Saturday, July 30, 2011

baso

kumuha ako ng baso ng tubig, dahil nararamdaman ko ng bubuhos.
tumakbo ulit ang eksena sa isipan
*lagok ng tubig*
"Tangina mo nicole"
*pwede kong lunurin sarili k sa tubig*
"pare-pareho kayo, magsama kayong lahat"
*tuloy ang pag inom"
"the door is open..."
*gusto ko pa uminom pero ubos na*
AAAAAAAAAAAAAAHHHHH!

dahil pinipigilan ko bumuhos parang naipon yung tubig sa loob at nilulunod na ako.
hinabol ko ang paghinga ko...gusto ko na sumigaw ng help!!! pero wala naman lifeguard para sa scenario ng pagkalunod ko.

tinignan ko ang baso. eto na...buhos!! sinalo ko isa isa ang luha. at frineezer ko pagkatapos. 11yrs old ako nun
makalipas ang isa pang taon, nilabas ko uli ang baso at sinalo ko ulit ang luha.
13, 14, 15... ganun ulit. parang every year may reunion.makikita ko ang baso.
nagpapatuloy ang annual reunion hanggang sa araw na ito...
akala ko di ko na mapupuno ang napupunong baso...
sinalo ko ulit...

iyak iyak iyak...pause...iyak iyak iyak...kwento
iyak iyak iyak...may dadating... iyak iyak iyak...kwento
iyak iyak iyak...pause...

hanggang nagmelt sa tagal ng pagiyak kong 'to.
hindi na siya frozen. tubig na ulit. at sa ilang huling patak umapaw na....
puno na yung baso. at dahil matagal naipon, matagal na tinago...
biglang nagcrack ang baso, nasugatan ako pero parang normal, naisip ko ng mangyayari to
nakita kong nagkalat ang luha ko sa sahig...

bawat taon sinubukan ko naman ibuhos na lang yung luha pagkatapos ko ipunin, pero lagin may bago taon taon, magkakaroon at magkakaroon ng laman.

Saturday, July 23, 2011

walang narinig

i dont normally talk to others about my problems, worries or thoughts. mahirap ako mag open up sa mga tao. bakit? ayoko lang na problemahin pa nila ang problema ko when they have their own set of problems to worry about aka i dont think people care enough to help me with my problem.
it becomes unfair for me, i care a lot, listen a lot, if i know i can help ill do what it takes pero pag ako na maglalabas ng sama ng loob...hmmm wag na lang. kaya ko, kung hindi kakayanin ko

but i still do open up. TO SOME. as in some. pero sa onting yun... parang walang naka kaya sakin. pero normal lang naman mga problema ko....alam kong mga pinagdadaanan din ng ibang tao...siguro na spoil ko na rin sila...

nakakalungkot pag naglabas ako ng sama ng loob, parang walang narinig ang kausap ko.
peste

worst...pag ikaw pa ang hindi papansinin sa susunod na araw. saya!

Silence is the loudest noise - noisy person.

Friday, July 1, 2011

synonyms and antonyms

sa paningin ko lahat ng bagay may double meaning. and its not necessarily negative. nagkaroon lang wrong connotation. halos lahat ng blog entries ko ay double meaning or pwede ko rin masabi na there are two sides of what i write parang there are two sides of the story.

double meaning... parang nagsusulat ng synonyms at antonyms. i can talk about a journey and put it in the context of a person running into the forest where all trees look the same but have different names (synonyms - different word, same meaning) or talk about journey where the subject is still in his rocking chair (antonym - opposites). like a song with a very sweet melody but have anger in its lyrics. gets?

double meaning... its either you just look on the surface or look deeper. Akala mo mababaw, malalim pala yung pool.

double meaning... wala talagang double meaning. when i write there's a reason, and that reason is the meaning. nagmumukha lang double meaning kasi dinadaan ko sa siya sa symbolisms. dun ko naeexpress ang sarili ko eh. what fun is it if i just write ng derecho what i really feel? just like reading a rant? pffft over rated. pinagisipan ko ang sinulat ko, pag isipan mo din yung binabasa mo.

ang sarap magsulat kasi may kanya kanyang approach. pwede siyang derechahan, pwede ring maging pakipot. parang babae na may mood swing. ang galing, ang ganda ng mundo ito.