Friday, January 27, 2012

marshmallow test

may marshmallow sa harap mo kaso tinitignan ka ng nagbabantay
alam mong test ito. natatawa siya sayo.
titingin ka sa marshmallow, titingin ka sakanya.

ganito kasi yung test mo. wag mo kainin yung marshmallow
sasagutin ka na ng crush mo, yung nagbabantay
ngunit pero eeeh favorite mo ang marshmallow

struggle. parang childhood friend mo ang marshmallow
pag andiyan siya makikipaglaro ka kahit may sakit ka pa,
kakainin mo aarrrrrr yuuuuum!!
basta andiyan yung plastic ng marshmallow, kelangan hawak mo agad :)

pero dumating sa buhay mo ang crush mo.
itatago mo ba yung plastic ng marshmallow sa bag?
or iiwan na ang marshmallow, at pipiliin siya
adik!

hindi naman niya sinabi na mamili ka
siya ba or yung marshmallow?
pinepressure mo sarili mo masyado,
gumagawa ka ng gulo sa ulo mo

alam nya na favorite mo yung marshmallow
di mo kelangan itago. di mo kelangan magkunwari na ayaw mo
wag mo ihiwalay ang hilig mo sa marshmallow at pagkursunada mo sakanya
ishare mo ang marshmallow sakanya, baka matuwa at magustuhan din ito

___________

let him into your world.

No comments:

Post a Comment