Showing posts with label hanggang saan. Show all posts
Showing posts with label hanggang saan. Show all posts

Monday, December 5, 2011

kick out

isang paaralan na ipapangako na ika'y matututo dahil isa sila sa pinaka magaling na eskwelahan. mayroon silang mga guro na eksperto, mga profesyonal sa kanilang larangan. naisip kong gusto kong pumasok at maging estudyante sakanila kaya nung nagpaskil sila ng open for enrollment madali madali akong nagenroll. kaaya-ayang mga ngiti, mga salitang kaakit-akit. gusto ko dito.

napili akong iskolar sa madaming nagpalista sa scholarship. nakakatuwa. nagpapasalamat sa Diyos dahil alam kong narinig niya ang aking dasil at tinulungan niya ako. nag-aral akong mabuti, nagpakitang gilas sa madami. naging pala kaibigan, matataas ang grado at nasabihan pang "you have it in you." ng marinig ko yun mas lalo akong nagpagaling sa pinasok kong ito.

ngunit makalipas ang ilang buwan may ilang mga guro na uminit ang tingin sakin. mga galaw kong pinapanood, nilagyan nila ng ibigsabihin. wala akong ginagawang mali, inosente ako. pero derecho sa principal ang sumbong. harap harapan na bastusan galing sa mga gurong nirerespeto ko. hmmmmmm. sobrang respeto na mas gusto ko na lang ata umalis.

hinarap ko at kinausap ko ang principal kasama ang lahat ng guro ng eskwelahan. nanatili ako sa paaralan...hanggang nahanap ko ang kalma sa puso at nasabi kong tama na sa lahat ng sirang pangako, mga paasang mga salita, pagkukunwari nila, pagpapanggap...

ako'y kick out sa imahinasyong eskwela. at ramdam na ramdam ko ang pagkaila nila sakin. patuloy silang nakikipaglokohan sa mga tao at mga estudyante nila...

hindi na ako magpapaloko sa mga mukhang magagaling pero mas gago pa sa mga banong eskwelahan.

Monday, August 16, 2010

'Kay gandang anghel laging nasa aking tabi. ikaw ang sumasalo ng bawat patak ng luha ko sa gabi, at ang nagdadala ng ngiti sa aking umaga. sanggol pa lang ako andiyan ka na. ikaw ang ginamit ng Diyos para may magbantay sakin. ikaw ang nagsilbing gabay sa buhay ko. hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ang guardian angel ko. dahil ikaw ang unang unang bestfriend ko, ang unang kaibigan ko. wala akong pwede itago sayo dahil bawat kanto ng buhay ko alam mo. ikaw ang walking journal ko. Dapat kang ipagmalaki sa lahat ng tao. Isa kang biyaya ng Diyos. Masaya ako kaya't pinagmamalaki kita.

Pinakilala kita sa lahat ng kaibigan ko pero hindi ko nagustuhan ang resulta nito...
hindi ako nagseselos, hindi rin ako naiinggit. nakakabingi kasi wala na akong narinig sakanila kung hindi "MAS SIYA SAYO" hindi ako galit, hindi rin masama ang loob ko sayo. nalulungkot ako kasi hindi ako tulad mo. nahihirapan ako kasi naikukumpara ako sayo. nahihiya ako pag ako naman ang pinapakilala mo. nakikita ko ang wala ako, ramdam ko ang ating pagkakaiba. Anghel ba naman ang ikumpara sa tulad ko? masakit kasi kahit anong mangyari hindi ako makikipagkompetensya. pagdating sayo hindi talaga, hindi ko gagawin at malamang hindi ko kakayanin. masasaktan lang ako lalo kasi masasaktan din kita.

wala kang ginawang mali. hindi mo kasalanan na ganyan ka. kaya di mo kailangan humingi ng patawad. kahit na gusto kong lumayo sayo, hindi rin pwede. nakatatak ka na sa puso ko eh, sa buhay ko. hindi kita kayang iwan.

masaya ako para sayo, kung ano ka at anong kinalalagyan mo. ikaw ang nagdala sa sarili mo kung asan ka ngayon. Magaling ka, maalam sa bagay bagay pero hindi ko ninais maging tulad mo, dahil magkaiba tayo. sana lang makita yun ng iba, di porket nanggaling ako sayo dapat pareho tayo.

Wednesday, May 19, 2010

Eto nanaman tayo

isang malaki at mabigat na tanong, bigla akong napaupo at napaisip.
handa na ba ko ulit? kayanin ko ba ang hamon ito na isa ring pangako?
minsan ng napasakin ang isang tulad mo, ngayon at nagbabalik...mahirap magsabi ng oo.
nanahimik ako ng ilang sandali, at nag bitaw ng ilang salita pero parang wala kang narinig.
eto nanaman tayo.
hindi ko alam kung ikaw ang naririnig ko o ang bibig mo lamang.
hindi ko alam kung bumaba ba ang kisame o bumigat yung pakiramdam sa kwarto.
gusto ko sana lumabas ng kwarto pero walang pintuan.
wala akong ibang choice kung hindi pakinggan ang gusto mong sabihin at gusto mong malaman ko.
dada ka ng dada may nakikinig ba? naririnig ko ba? nasasabi mo ba ang gusto mong iparating?
hirap akong humindi pero eto na ata ang unang pagkakataon

magdidive ba ako sa pool na may sign na 2ft? kakagat ba ako sa sandwich na alam kong puro gulay ang laman? manunuod ba ako ng 12pm sa abs kung alam kong mabwibwiset nanaman ako kay willie?

HINDI. AYAW KO. WAG NA

matuto na tayo sa nangyari dati, wag ng hayaan maulit pa.
harapin ang problema, wag taguan wag layuan.


Tuesday, January 5, 2010

Masarap kang magmahal

Labi mo't labi ko'y nagdidikit
Hawak ang katawan mo ako'y nanginginig
Iisa ang nilalaman ng ating dibdib
Parehong nilalanghap na hangin

Ikaw ang hanap sa araw at gabi
Dating mo ay nakakahumali
Sa haplos mo dahan dahan akong namamatay
Wala akong kalabanlaban, walang kamalaymalay

Bakit sa bawat kanto ng buhay, dumarating ka?
Nakakabaliw ka, tama na
Gusto kong tapusin na ito
Ayokong dumepende sa iyo...

Masarap kang magmahal
Pero ako'y nasasakal
Nahihirapan, nanghihina
Ikaw ang nagiisang dahilan

Gusto kita pero di mahal
Masaya akong nakilala ka
Hanggang dun na lang aking makakaya
Wag mo na sana akong akitin pa...

Thursday, December 10, 2009

Hanggang saan

Kelan mo masasabi na kilala mo ang isang tao?
naiirita ako sa tanong na "Ano nga bang alam mo sakin?"
nagngingit ngit ako sa tanong na yan. Do you measure? do i need to enumerate? why will i think of the lil things and the big things that make me know who you are? is this a test? are you my teacher? do you want to be impressed?
Why do people ask these questions. May racing ba ng padamihan ng talagang nakakakilala sayo?
sino kalaban? sino ang kakompetensya?

I love challenges, but to compete and to gain that spot... to be the friend that knows you best? or at least be a friend that knows you?... its not what i aim for. Friendship is no status quo for me, its enough that you allowed me to enter your life and spend time with you. I dont need to get something back, i dont need a position.

You just ... i wish i could ban that question..
Wait for that moment when your at your highest happiest moment, loneliest lowest time, Watch for what your friend will do keep to keep you happy, and get a smile out of that face.
Knowing your story is not enough for me to know you,
its understanding where you're coming from and learning how you deal with everyday that makes the bond tougher.
so...Do not question.

***
Knowing is not enough, understanding is more than enough.