Showing posts with label kilig. Show all posts
Showing posts with label kilig. Show all posts

Friday, April 23, 2010

Stoplight

STOP LIGHT

Malayo pa lang kitang kita green na ilaw. Humarurot ang kotse ko palapit ng palapit naging yellow…bumagal ang takbo ko. dahan dahan ko ng inaapakan ang breaks. Tapos pula…hanggang dun lang ako sa linya.

Sa malayo maganda siya, nakasama mo ng matagal nakikita mo na ang detalye ng mukha at pagkatao niya. hanggang huminto ko kasi hindi mo pala trip.

Ang dami mong alam salita ka ng salita. Sa dami ng makakausap sa mundo nagsasawa ka na kakapaulit ulit. Ayan na nahimik ka.

Uyy uso bili ka, suot ka naman. Pormado. Lakad ka ng lakad sa mall may dip ala bagay sayo. di mo na sinuot ulit yung “uso”

Bagong yosi ka lang. isang stick pa, isang stick pa. isang kaha pa. isang rim pa. hala sige hits lang. hanggang sa hirap ka na huminga. Titigil ka o mamamatay ka.

Isang shot lang, isang bote ng beer. Masarap? Shot pa shot pa! isa pang case ng red horse. Hanggang gumegewang na lakad mo…dahan dahan ng prumoproseso ang utak mo. tapos wala na, past out.

Sa umpisa masaya kayo. harurot ka naman “forever na toh” Tumagal ng tumagal nawawala na ang kilig, dahan dahan ng nawawala ang pagmamahal. Tumigil ka hinayaan mo na siya tumakbo, dun ka na lang kung saan ka huminto.

Go bata ka pa, slow down tumatanda ka na, stop matanda ka na

____

bakit ba tinawag na stop light kung may go at slow down?

kasi kung walang go at slow down, walang silbi ang stoplight.

kung walang stop, lahat na lang naka-go, lahat naka-slow down. di na natuto tumigil

Saturday, April 10, 2010

bakit ka ganyan?

pag napangiti mo ko, iba na toh. ipipikit ang mata at dadalin ang sarili sa mundo ng imahinasyon. iisipin kung paano aasta pag nakasama muli kita, sasabayan mabilis man o mabagal ang takbo mo. mas mahirap ka sabayan mas ginigusto ko. sumakit man o magkasakit, basta andiyan ka solve ako. pipilitin ko pang mapansin mo ang maliliit na galaw na gagawin ko. pagdating talaga sayo iba ang amats ko.

nalalabas ko ang aking pagkatao, ang kulit, ang madrama, ang gustong sabihin, kung ano ang nasa loob ng puso. madaling araw, gabi, hapon pwedeng pwede ka. ikaw ang numero unong yayakap sakin at magpapaalam na ok lang kung ano ang nararamdaman. napapagaan mo ang bigat na buhat buhat ko.

lumiliyab ang puso sa tuwing kasama. di mapinta ang ngiti ang kilig sa aking mukha.
bakit ka ganyan? marinig lang kita titigil na mundo ko at mapapatingin sayo.
sana hanggat sa pagtanda ko andiyan ka pa rin.

Tuesday, March 16, 2010

Normal

magiilang buwan o isang taon na din na ganito ang sitwasyon. normal lang, parang ang tagal mo ng kasama sa picture ng buhay ko pero hindi naman talaga. nakikita lang kita sa entablado noon, nakakasalubong sa maliliit na daanan ng building na iyon, pasimpleng hi hello kaso di naman kita kilala pero ngayon makikita na kita kung saan saan bigla, makakasama at makakatawanan. di naman malayo na mangyari yun, normal lang.. diba?

presensya mo pa lang nangingiti ako. normal. natutuwa lang naman ako na andiyan ka nanaman. kahit wala naman talaga tayong pinaguusapan na seryoso masyado.
ayun ang mga pangaasar mo na yung mga ano mga kakaalam mo lang tungkol sakin pero cge simula yan ng pagiging close. normal pa rin.
pag gising ko inaasahan kong text mo ang bubungad sa screen ng cellphone ko. normal. masarap ka kausap, at alam ko natutuwa ka rin na kausap ako. normal, lagi ko namang sinisilip ang phone ko pagkagising na pagkagising ko.
ang abangan ang susunod na araw na makakasama kang tumambay sa "place to be" tapos magkwetuhan ng kung ano ano. mga experiences, jokes at kung ano. normal, ganun talaga pag nageenjoy ka hinahanap hanap mo.

pero ang ngitian ka habang malayo ang tingin mo, hindi ko masabing normal
ang saya ko lang