Sunday, September 27, 2009

ingrata

hindi dapat binibigyan ng oras ang mga ganito, hindi inaaksayahan ng panahon. Sinasayang lang nila ang lahat, mga abuso, at sarili lang ang iniintindi. Hindi marunong magpasalamat, at magbigay pansin sa mga nahihirapan, sa mga nagbibigay ng tulong at oras na sinasakripisyo para sakanila.

Eh paano na kung mawala ang mga taong inaasahan niyo mga ingrata?

Mga matataas ang ihi, na walang namang rason para maging ganon. Walang inatupag kung hindi ang inaalagang reputasyon na wala namang pinupuntahan. Hindi kayo tatagal…

Puro salita walang gawa. Taas noo niyo pang sasabihin na nagdradrama ang tulad ko, eh kung sa alam ko na mas magaling ako sayo. lakas boses niyo pang ipapaalam ang sermon na kahit sa sarili niyo hindi ninyo maitupad.

hindi mo makikita kung gaano ka kaswerte kung sarili mo lang ang tinitignan mo. tumingin sa paligid kasi madaming tumulong, madaming namahagi, madaming rason kaya ka andiyan. Pero wala, palamunin kasi ang utak mo…palamunin ng iisang bagay, tungkol sa sarili mo lang. pano ka uunlad? Pano ka aangat? Wala ka ng pupuntahan diyan ka na lang.

ako na nagsasabi, hindi ka na gagaling. malalaman din ng buong mundo na puro porma ka lang. puro salita. puro ikaw. nakakasuka  

Thursday, September 17, 2009

lugar

simula ng lumipat ako sa high school ko, automatic na nagiging close ako sa lower batch hindi ko malaman kung bakit. siguro kasi dapat sila naman talaga ang kabatch ko, mga ka-age ko. medyo nalulungkot nga ako kapag naiisip yun kasi parang pinipilit ko ang sarili ko sa kanila, FC ba? nalulungkot din kasi dun dapat ako. hindi dapat dito. naiyak na ako once tungkol dito, at mukhang maiiyak muli ako. ang bata ko para sa batch ko...minsan ang hirap, minsan masaya. masaya kasi ang gagago nila, masaya kasama. pero something is holding me back something i dont know. pero that thing is not stopping me from being good friends with them. kaso madali ako ma-op sakanila...

akala ko magbabago ang lahat pagdating ko ng college. hindi rin pala. feeling ko nga minsa na-e-epalan na sila sakin. sorry...kagabi naki party ako sa birthday treat ng friend kong lower batch buti na lang at halos lahat kilala ko. masaya sila kasama, kaso yun nga nahihirapan din ako kasi feeling ko epal ako...nyeh dba

ang hirap. kasi sa mga kabatch ko ngayon friends pero madali ako ma-op, naprepressure akong mas lalong umintindi ng bagay bagay. mga lower batch naman na close ko chill lang ako pero andn yung thought na eh hindi naman nila ako kabatch parang nakikisawsaw ako masyado. naiipit ako. tama. naiipit ako. hindi ko alam san ilulugar sarili ko.

hindi ko rin naman masabi. pero masaya ako sa pareho, pero hinahanap ko lang ang pwesto ko. malabo na ba? pero wala akong lugar. malungkot. sana hindi na lang ako lumipat ng school nung gradeschool ako...para kabatch ko ang mga kabatch ko dapat. pero God has much better plans...ngayon habang tinatype ko toh...narealize ko na ginawa toh ni Lord kasi he wants me to be friends with a wider range of friends...why stick with one batch?...if you can have two??

tama nga naman siya! kasi pag hindi ako lumipat at nag miriam all the way ako. sigurado maarte ako ngayon, you'd see me wearing make up? (eeeehhh) maldita everyday, choosy sa friends, mas war freak than now, lantarang mayabang...hindi ko malalaman ang word na crush ng maaga, ang itsura ng abs na akala ko may sakit ako sa bato nung grade school. hahaha

hmmmm thank you.

masubukan nga the whole day as in whole day magsusulat lang ako. ang haba siguro ng blog kong yun...abangan

Sunday, September 13, 2009

UPOS

sindi. may simula ang lahat. ang patikim na magpapalibog na gustuhin pa ito, gumagapang na apoy na lalagablab sa iyong puso. aakitin ka’t di mo mamalayang nabibighani ka na, may ngiti na patagong papaslit sa iyong mukha. inaasamasam, nanabik. susubukan mong abutin, makahawak man lang. simula na ito.

hithit. buo ang loob mo, binitawan ang mundo sa iyong paligid. tungkol sayo, storya mo. desisyon mo, according to you ang lahat. may ngitng di mapinta ang saya, parte na siya ng iyong sistema. eto na yung gusto mo. iisa kayo. yakap yakap ang sandaling ito. gusto mo pa sanang patagalin, pero di ka na makahinga.

buga. eto ang mundo mo, binalik ka sa realidad. titignan ang upos ng yosi na kinalat mo. ngingit at masasabi sa sarili "tapos na"

nakita ko ang yosi, at ang mga nagyoyosi. ang bawat stick na maubos ay parang bawat sandali na pahinga na magkaroon ako. maikli. bubunot pa ng isa pang stick, nakakatakam dba? gusto ko yon, gusto ko makasama ang pahinga. desisyon ko naman kung magpapahinga ako eh, nasa akin yun. pahinga. dito ka muna. kaso pag tumagal, nababagot ako. maypagka workaholic ako. at ayun babalik ako sa realidad.

nakakapagod mabuhay pero we still choose to live because there is so much more to do, to experience, to have and meet. Nakakapagod, pagod ako. oo, pero di ko pa rin mapakita. Lagi akong on the go, hyper, people see me play and goof around. I am actually pero may ginagawa ako. ang pagiging hyper ako ay isang wall na tinayo ko para matago ang pagod na nararamdaman ko. pahinga, pahinga ang salitang dapat ibalik sa vocabulary ko.

pahinga – maikling oras na nakalaan para makahinga ka. inhale exhale. tapos balik trabaho na.

*magsusulat pa ako tungkol sa yosi. Di pa dito nagtatapos