko na yun. pero para saan pa ang pamilya kung hindi kami magwoworry? natural lang naman yun samin eh...we love you

huuuuy...paps.

idol kita, alam ko alam mo yun. mana ako sayo eh...nakakainis nga pati pamacho mo namana ko eh. tulad mo mas naglalabas ka ng takot, ng kaba, ng pangamba sa mga kaibagan mo...PAPA naman eh.

nasasaktan ako ngayon...ayoko yung nakikita ko. ayoko yung nangyayari...pero sabi mo nga i was placed here for a reason. nung iba nagsabi nun parang yada yada lang nila eh, nung ikaw nagsabi tumatak sa puso ko eh.

paps, i hope i made you proud. i really wish you were there nung graduation ko...
namimiss lang kta, namimiss pa rin kita. hindi ako makagetover pa rin. sa totoo lang hindi ko pa rin tanggap. nagtatago ka lang ba? tinetest mo ba kami?
kung asan ka man alagaan mo sarili mo ah, wag pa macho. pwede humingi ng tulong, pwede maglabas ng sama ng loob.

I love you, papa.

Saturday, April 17, 2010

PINK

PINK
i was always pink ranger in go go power rangers and let my younger girl cousins have yellow.
my hello kitty collection was all pink. i always thought the blue one was weird.
my first toys were pig stuffed toys, and guess what? they were pink!
i had a pink p.e. uniform during kindergarten which was my super favorite. it was a skort? skirt and shorts and it was pink.
to top my kindergarten life, i graduated in a pink toga :)
when i graduated college i had a pink ribbon on my dress.
PINK PINK PINK. i always had pink in my life, i grew up pink.
so why did i hate it?...
because everyone else wanted pink. and i never wanted to be like everyone else.

this is what you call setting your own norms.
i don't have to go with the flow of this world, id rather go against it.
its... much more fun, more thrills. takes a good and courageous heart to go for it.

but i wont neglect that im still a part of this world, id still wear pink.
i hate pink, im sorry.
i dont like to be everyone else, im sorry.

Saturday, April 10, 2010

bakit ka ganyan?

pag napangiti mo ko, iba na toh. ipipikit ang mata at dadalin ang sarili sa mundo ng imahinasyon. iisipin kung paano aasta pag nakasama muli kita, sasabayan mabilis man o mabagal ang takbo mo. mas mahirap ka sabayan mas ginigusto ko. sumakit man o magkasakit, basta andiyan ka solve ako. pipilitin ko pang mapansin mo ang maliliit na galaw na gagawin ko. pagdating talaga sayo iba ang amats ko.

nalalabas ko ang aking pagkatao, ang kulit, ang madrama, ang gustong sabihin, kung ano ang nasa loob ng puso. madaling araw, gabi, hapon pwedeng pwede ka. ikaw ang numero unong yayakap sakin at magpapaalam na ok lang kung ano ang nararamdaman. napapagaan mo ang bigat na buhat buhat ko.

lumiliyab ang puso sa tuwing kasama. di mapinta ang ngiti ang kilig sa aking mukha.
bakit ka ganyan? marinig lang kita titigil na mundo ko at mapapatingin sayo.
sana hanggat sa pagtanda ko andiyan ka pa rin.

Friday, April 9, 2010

BACKSTAGE crew

A lot of things happen backstage. Watchout for BACKSTAGE CREW's dance videos soon on youtube :)

Wednesday, April 7, 2010

wag muna please

may tatlong kwarto dito sa bahay. isa para sa magulang ko, isa para sakin, isa para sa apat kong kapatid. halatang halata naman na mas malaki yung space ko kasi wala akong kahati diba?:)
ehh minsan ayoko matulog mag-isa, kaya sinisiksik ko sarili ko sa kwarto ng mga kapatid ko, tulad kagabi...
Pinagmamasdan ko ang mga mukha nila habang tulog. Ang babait ng mga itsura..tahimik nila. lumalaki na mga kapatid ko..hirap na ako sumiksik sakanila...
natigil ako sa nasabi kong iyon "lumalaki na mga kapatid ko, hirap na akong sumiksik sakanila"
tinignan ko ulit ang mga mukha nila isa isa.

Yung isa may girlfriend - hindi ko na masiksik sarili ko sakanya kasi wala ng inisip kundi yung gelpren niya. minsan nakakainis na nga eh, tatawag sa bahay nung girl para lang sabihin na kakain siya. (woooh sakit sa ulo)

yung isa naman sarili - lahat tinatago sa sarili. ayaw ako yakapin, ayaw ako i-kiss...bakit? ilan taon ka pa lang ah! tapos tanongin ko kung ano problema maglalakad palayo sakin. eh dati pag umiyak ka tatakbo ka sakin para magsumbong!

bad ass bro - kaya na daw niya ang buhay niya..daming bisyo. tinanong siya kung ano dapat gawin sa mga bata na pasaway, sagot niya "pagsabihan" pero biglang banat na ayaw siyang pinbagsasabihan. Kaya na daw niya.

gaya gaya - kung ano ang makita ginagaya. hindi mo rin naman masisi, turuan ko ng bagay bagay eh hindi naman niya trip kasi girl ako.

...never ako nakipagsiksikan pero hindi...sa mga kapatid ko kahit may asawa at anak na sila. yayakapin ko pa rin sila, iuupo ko sila pag gusto nila ng may kausap sa problema nila, pagsasabihan ko pa rin kung anong tama at mali, at kahit girl ako, i can try to do what a guy can do... wag kayo magmadali tumanda please?

namimiss ko kayo eh.

Friday, April 2, 2010

Hinahabol na Init

Dahan dahan mong ginagapang
nilalandi ang bawat detalye ng katawan
pabalik balik na hampas
Natatamo ang makulay na landas

Malambing na halik
Yakap na gigil
Iyong matamis na tingin
Dinadala ako ng hangin

Ikaw ang nagpupuno
sa agwat sa ating pagitan
ramdam ko ang bawat galaw mo
Pinagmamasdan na lamang kita

O' dalampasigan
sarap mong pagmasdan
ang indak ng iyong alon
mahirap layuan

Wednesday, March 24, 2010

expiration date

pagbukas ko ng kabinet sa pantry. napa-wow na lang ako sa sobrang dami ng laman. canned goods, chips, candy lahat andun. tinitgnan ko ang isa isa inaalala ko ang lasa ng mga natikman ko na, iniisip ko kung ano lasa kung hindi ko pa natry. may mga familiar na tatak pero hindi ko pa talaga natitikman. may moby dun na isa sa mga local favorite ko, na kahit hindi ko siya nakakain parati pero pag natakam ako never fails to satisfy me. ayun biglang may cheetos, ang aking happy food. hindi ako machichirya pero pagdating sa dalawang toh, hmmmm ang sarap eh. tumingin ako sa kanan andun ang spam, corned beef. sa kabila naman ang mga cup noodles. sa dami ng pagkain hindi ko sila makain lahat, kahit matikman. kilala ko lang sila dahil sa tatak, sa packaging. yung iba kilalang kilala ko na kasi may long term customer relationship na ako dun haha :)

sa sobrang lula ko sa mga pagkain sa kabinet binuksan ko ang ref. kumuha ako ng yakult at habang naka kagat ako sa may opening niya nakita ko ang expiration date...
29 march 2010

swabe lang talaga.
pagpasok ko ng ab ulit kahapon. madaming familiar faces, madami din ako nakasama at naging kaibigan. tingin sa kanan sa kaliwa andun sila mga kasama kong aalis at mga maiiwan pa ng ilang taon. mabuti na lang at madami akong naging kaibigan sa ibat ibang batch mapaibang courses sa loob at labas ng ab. masasabing may good friendship na rin siguro kami ng mga ito.
march 29, 2010 is my expiration date in UST because after that i will have me.
a new me, cheers to the future me.

Saturday, March 20, 2010

Longboard

lately nahilig ako sa long board, para siyang skateboard pero mahaba. medyo may trauma ako dito, pero tsh ano ba ang salitang trauma sakin? mas lalong takot ako mas lalo kong gustong labanan. so sinubukan ko, laking tuwa ng mga kaibagan kong chinggona papis ng makita nila ang balance ko sa board. ilang horas lang kaya ko na maglowride? basta yung curve thingy, komportable na daw ako sa board pero kita pa rin na binabantayan ko ang kilos ko. sumunod na araw na masubukan ko, ayung let loose na ako :)

masaya mag longboard. ang pag apak ko sa board ay pag apak ko sa magiging bagong buhay ko pagkatapos ng kolehiyo. ang pag bwelo ko, pagkis kis ng paa ko sa sahig para makaandar ko ang tanda na magbibigay ng bwelo ko para magawa ko ang mga gusto ko. at pag nakapatong na ang dalawa ko sa board paalala na kaya ko mag-isa :) kaya ko tumayo mag-isa. ang tuhod ko na susuporta sa sakay ng buhay ko, ang adrenalin habang naglolow ride ang excitement sa adventure at challenges na darating sa buhay. at ang hampas ng hangin at pag ikot ng gulong ang paalala na matatapos din ang lahat nito ng mabilis.

haaay buhay :) isa kang rollercoaster ride, isa kang longboard ride :)

Wednesday, March 17, 2010

masarap pero mahirap

nilalapitan, tinatakbuhan
ikaw ang sumbungan
masaya, malungkot
ikaw ang laging andiyan

gabi gabi na ata kitang hinahanap
alam ko naman kung nasaan ka
ang di matagong ngiti
tuwing ika'y aking kapiling

mas lalo akong lumalayo
mas lalo kita namimiss
at pag andiyan ka na ulit
may kakaibang high

mahihilo ako sa sobrang saya
parang bata na nakawala sa hawla
ikaw ang may kasalanan
ang lakas mo sakin


sakit na ng ulo ko
ikaw, oo ikaw.
masarap kang kasama
pero mahirap mainlove sayo

Tuesday, March 16, 2010

Normal

magiilang buwan o isang taon na din na ganito ang sitwasyon. normal lang, parang ang tagal mo ng kasama sa picture ng buhay ko pero hindi naman talaga. nakikita lang kita sa entablado noon, nakakasalubong sa maliliit na daanan ng building na iyon, pasimpleng hi hello kaso di naman kita kilala pero ngayon makikita na kita kung saan saan bigla, makakasama at makakatawanan. di naman malayo na mangyari yun, normal lang.. diba?

presensya mo pa lang nangingiti ako. normal. natutuwa lang naman ako na andiyan ka nanaman. kahit wala naman talaga tayong pinaguusapan na seryoso masyado.
ayun ang mga pangaasar mo na yung mga ano mga kakaalam mo lang tungkol sakin pero cge simula yan ng pagiging close. normal pa rin.
pag gising ko inaasahan kong text mo ang bubungad sa screen ng cellphone ko. normal. masarap ka kausap, at alam ko natutuwa ka rin na kausap ako. normal, lagi ko namang sinisilip ang phone ko pagkagising na pagkagising ko.
ang abangan ang susunod na araw na makakasama kang tumambay sa "place to be" tapos magkwetuhan ng kung ano ano. mga experiences, jokes at kung ano. normal, ganun talaga pag nageenjoy ka hinahanap hanap mo.

pero ang ngitian ka habang malayo ang tingin mo, hindi ko masabing normal
ang saya ko lang

Sunday, March 7, 2010

Lakad

matapos ang masayang gabi na walang tigil sa kakasayaw at inuman nagising ako sa init ng araw.
sunday na pala, dalawang school working days at tapos na. tapos na ang apat na taon na pagtitiis, pagpupuyat, pagpapagod
naglakad ako papunta sa sakayan. nakatingin ako sa kalsada, sa poste, sa sidewalk, sa mga tao na nakakasalubong basta napapansin ko ang halos lahat in details, malinaw at naaalala ko ang lahat hanggang sa pagsakay ko ng jeep kahit ngayon kaya ko toh sinusulat. sa jeep naman ang bilis ng lahat, pag nakatingin ako sa labas blurred, tapos titigil ng sandali magstostop over sa gasolinahan tapos go ulit, minsan igegewan gewang pa ni kuya ang pagdridrive tapos biglang preno kasi babaan na.
ayan nasa jeep nanaman ako at gumana nanaman ang utak ko.

sa bawat imahe or parang video nung lakad ko kanina,
ngayon naisip ko dun sa apat na taon nilakad ko ba? o sinakay ko sa jeep?

Wednesday, February 24, 2010

sarili

tatakbo uupo gugulo ang buhok titingin iiling tatawa ngingiti
hindi ko alam saan pupunta ang layo ng tinatakbo niya
hahabulin ang hininga hahawakan ang ulo di malaman ang gagawin niya
andaming tumatakbo sa isipan dahil hindi pa kayang mamili sa iilan
hawak hawak ang kanyang mga braso nilalamig sa kalaliman ng gabi
hindi na niya maramdaman nawawala na ang tamis ng alaala
uupo sa gitna ng kalsada titignan ang kapiligiran
hmmm wala naman talaga siyang hinahabol kundi sarili niya.
maglalakad itutuloy ang paghahanap pero saan nga ba papunta?
parepareho nating hinahanap ang taong mamahalin natin
pareparehong andito pa rin tayo lahat naghahanap
pero sa katotohanan ang taong mamahalin ay andiyan lamang
..at yun ay ikaw.

Tuesday, February 16, 2010

Usapang lasing

Nagkataon na araw ng puso ko bukas. araw ng mga puso natin.
naiwan kaming tatlong magkaibigan, hindi kami iniwan pinili lang namin na hindi sumama.
Dala ng lungkot, nagkayayaan uminom. takte tatlo lang kami uminom.

Inuman friend 1:
"Namimiss ko siya" wala ng lalabo pa sa statement na yan pag ang nagsabi niyan ay isang lasing. malabo kasi bibitaw ka, tapos mamimiss mo. malabo kasi kaya mo sabihin samin pero sakanya hindi. malabo kasi hanggang hangin lang ang abot ng salita mo, walang pupuntahan.

Inuman friend 2:
"baka mapakilala mo naman ako sa friends mong girls?" sagot ko "mahalin mo muna sarili mo kasi hindi mo kakayanin na pag nawala na yung taong mahal mo. yung lalagyan mo ng pagmamahal, pag nawala yun mawawala ka din"

Ako: sa bawat tagay at shot na nilalagok natin...onti onti natin natatanggap ang mga katotohanan na pilit nating tinatago, at tinatakpan ng ngiti at saya.

Inuman friends: wow...lasing ka na nicole

ako: siguro nga. Cheers

Thursday, February 11, 2010

Pagod

kelan mo ba masasabi na dapat ng tapusin? dapat ng tigilan? pag pagod na? kasi walang ng drive to go on. wala ng energy to move, to do the same things or to think of new things to make it work. tatanggapin mo na lang na pagod ka.

i dont believe in such. im not saying this kasi im a person who is full of energy but listen...ang pagiging pagod means may ginagagawa ka at nagagawa...simula lang yan. nagiging pagod ka lang kasi walang nangyayari, i mean walang return yung ginagawa mo. hindi dapat yun, hindi dapat ganun ang habol mo. Do it because you want to not because you want something in return. Ang hirap pag ang heart mo expectant kaya lahat ng ginagawa mo baliwala.

prinsipyo ko sa buhay is someday i will be loved the way i love others. Kaya in every lover i love, every friend i love i give them what is due them, what i feel for them. I love you because i love loving you, if you dont feel the same way its okay :) but when i said i love you it means forever. i know myself being capable of giving the "unconditional love" because i have experienced unconditional love. how hurtful it is, how lovely it is. loving beyond what hurts you, loving beyond the loveliness. I dont force anyone to love me, i dont force myself to love anyone i just love them.

i never get tired of loving people even if it causes me heartaches, its all part of the plan. its just the beginning.
its like the arena where your strength is tested.

Pagod na ako, naiiyak nga ako eh. kasi ang pagod na nararamdaman ko is yung pagod dahil nahihirapan na ako sa mga kasama ko...i may hate people but in reality i cant, im mad yes but it'll pass. ang hirap! gusto ko ng mangbitch lang pero sandali lang yan. this is just the beginning...

lahat ng problema natatapos :)

Friday, February 5, 2010

DON’T GO HIGH SCHOOL BITCHIN

This for you NOSE-faced-girl,

I never say this from the heart, but this goes for you.
It goes with my deepest sincerity…FUCK YOU!
I was a friend to you, I put up with your self-centered bitchiness, listened to every I-always-have-a-reason-why-im-wearing-this-and-that, and your feeling pretty but you’re really not and you’re never ending great-er-ness than the OH-SO-LAME ME …well guess what bitch!?
You’re my inspiration…ill work hard enough and ill make sure you’ll need help from me…and when that happens…ill give you help, don’t worry. IM A FRIEND, but ill give you the lamest one.

Its ok to bitch me up like this, NO ISSUE. Im not very good with defending myself, but to disrespect my mom that way? I could push you off the wall and make sure I break your face more.

Sira na nga, sisirain ko pa. hindi ka man lang papasa maging hipon.

-SINCERELY YOURS, WITH MUCH PASSION AND LOVE
The girl who never did anything right in your eyes but the one you referred to as almost perfect. (I have a video to prove it)

Friday, January 29, 2010

nagkataon

naguusap tungkol sa girls ang mga kapatid ko, hanggang sa napunta sila sa usapang qualities, hanggang tanungin nila ako ano ang gusto ko sa isang lalaki.
sabi nung isa "ahhh chinese gusto ni ate"
nagkataon lang naman na magkasunod na chinese ang ex ko pero hindi ako mahilig sa chinese. mahilig ako sa chinito. pero hindi necessarily chinese.
sabi naman nung isa pa "photographer"
nagkataon lang din na photog din ang lumandi ulit sakin
pero yun napaisip ako sa pagkakataon na ito, ano nga ba ang type ko sa isang lalaki?

physical:
1. kelangan mas matangkad sakin (improve the clan!!)
2. hindi pwede payat,hindi pwedeng mataba. sakto lang
3. athletic, requirement ata sa pamilya namin ang marunong magbasketball
4. mukhang maangas na sweet (labo) or mabait na lokoloko ng onti
5. mabango kilikili :)
6. ayoko ng mahaba buhok, kalbo or short hair
7. ayoko sa mas maitim pa sa kapatid kong si rich at bodee.
8. huggable
9. hindi jologs magbihis (ok lang yung maporma ok lang din yung shirt and jeans)
10. at higit sa lahat, maganda ang mata ( hmmmm :) )

mental:
1. yung kaya ako, hindi yung kinakaya ko PARATI
2. yung kaya tanggapin yung pagmamahal ko na akala ng marami sobra. dapat ang pano ba? hmmm dapat ang jar of love niya ready pag umapaw o-ha o-ha
3. knows how to see problems in different views
4. ok lang seloso ng onti :)
5. game sa mga bagay na gusto ko ng gawin (travel, crazy things, ewan, spontaneity)
6. marunong tumahimik, marunong mag ingay
7. lets me and helps me
8. will accept my randomness, and weirdness and hyperness
9. is ready for my moody attacks (pms)
10. Sweet :) i love surprises

emotion/feelings/attitudes:
1. loves himself, so that he can love me
2. thinks, sometimes its okay to think :)
3. knows how to talk and let his feelings out
4. knows how to decide, and knows how to face consequences
5. can listen and pay attention (boys have short attentions spans)
6. knows how to say no, because im a yes person
7. medyo masungit sa iba except me and my family
8. thanks God im alive, and that he has me (awwww? pa cheezy)
9. Malambing kasi ako hindi malambing masyado, im learning
10. ako yung weakness niya

Spiritual:
1. fears God
2. loves God
3. knows God
4. walks with God
5. faithful

ewan madami pa siguro pero yan. yan lang muna ngayon. meron ganyan tao, alam ko meron.
kasi siya na yun pag nagkataon. YIKEEE

Monday, January 25, 2010

Open the door

its hard when its all inside and you cant bring it outside.
im in no hurry, i wait for the moment to come.
i dont force it, but when its needed i make it happen.
i try to keep my cool everytime you're around, and damn its hard

i think about it and maybe you were'nt brought up that well
do i have to understand the lack of breeding you have?
i should understand if it were my fault, if it was me who wanted it.
why understand where you came from when you really dont mean a thing to me?
well you used to be but when i turned my back and someone saw the quick switch of a smile to a glare...
you were gone.

it all heavy inside. and if i was just not thinking, id step out.
i never wanted to fit in, its never me who would let myself in.
someone opens the door for me, and walks me right in.
i am invited and not pushed in.

if i dont fit, ill find a bigger space. even if it means me being alone.
im no drama queen or emo
what i mean is
becareful with the choice of words, or the words you say because these things come back to you.
and when it does ill make sure you feel the way i feel right now.

Friday, January 22, 2010

sabi ni

sabi ng utak at puso ko buhay ka pa
biglang tumulo luha ko...

pantasya ang nasa utak at puso
realidad sa bawat patak ng luha ko

Thursday, January 21, 2010

your accomplished plan

saturday
i knew you were in. i was that sure that you're getting out of that place quickly, you were strong. siguro, it was my mistake to be that sure that you were strong.

sunday
i was so excited to celebrate with my cousins in laguna. but then we got a call, a phone call. when i saw my mom wear her sunglasses, and a tear drop fell. i knew it was call, a call that came from the heart.

i saw you inside, all weak and could hardly breathe. you know how much pain it caused me? that man of steel in my mind, my idol. right there! i couldnt look at you but i my eyes were locked on you. it crumpled my heart like an old piece of paper.

i went back home, and i couldnt sleep. i wanted to be there in the waiting room, i wanted to take the whole shift. just to wait for you come out. i knew you were coming out.

sunday to monday
9pm -4am. visiting hours was over, but i dont care. i still went in to see you. i saw you in pain. i wanted to hold your hand, but i know fragile you were. the nurse was there and i knew she wanted me out, but i dont care. i want to see you. im content.

papa, tumayo ka na diyan. strong ka! alam kong kaya mo.

10am, yaya nini woke me up because there was another call. i answered and mom said your stomach was giving up already. i was waking up dad, but he just budged. i didnt know what to do already. i didnt know what i was doing. i got up, dressed up. i wanted be back where you were! another call, cardiac arrest. my dad got up

in the car. my dad and i were telling stories. but then a sudden silence came, we were both quiet. we got to the parking lot of the place, dad wanted me to go up first. but i said no. i guess i just couldnt see you like that in that state anymore.

papa, diba? tatayo ka na? bakit hindi ka pa tumatayo.

ayaw kitang bulungan. kasi tatayo ka pa eh. kasi magbibingo pa tayo eh, kasi kakausapin mo pa ako. lelecturan tungkol sa buhay.

1:14. ang cold mo naman! umalis ka na lang. di mo na kami kinakausap. bakit ka ganyan?

tuesday
dami mong friends.

wednesday.

nabalitaan ko na you wanted us to have lunch that sunday before going to the place. you wanted all of us to be together but your body was giving up saturday pa lang.
you told your doctors your coming in after lunch

you left us after lunch. we were all together.
thats what you wanted, that was your plan.

Wednesday, January 20, 2010

sa kasalukuyan

Unang araw: ngiti, hindi puro luha. alam kong ika'y natuwa. Strong kami like you.

------
Papa, break muna ha? ilalabas ko lang ang inis ko
------

habang dumidiin ang pag pindot ko sa keyboards ko iniisip ko? pano kong sila naman ang mawalan?
sila ang maiwan? sila ang humarap ng nararamdaman ko ngayon? Putangina.
alam ko nakakairita ako. and yes i keep things to myself.
was it really my fault or you werent just really that close to me? would you care if you would know?

I AM DISABLED. the truth is im lost. in my reality, im breaking down inside. but in this world's reality i have to face every face that is being introduced to me. wtf. i cant seem to get myself to work. i dont know why. i know i can but i choose not to. maarte? cge yun na lang. pero yung totoo ayoko. ayoko lang talaga.

Tuesday, January 19, 2010

kumpleto ang cast

Dumating ako sa eksena, sinalubong ako ng dalawa pang baguhang fan at kwinento na nawala ang idol namin sa fighting scene. akala ng lahat tapos na ang palabas pero hindi pa!! bumalik siya matapos ang 7minuto. ANG GALING! umabot pa ako. Laban idol laban! lahat kami naghihiyawan lahat kaming umaasa sa fighting scene na ito. nakakakaba, ang bigat totoong totoo ang lahat.
Idol, kaya mo yan! tapos bigla akong tinulak ako papasok ng isa pang fan, kinuha ko na ang pagkakataon na ito. lumapit ako kay idol. pinaalam ko na andito kami, ako ang magbabantay sa iba, at chineer ko pa siya ng kaya mo yan!! matapos ang ilang minuto dinala ang idol ko sa arena kung saan last level na. pagkatapos harapin ang higanteng ito. TAGUMPAY!

isa-isa ng kumpleto ang cast.

ngunit nasugatan at nanghina ang idol ko....OH NO!!! pero GO GO GO!! sabi ng assistant director..."it doesnt look good, we have to prepare for the worst" ano? ano? baguhin mo ayusin mo! Go! biglang sumigaw ang direktor "we're not calling it quits yet" OF COURSE NOT. sumigaw ulit ang direktor "he might not make it" ano ba? direktor ka diba? anong might? loko ka ah! IDOL GALINGAN MO.

katahimikan.

WOOOH!! nakabalik pa si idol sa kwarto. Ang galing ang galing. panalo talaga tong idol ko. mga direktor na toh hindi ko kamalaman kung anong gustong ipasabi ang galing mangbitin ng kwento!! go idol! you are soooo good!

kumpleto na ang cast.

0 ... 60 ... lumalaban ... ano toh points? ... 0 ...14 ... 0 ... 72 ... 0 ... 0 ... 0 ...
HOY IDOL!!!! diba may isasign ka pang contrata?
0 ... 0 ... hihingi tayo ng extension sa manager mo 0 ... 0 ...

sumara ang kurtina. DI PA TAPOS ANG PALABAS. 1. 2.. 3.. clear. anong nangyayari sa loob??? buksan niyo!!
ang pangit ng background music. ano yung linya na yun? sira ata yung screen!!

idol? idol?

binuksan muli ang kurtina...IDOL...idol...hindi ka man lang ngumiti sa huling pagkakataon. hindi man lang kita nahawakan.
kagabi lang binabantayan kita ah? kaya mo pa eh! malakas ka pa. kaya nga kita idol diba? ano ba. idilat mo mata mo!! bakit ka nagtatago sa ilalim ng kumot? wag kang kabahan. bakit ang lamig lamig mo? yakap na kita ah. IDOL IDOL.

nagroll na ang credits. tapos na ang palabas. 1:14pm nagend ang show.

kumpleto na ang cast, magkakasama kaming lahat. bibigat lang siguro ang pakiramdam ni idol kung makita niyang malungkot kami. Magpakasaya ka na Idol, aalagaan ko ang fans club mo at ang mga cast. sabihin mo kay manager ang galing niya at inalagaan ka niyang mabuti. kami naman ang panuorin mo idol, mas maganda ang view mo ngayon. kahit na tapos na ang contrata mo, ikaw pa rin ang bida. I love you, i miss you so much.

umulan.
----
Papa, hindi mo kami iniwan. i know. you're just around here somewhere. to be fair, like you did for us. we'll be strong and we'll keep each other. I love you, you know that. be happy. wherever you are eat the yummiest foods ever, play the golf in the wonderful clean green grass. You had a good run, you were a matinee idol. you were a star, you were home box whatever that is. You are my idol.

-no.1 apo.

Monday, January 18, 2010

Idol

Idol,

sa buong buhay ko lagi kitang tinitingila. ang lakas mo kasi, walang makabara sayo
ang talino mo lahat ng maabutan mong problema nalulutasan mo...pero kung hindi man nalulusutan mo
pinapanuod kita. lagi akong natutuwa at natatawa sa mga pinag gagawa mo

nasabi ko ng i want to be like you
a person who tries everything, knows have to fun, knowledgeable, knows what to say, wise, family person, at higit sa lahat ang iyong pagiging strong.

Idol, ang galing galing mo. kaya ng makita kita nakahilata sa kwartong yun nanghina ako.
Hindi ko alam gagawin ko, ayoko maawa kasi alam ko kaya mo! malakas loob ko na dadating ang susunod mong episode.
Strong ka!! strong din kami. strong din ako...para sayo.

Wag kang bibigay agad, lumaban ka. Dont give up easily, we're no quitters. we always give up a good fight.
pinapanuod pa rin kita. aabangan kita.

- fan

__________________
ang hirap hirap makita ang idol mo na nahihirapan. buong buhay mong tiningala, tinamaan lang ng ligaw na bala, nanghina na. pero hindi magbabago ang tingin ko sakanya, kasi ang mga idol kelangan din magpahinga. onting pahinga lang yan idol!!

Pag-tao nga naman ang idol mo...

Tuesday, January 5, 2010

Masarap kang magmahal

Labi mo't labi ko'y nagdidikit
Hawak ang katawan mo ako'y nanginginig
Iisa ang nilalaman ng ating dibdib
Parehong nilalanghap na hangin

Ikaw ang hanap sa araw at gabi
Dating mo ay nakakahumali
Sa haplos mo dahan dahan akong namamatay
Wala akong kalabanlaban, walang kamalaymalay

Bakit sa bawat kanto ng buhay, dumarating ka?
Nakakabaliw ka, tama na
Gusto kong tapusin na ito
Ayokong dumepende sa iyo...

Masarap kang magmahal
Pero ako'y nasasakal
Nahihirapan, nanghihina
Ikaw ang nagiisang dahilan

Gusto kita pero di mahal
Masaya akong nakilala ka
Hanggang dun na lang aking makakaya
Wag mo na sana akong akitin pa...