naka upo sa upuan sa isang malaking kwarto. nakatungo ang ulo habang nakatali ang kamay. hindi na ako magsasalita. ang kulit ng pulis. paulit ulit ang tanong. hindi marunong tumigil. hindi marunong bumitaw muna sa usapan. talak ng talak. napagod na ako sa kakasagot. ipagpipilitan pa rin niya ang kanya. anong silbi ng mga salita ko kung hindi din naman pakikinggan? nasabi ko nga ang sagot pero hindi naman pinaniniwalaan. anong silbi? parang tinali ang bibig ko.
sa upuang ito naramdaman kong ako'y unwanted. tingin ko sa sarili ay tropeyo. may ningning pero sa totoo lang gamit lang siya. ginagamit lang ako.
tumahimik ang pulis. nangawit siguro ang bibig. silencio.
kinakain na ng tenga ko ang katahimikan
nakakairita ang tunog
hindi ko matagalan
hanggang narinig ko ang malakas na sunod sunod na kabog
ang puso kong nagngingitngit sa galit.
Showing posts with label hihinto ang mundo. Show all posts
Showing posts with label hihinto ang mundo. Show all posts
Saturday, June 4, 2011
Friday, October 15, 2010
Hihinto ang Mundo
may nakapagsabi na sakin minsan na tuwing nakikita niya ako "TUMITIGIL" ang mundo niya. reaksyon ko? ah ok. kaartehan kasi...
tapos tinamaan ko. tumahimik ang aurora blvd. bumagal ang mga nagiihaw ng bbq sa kalye, tapos tumigil ang lahat. tangina totoo pala 'to. sinundan ng mga mata ko ang isang lalaki na matagal ko ng kilala. naramdaman kong napapangiti na ako. aba totoo pala ang ganito. pero bakit siya? napailing at natawa. biglang "Hi Nicole" sumagot ako ng "Hi-Hi ka diyan" habang magkasamang naglalakad paulit ulit sa isipan ko bakit siya. bakit siya. baaaakit siya. nanakaw ako ng tingin, mahuhuli niya ako at ngingiti siya sakin. putang inang kalandian 'to oh. Highschool? Kumain kami sa Saria, yung kainan sa kanto. dito kami unang naglunch together. highschool all over again. sinubukan niya ako picturan gamit ang cellphone niya. nag-flashback sandali ang paligid nung picturan ko naman siya nung kumakain kami madalas dito. tinignan ko ulit siya, BAKIT?
pagkatapos kumain kami ng ice cream na binibilhan namin sa tapat ng school namin, umupo sa naglulumang bench at tinignan ang nabubulok na school. ang awkward ng feeling. dapat bang kiligin ako? dapat bang magswimming ulit ako sa swimming pool na dahan dahan naubos ang tubig? nabingi ako sa ingay sa loob ng utak ko. tapos narinig ko siya tumawa.
bakit siya? kasi sa katahimikan niya dun ako nag-ingay. sa kacornihan niya dun ako naging patawa. sa pagiging simple niya dun ako nagpakacreative. dahil iniwan niya ako dun ako naging matapang. nung nawala siya dun ko natanggap kung ano ako. ngayon na andiyan siya...hihinto ang mundo kasi sakanya ako nagkamundo. niyakap ko siya at ng walang sabi sabi umalis ako.
parang joke time kasi yung humihinto ang mundo, pero totoo pala siya. medyo nakakatakot, pero babalikan ko siya. sa pagkukulang niya, nabuo ko ang sarili ko. parang ganun.
duwag pala ako.
Subscribe to:
Posts (Atom)