Thursday, April 12, 2012

isang ilaw sa madilim na kwarto

ilaw sa bawat litrato.
pag tama ang lighting--realistic ang picture, nakikita mo ang saktong nandun. mapapansin mo agad kung panget ba yung background, malinis ba yung lugar or kung simpleng hindi pleasing sa mata ang subject.

pag medyo maliwanag from reality -- dreamy. Nawawala ang panget, ang ganda ganda, lumiliwanag sa paligid. Parang imahe ng langit :) ang gaan gaan sa mata, parang walang stress wala lahat, dreamy siya ganun.

pero pag ang setting natin enclosed area, kunwari kwarto sa may bintana tapos medyo palubog na ang araw -- dramatic, mysterious. yung mga tipo na one-sided ang pag-ilaw. kalahati lang ng mukha. minsan nakayuko pa. hindi naman emo, its an enigma. a puzzle waiting to be solved.

sabihin na natin na yung tatlong perspective na yan ang tingin sakin ng tao.
hindi ko sinasabing dreamy ako pero may nakapagsabi na sakin na ang saya ng buhay ko. picture picture, nakapag move out na, kung saan saan nakakapunta ganyan pero sa nakakarami alam nila kung sino ako, at ano ang maganda panget sa akin at sa ugali ko. realistic, alam naman ng lahat na there's a wrong to be pointed out sa sarili natin.

...hindi lahat nabibigyan ng tamang ilaw. dalawa lang yan... dreamy or dun sa dramatic. kahit mysterious, hindi eh. kasi one-sided. iisang parte lang ang alam nila. gagawan ka ng kwento sa maliit na parte na alam nila sayo. make or break. sisiraan ka ba or ibuibuild up ka? teka teka oo tungkol to sa akin. hindi ko naman talaga sinasadya na makarelate sa symbolismong kanina ko pang pinapartner sa aspeto ng buhay ng tao.

wag magbulungbulungan. wag magsumbong ng kasinungalingan. wag iiyak na parang kinawawa kita. wag tatakbo na parang susunugin ka. im not a bad person, you just simply dont know me. so cut me some slack, give yourself a break from all the shit you've been spitting on to people about me and be my friend :) yun lang naman.

No comments:

Post a Comment