Showing posts with label isip. Show all posts
Showing posts with label isip. Show all posts

Friday, July 1, 2011

synonyms and antonyms

sa paningin ko lahat ng bagay may double meaning. and its not necessarily negative. nagkaroon lang wrong connotation. halos lahat ng blog entries ko ay double meaning or pwede ko rin masabi na there are two sides of what i write parang there are two sides of the story.

double meaning... parang nagsusulat ng synonyms at antonyms. i can talk about a journey and put it in the context of a person running into the forest where all trees look the same but have different names (synonyms - different word, same meaning) or talk about journey where the subject is still in his rocking chair (antonym - opposites). like a song with a very sweet melody but have anger in its lyrics. gets?

double meaning... its either you just look on the surface or look deeper. Akala mo mababaw, malalim pala yung pool.

double meaning... wala talagang double meaning. when i write there's a reason, and that reason is the meaning. nagmumukha lang double meaning kasi dinadaan ko sa siya sa symbolisms. dun ko naeexpress ang sarili ko eh. what fun is it if i just write ng derecho what i really feel? just like reading a rant? pffft over rated. pinagisipan ko ang sinulat ko, pag isipan mo din yung binabasa mo.

ang sarap magsulat kasi may kanya kanyang approach. pwede siyang derechahan, pwede ring maging pakipot. parang babae na may mood swing. ang galing, ang ganda ng mundo ito.

Monday, August 16, 2010

'Kay gandang anghel laging nasa aking tabi. ikaw ang sumasalo ng bawat patak ng luha ko sa gabi, at ang nagdadala ng ngiti sa aking umaga. sanggol pa lang ako andiyan ka na. ikaw ang ginamit ng Diyos para may magbantay sakin. ikaw ang nagsilbing gabay sa buhay ko. hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ang guardian angel ko. dahil ikaw ang unang unang bestfriend ko, ang unang kaibigan ko. wala akong pwede itago sayo dahil bawat kanto ng buhay ko alam mo. ikaw ang walking journal ko. Dapat kang ipagmalaki sa lahat ng tao. Isa kang biyaya ng Diyos. Masaya ako kaya't pinagmamalaki kita.

Pinakilala kita sa lahat ng kaibigan ko pero hindi ko nagustuhan ang resulta nito...
hindi ako nagseselos, hindi rin ako naiinggit. nakakabingi kasi wala na akong narinig sakanila kung hindi "MAS SIYA SAYO" hindi ako galit, hindi rin masama ang loob ko sayo. nalulungkot ako kasi hindi ako tulad mo. nahihirapan ako kasi naikukumpara ako sayo. nahihiya ako pag ako naman ang pinapakilala mo. nakikita ko ang wala ako, ramdam ko ang ating pagkakaiba. Anghel ba naman ang ikumpara sa tulad ko? masakit kasi kahit anong mangyari hindi ako makikipagkompetensya. pagdating sayo hindi talaga, hindi ko gagawin at malamang hindi ko kakayanin. masasaktan lang ako lalo kasi masasaktan din kita.

wala kang ginawang mali. hindi mo kasalanan na ganyan ka. kaya di mo kailangan humingi ng patawad. kahit na gusto kong lumayo sayo, hindi rin pwede. nakatatak ka na sa puso ko eh, sa buhay ko. hindi kita kayang iwan.

masaya ako para sayo, kung ano ka at anong kinalalagyan mo. ikaw ang nagdala sa sarili mo kung asan ka ngayon. Magaling ka, maalam sa bagay bagay pero hindi ko ninais maging tulad mo, dahil magkaiba tayo. sana lang makita yun ng iba, di porket nanggaling ako sayo dapat pareho tayo.

Thursday, July 15, 2010

habang nakainom II

gusto ko lang ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. so kung nababasa mo ito. SHHHHH
sinubukan ko ang the bar strawberry, masarap siya. ang bango sobra. wala naman amats pero masarap magsulat ng naka-inom.

hirap akong aminin sa sarili, kung kaya't mas mahirap na sabihin ko sa iba.
di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin, napakasakit na marining na ayaw mo na sa akin kaya't heto ako basang basa sa ulan, walang masisilungan. pero ulaaaaaaaaaan sinong di mapapasayaw sa ulan?

ang ibig ko sabihin is i dont get it. hindi ka naman kagwapuhan, katalinuhan, hindi ka naman mabango, hindi ka rin ganun kasaya kausap kasi hindi ka good conversationalist and not a really good personality. sometimes you're a douche bag! alam kong mawawala ka sakin, knowing you? masakit pero hindi naman napakasakit, istorbo ka lang kasi sa isipan. leche. kaya the other day nung pumarty si basyang dito medyo feel na feel ko ang rain drops :)) pero syempre dahil i love the rain inenjoy ko ang moment kaya happy pa rin ako. back to the point, i dont get it.

so after ilang shots. maybe its because i cant have you. naiinis ako kasi pag may crush ako, alam kong magkakagusto din sakin. confident? pero oo, bihira ako magkacrush. hindi ko alam bakit. i feel like im the cruela deville having her meddling ways to get what she wants. oh but you didnt fall for the trap. and like most cruela deville plans, it would seem to get there but it wouldn't. you almost fell in the pit. dapat tinulak na kita...1st fall mo na dapat yun oh!

i sound like im a pissed brat. and thats not a good picture...
i dont know if i like you, like you or i like you because you're challenging or i like the challenge but not you.

i dont get it.

Tuesday, July 13, 2010

Jeep

Araw araw pumapasada, iisa lang ang arangkada. Lahat tayo’y konektado sa jeep na ‘to dahil isang beses sa buhay natin naupo tayo. Nakapagisip, natanungan ng katabi, nalimosan ng batang kalye, nagulat sa biglang preno ni manong at nagising, lampas ka na pala. Anong kwento meron ka? baka magkapareho kayo ni Juan kung saan araw araw siyang nagaabang ng kwento sa loob ng jeep.

Matagal ng wala si Lola Mela, umalis ang anak na si Lito. Pero kahit ganun ang kapalaran mas pinili ng matanda maging masaya kesa magmukmok at magpakalasing habang buhay. Kung kaya’t mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalaki sa apo niya. Hindi na bumabata si Tatang, at lumalaki na si Juan, gusto niya itong mapalaki sa tama. Nais niya sa buhay ay maging matatag, madiskarte at maging maprinsipyo habang nagsisimula pa lang ang biyahe ng buhay ng bata.

Halos lumaki si Juan sa loob ng jeep, dahil sa lolo niyang Jeepney driver. Sumama sa araw-araw na pasada kung saan may kwentong hinahanap at napupulot. Mas gusto niyang sumama sa Tatang kesa makipaglaro sa mga bata sakanila dahil sa kababawan ng kwento ng pilosopo niyang lolo alam niyang may laman itong aral.

Mahirap lang sila pero kuntento na si Tatang. Ramdam niya ito sa tuwing isusuot niya ang asul niyang polo na nagsisilbing uniporme niya. Masayang may trabaho, masaya na hindi nag- iisa at kasama ang apo, masaya na simple lang ang buhay. Pagsakay sa jeep, at makikitang nakatulog ang apo sa loob mas lalo niyang naiisip ang pagpapalaki kay Juan. May dramang “its you and me” against the world si Tatang na lumipas ang ilang taon ganun din ang naramdaman ni Juan.

Di nagtagal si Juan na ang nag-aalaga sa lolo. Kaya di rin nagtagal nanghihina na ang matanda. Isang araw habang nagaantay mapuno ang jeep, nakaramdam na si Tatang. Pinababa ng binata ang lahat, at tinakbo ang lolo sa hospital.

Sa unang beses sa buhay niya naging pasahero si Juan. Sumakay ng jeep papuntang ospital para bisitahin ang pinaka mamahal niyang lolo. Habang nasa biyahe pinagtuunan niyia ng pansin ang halos lahat. Naalala niya ang sabi ng lolo “Ang kwento ng buhay natin nasa loob ng jeep,” at doon niya nabigyang kahulugan ang mga napansin niya, napagdaanan niya, nasubukan at ang buhay niya.

Ang pagsuot ng uniporme, paalala ng estado nila sa buhay. Pag init ng makina, ang paghahanda ng sarili sa ano mang mangyayari. Aarangkada na ang Jeep, ang simula ng byahe ng buhay. Mga pasaherong sasakay, mga bagong karakter na magbibigay kahulugan sa iyong pagkatao. Ang pagbayad, paalala na hindi tayo ang may hawak ng buhay, tulad ng hindi pagkontrol sa kita ng isang jeepney driver sa araw araw. Ang pagaabot ng bayad, pinapakita ang mga tutulong sayo. Ang pagsusukli, pagbibigay ng kung ano ang sapat. Pag hinto, na sa kahit anong bilis ng mga pangyayari sa buhay, may mangyayari na tayo’y hihinto. Ang traffic, na magpapatagal ng lahat. na may magtutuloy ng laban ng buhay. Ang bagong sakay. Nandito nga ang kwento. “Ito nga ang buhay namin. Ito ang kwentong jeep.”

Wednesday, June 23, 2010

dancescape


because i wanted to escape from thinking too much...
Dance! boogie wonderland

please do not share this video to anyone :))
I enjoy dancing alone haha not on stage without anyone to sync with...just dancing

Tuesday, June 8, 2010

pianist

touch the right notes and we'll make music
press the right keys, pleasing you and me
play and make love to the instrument
gently but firmly fondle every range

let the melody sink in so start slow
feel whats with in and sway to the rhythm
closed eyes as you caress every tune
listening to your every heartbeat

hit the highest note to the lowest one
serenade me 'til the morning sun
the movement of your fingers draw me in
i go unstable as it reaches that perfect tone

dazzled i am with the squint of smile you display
hypnotized in the lovely music you play
o' dear pianist you lift my soul high
you have that charm that makes my heart fly...

Friday, April 23, 2010

Stoplight

STOP LIGHT

Malayo pa lang kitang kita green na ilaw. Humarurot ang kotse ko palapit ng palapit naging yellow…bumagal ang takbo ko. dahan dahan ko ng inaapakan ang breaks. Tapos pula…hanggang dun lang ako sa linya.

Sa malayo maganda siya, nakasama mo ng matagal nakikita mo na ang detalye ng mukha at pagkatao niya. hanggang huminto ko kasi hindi mo pala trip.

Ang dami mong alam salita ka ng salita. Sa dami ng makakausap sa mundo nagsasawa ka na kakapaulit ulit. Ayan na nahimik ka.

Uyy uso bili ka, suot ka naman. Pormado. Lakad ka ng lakad sa mall may dip ala bagay sayo. di mo na sinuot ulit yung “uso”

Bagong yosi ka lang. isang stick pa, isang stick pa. isang kaha pa. isang rim pa. hala sige hits lang. hanggang sa hirap ka na huminga. Titigil ka o mamamatay ka.

Isang shot lang, isang bote ng beer. Masarap? Shot pa shot pa! isa pang case ng red horse. Hanggang gumegewang na lakad mo…dahan dahan ng prumoproseso ang utak mo. tapos wala na, past out.

Sa umpisa masaya kayo. harurot ka naman “forever na toh” Tumagal ng tumagal nawawala na ang kilig, dahan dahan ng nawawala ang pagmamahal. Tumigil ka hinayaan mo na siya tumakbo, dun ka na lang kung saan ka huminto.

Go bata ka pa, slow down tumatanda ka na, stop matanda ka na

____

bakit ba tinawag na stop light kung may go at slow down?

kasi kung walang go at slow down, walang silbi ang stoplight.

kung walang stop, lahat na lang naka-go, lahat naka-slow down. di na natuto tumigil

Sunday, March 7, 2010

Lakad

matapos ang masayang gabi na walang tigil sa kakasayaw at inuman nagising ako sa init ng araw.
sunday na pala, dalawang school working days at tapos na. tapos na ang apat na taon na pagtitiis, pagpupuyat, pagpapagod
naglakad ako papunta sa sakayan. nakatingin ako sa kalsada, sa poste, sa sidewalk, sa mga tao na nakakasalubong basta napapansin ko ang halos lahat in details, malinaw at naaalala ko ang lahat hanggang sa pagsakay ko ng jeep kahit ngayon kaya ko toh sinusulat. sa jeep naman ang bilis ng lahat, pag nakatingin ako sa labas blurred, tapos titigil ng sandali magstostop over sa gasolinahan tapos go ulit, minsan igegewan gewang pa ni kuya ang pagdridrive tapos biglang preno kasi babaan na.
ayan nasa jeep nanaman ako at gumana nanaman ang utak ko.

sa bawat imahe or parang video nung lakad ko kanina,
ngayon naisip ko dun sa apat na taon nilakad ko ba? o sinakay ko sa jeep?

Wednesday, February 24, 2010

sarili

tatakbo uupo gugulo ang buhok titingin iiling tatawa ngingiti
hindi ko alam saan pupunta ang layo ng tinatakbo niya
hahabulin ang hininga hahawakan ang ulo di malaman ang gagawin niya
andaming tumatakbo sa isipan dahil hindi pa kayang mamili sa iilan
hawak hawak ang kanyang mga braso nilalamig sa kalaliman ng gabi
hindi na niya maramdaman nawawala na ang tamis ng alaala
uupo sa gitna ng kalsada titignan ang kapiligiran
hmmm wala naman talaga siyang hinahabol kundi sarili niya.
maglalakad itutuloy ang paghahanap pero saan nga ba papunta?
parepareho nating hinahanap ang taong mamahalin natin
pareparehong andito pa rin tayo lahat naghahanap
pero sa katotohanan ang taong mamahalin ay andiyan lamang
..at yun ay ikaw.

Tuesday, February 16, 2010

Usapang lasing

Nagkataon na araw ng puso ko bukas. araw ng mga puso natin.
naiwan kaming tatlong magkaibigan, hindi kami iniwan pinili lang namin na hindi sumama.
Dala ng lungkot, nagkayayaan uminom. takte tatlo lang kami uminom.

Inuman friend 1:
"Namimiss ko siya" wala ng lalabo pa sa statement na yan pag ang nagsabi niyan ay isang lasing. malabo kasi bibitaw ka, tapos mamimiss mo. malabo kasi kaya mo sabihin samin pero sakanya hindi. malabo kasi hanggang hangin lang ang abot ng salita mo, walang pupuntahan.

Inuman friend 2:
"baka mapakilala mo naman ako sa friends mong girls?" sagot ko "mahalin mo muna sarili mo kasi hindi mo kakayanin na pag nawala na yung taong mahal mo. yung lalagyan mo ng pagmamahal, pag nawala yun mawawala ka din"

Ako: sa bawat tagay at shot na nilalagok natin...onti onti natin natatanggap ang mga katotohanan na pilit nating tinatago, at tinatakpan ng ngiti at saya.

Inuman friends: wow...lasing ka na nicole

ako: siguro nga. Cheers

Tuesday, January 5, 2010

Masarap kang magmahal

Labi mo't labi ko'y nagdidikit
Hawak ang katawan mo ako'y nanginginig
Iisa ang nilalaman ng ating dibdib
Parehong nilalanghap na hangin

Ikaw ang hanap sa araw at gabi
Dating mo ay nakakahumali
Sa haplos mo dahan dahan akong namamatay
Wala akong kalabanlaban, walang kamalaymalay

Bakit sa bawat kanto ng buhay, dumarating ka?
Nakakabaliw ka, tama na
Gusto kong tapusin na ito
Ayokong dumepende sa iyo...

Masarap kang magmahal
Pero ako'y nasasakal
Nahihirapan, nanghihina
Ikaw ang nagiisang dahilan

Gusto kita pero di mahal
Masaya akong nakilala ka
Hanggang dun na lang aking makakaya
Wag mo na sana akong akitin pa...

Sunday, December 6, 2009

Agawan base

pinapanuod ko ang dalawa habang natutuwa at nagkakantsawan...
makakarating ang isa ng 4 na hakbang kalayo sa base nung isa, pero makakatakbo ang bantay at tuluyan susugod sa base ng kalaban.
...
A: hindi mo naman kaya iwanan at irisk ang base mo para habulin ako
B: KAYA! ikaw naman lagi kang nagiisip kaya pigil ang galaw mo
A: at least nagiisip, di katulad mo na sugod lang ng sugod. walang pakielam kahit madapa
B: ok lang madapa! kasama yun sa pag sugod. at least sinubukan ko
A: sinubukan mo kaso walang nangyari.

dumating na sa punto na naging seryoso sila, wala ng tawanan, wala ng ngiti.
ang dalawang base hindi pwede maiwanan, kelangan ipaglaban.
hindi pwedeng hayaan na walang nagbabantay, kundi maagawan.
kelangan marunong ka magrisk, kelangan marunong ka magisip.
hindi pwedeng sugod lang ng sugod, malayo nga ang nahakbang wala naman napala.
hindi rin pwedeng grabe magisip, baka hanggang isang hakbang lang ang mangyari.
kapag nakuha ng isa ang base ng aagawan, tapos ang laro. meron ng panalo.
nakikipalaro ng agawan base ang utak at puso ko sa magiging desisyon ng araw araw ko.

Monday, November 30, 2009

dala ng kalituhan

alam mo ba yung tumblr? hindi ko siya maintindihan.
tinitignan ko kung para saan ang mga pindutan don, anong ginagawa nun? tsh
nagtataka ako kung pano ko na "like this" ang reblog ni reyvan
nagulat ako na post na pala ang pic ko, kala ko naguupload ako ng profile pic eh

naguguluhan ako sa bagay bagay, sa mga kaganapan.
so habang nakatulala at pinaglalaruan ang labi ko sa harap screen ng laptop ko...
iniisip ko kung ano ang tumblr, pero higit sa lahat bakita ako nandito?

bago ko ipress yung pindutan na magsasign-in sakin sa tumblr
sabi ko di ko iiwan ang blogger ko "he's my first" (ayyy)
he knows the aggressive side of me, the positions im in, he has that perfect view of me.
(landeh) yes, i love him. he's been in me...he knows the inside of me. (lustful much)
mahirap mangiwan, pero higit sa lahat mahirap maiwanan

si tumblr. pinasok ko ang mundo niya, hindi niya ako pinapapasok. he leaves me full of questions, uncertainties and clueless. im trying to reach out, pero hindi eh. tinatanong ko nga ang followers niya kung pano siya maintindihan pero walang makasagot sakin kung pano.

tumblr. A world im in, but i dont understand why im here.
parang sa puso niya...(sino yung "niya")

***
Be strong for it. Love is not for the weak heart
dala ito ng kagustuhan kong magsulat, at kalituhan sa mga bagay sa tumblr
sa kagustuhan kong ika'y maging akin, kalituhan kung anong rason
(waaah)

Sunday, November 22, 2009

Just Me

When will it ever be just ME

My life, my decisions, my mistakes and my victor

Every young girl wanted to be a princess

red carpets always laid in front of your feet

a feast prepared for the ball

a prince charming among the royalties

But where is the fun in that? everyday is fixed.

You wake up, you get dressed.

You smile and wave to everybody even if it’s a grumpy day for you

Your life is all planned and controlled.

I NEVER WANTED ANY OF THAT

I’am Nicole. You are Brix, you are Avi, you are Sonny, You are Robin, Bodee, Rich and Zach. I’am Nicole.

This is my life. You have yours to control.

It should just be ME

My life, my decisions, my mistakes, my victor

Monday, November 9, 2009

lobo

tumitibok. tumatakbo. lumalayo. aalis. nalilito.
kelan kaya ako mapapagod
bawat oo may pait na balik
hindi na natuto
bawat isa ay iba
nagtatago sa likod ng ngiti ang sakit, mahirap
nahihirapan. hinihingal. naglalakad. naghahanap
di pa rin ako pagod
kasama ko nanaman ang sarili ko
magisa walang kasama
tatawa. mukhang ok, pero wala ng hangin ang lobo
sino magaabot ng bagong lobo na may hangin?

aantayin ko ang araw na yun.
sana sa pagdating mo, hindi pa rin ako napapagod.

Friday, November 6, 2009

regret


because of that question i got myself thinking for 3days now



i have had quite a number of relationships. some of them just flings but never the less didn't just play around. i took the chance, the risk with my whole heart and never regretted anything.
until last tuesday...

WHAT IS YOUR BIGGEST REGRET..
i was thinking and thinking...wala naman...then thinking and thinking...ok nagiisip ako meaning meron...thinking and thinking... WHY? ... think...
WHY!
yun na yun
I DIDNT ASK WHY

i had 4 boyfriends and quite a number of flings? ok madaming flings fine. when they all left me..i never bothered to ask WHY.

Grade 6.: Together for 4 months, i think. it was a puppy love text thing and good lunches together :) it was cute. Months passed, i felt something wrong :) i was all giggly about it because I knew before hand. i had that sneaky feeling, i was a kid...i barely call this a relationship (now). so there, he called me and told me he's been thinking about this girl lately..i giggled because i knew it wasnt me.. he got kinda pissed so i tried to stop the giggling. Then he told me he liked my good friend dyan, and i said "go! crush ka din nun eh" it was that easy.
but i never asked why her not me

2nd yr HS: My loves for 3 months. i broke a lot of hearts when the world knew i have him, i had 4 suitors then. it was unexpected. it was all of a sudden, it was him and me, it was us. it was a funny relationship. this was a chat, talk, eat thing and sweet see you laters. it was summer time, and if you're a student hiding a relationship summer time was just the hardest. i missed him but...i knew he didn't. we got to talk over the phone. i tried to lambing him but im not really good at that hahaha. (fastforward: back to school) i called him using my cellphone (to their landline he didnt have a cellphone) i asked how he was and all then
he asked "gusto mo pa ba?"i said "ng?" "eto,tayo. gusto mo pa ba ituloy" "ahhh ikaw magdecide" "ehhh ikaw babae ikaw dapat nagdedecide" "sino ba nagsabi na babae dapat magdecide? Go." "wag na lang?" "okay" "okay ka lang?" "yup" "ah cge bye" (drop call) then i found myself singing...IM FREE, FREE. IM FREEEEE yeah.
now, i think. i never asked why it was all of a sudden

4th yr hs: highschool sweethearts for 2 years and 5months. i love listening to problems, he had a lot. i listened. he talked and wept and smiled. i looked at him and thought about it. his heart was pure and all he needed was someone who will accept him and be there for him, little did i know, ill play that part. from his broken heart we started to be friends, then i became his girlfriend. lesson learned: its not my role to mend a broken heart, because i can never patch things that he lost with the other...i didnt hear from him for a month...it was over...then he called...not directly saying it but he wanted me to wait for him til he finds himself. again not my role to play. I said "thank you at least now i know" thats all that mattered to me, to hear him talk...well he didnt say it directly but knowing him i understood.
but i never asked why he didnt contact me for a month.

4th yr college: my source of happiness for 3months. we just clicked, he was adventurous, a thrill seeker, fun, game, mature... he was somewhat like me. it was all so fast. i didnt even see it coming. it was a rollercoaster ride, and oh how i love roller coaster rides. i knew we can deal with anything...hindi pala. I can deal with anything...he couldnt. He was strong, but his heart for me was weak...i understood where he was coming from. it was normal, and i somehow expected the break up but didnt really embraced the thought. mind over matter, but i loved him...it was heart over matter...or maybe it was denial...1 cold week...then my hatest words came out from his mouth "ayaw ko na"...i understood and accepted.
i listened to solemn music and thought "WHY?"


im a hopeless romantic. when it comes to love i never ask why.
why? because i knew them well and i never wasted any moment.
it was a good run... :)
(but i still regret it haha)

Saturday, October 24, 2009

cinderella

midnight. tatakbo. maiiwan ang shoe. pahihirapan ng prince ang kanyang mga tao para mahanap siya ulit.


chances, oppurtunities, time. nanghihinayang ako i can do much, experience a lot. pero pigil pa ang lahat, nakapostpone. PG. parental guidance. PC. parents consent. kainis. 


para akong si cinderella na may hangganan ang oras. pero pwede naman kasi pa magstay sa ball kasama ni prince charming, tatanggapin naman siya kahit rags ang suot niya. kung ako lang si cinderella..magstastay ako eh. i had that dance with prince charming and im happy. now its time for him to see who i am, at risk yun. 


EVERYTHING IS A RISK

ang tanong are you willing to take the risk? dalawang tao lang ang matatakot sa risk.

yung nagtry tapos bad experience, at tiyaka yung nakarinig ng kwento nung may bad experience.


dun sa may bad experience. 

How can you experience if all you do is want the good experiences? i mean kung parating good...magiging normal na yan sayo. kasi lagi na nga lang eh. dont let those bad experiences haunt you and kill you from experiencing other stuff. 

ITS OK TO BE AFRAID, but its NEVER OK TO LET IT STOP YOU FROM DOING WHAT YOU WANT.


dun sa nakarinig lang ng kwento

naman. ikaw ba siya? bago ka magsalita. subukan mo muna...kung lahat ng kwento ay paniniwalaan mo sinasabi ko sayo ngayon may multo matakot ka! 

joke lang. wag kang mag depend sa kwento kwento. mas maganda pa rin ang 1st hand experience. 


ok lang naman. oo bata pa ako...maeexperience, magagawa ko pa ang lahat. malapit na nga naman gragraduate na ako..

pero kasi darating na ang midnight...yung mga tao na kasama ko ngayon walang kasigurduhan na andito pa sila, baka para sila yung sapatos na maiwan ni cinderella sa stairs. baka kayo yung mga tao na mawala sakin. onti lang ang prince charming friends ko na maghahanap talaga sakin. at pagnahanap ako ng prince charming friends ko, dala dala niya yung mga sapatos kong kaibgan. 


eh pano kung di ako mahanap? hindi na ako ang fit sa shoe size na yun. edi wala na.

ITS A RISK IM WILLING TO TAKE

Sunday, September 27, 2009

ingrata

hindi dapat binibigyan ng oras ang mga ganito, hindi inaaksayahan ng panahon. Sinasayang lang nila ang lahat, mga abuso, at sarili lang ang iniintindi. Hindi marunong magpasalamat, at magbigay pansin sa mga nahihirapan, sa mga nagbibigay ng tulong at oras na sinasakripisyo para sakanila.

Eh paano na kung mawala ang mga taong inaasahan niyo mga ingrata?

Mga matataas ang ihi, na walang namang rason para maging ganon. Walang inatupag kung hindi ang inaalagang reputasyon na wala namang pinupuntahan. Hindi kayo tatagal…

Puro salita walang gawa. Taas noo niyo pang sasabihin na nagdradrama ang tulad ko, eh kung sa alam ko na mas magaling ako sayo. lakas boses niyo pang ipapaalam ang sermon na kahit sa sarili niyo hindi ninyo maitupad.

hindi mo makikita kung gaano ka kaswerte kung sarili mo lang ang tinitignan mo. tumingin sa paligid kasi madaming tumulong, madaming namahagi, madaming rason kaya ka andiyan. Pero wala, palamunin kasi ang utak mo…palamunin ng iisang bagay, tungkol sa sarili mo lang. pano ka uunlad? Pano ka aangat? Wala ka ng pupuntahan diyan ka na lang.

ako na nagsasabi, hindi ka na gagaling. malalaman din ng buong mundo na puro porma ka lang. puro salita. puro ikaw. nakakasuka  

Saturday, August 8, 2009

tatag ng loob

"bilib ako sayo"

hindi ako nagyayabang lagi ko lang toh naririnig kasi daw ang tatag ng loob ko.
sabihan mo ko ng masasakit na salita, hindi ako iiyak. pahiyain mo ko sa harap ng marami, tatawa pa siguro ako. paringgan mo ko, makikiride ako. laging may energy, hindi napapagod.
always smiling, and makes others smile too...
kahit ano pang itira ng mundo, mo at kung sino pa eh hindi ako papatumba.

bakit? kasi walang problemang hindi kinakaya.

madaming naiinggit sakin kasi kaya ko tanggapin lahat ng dumating. hindi ako takot sa problema, actually i embrace every trial, challenge, hardship at kung ano pa. how do i do it, they ask. i dont know, im not sure.

bilib sila sakin, ang strong ko daw, gusto nila maging tulad ko...
pero gusto ko maging tulad niyo...nakita ko ang downfall ng pagiging "matapang" ko...
its not a strength, but actually a weakness...because unlike me, you are not afraid to show how you feel...

**natatawa ako kasi kahit sinulat ko toh para mapakita ang pagiging mahina ko...alam ko paranga ng strong pa rin...LOL