Saturday, August 8, 2009

si anne at si crus

TADHANA

bago kong datemate si crus, nung kelan lang siya dumating dito sa aming dormitoryo. at sa lahat ng bago, nagulat ako na natripan niyang maging drogista tulad ko. astig din kasi siya, walang pakielam sa mundo. tulad ko may takbo ang buhay niya, minsan nga lang hindi namin alam pareho kung saan papunta. eh masaya, high na kami pareho.

pero unang kilala ko pa lang sakanya alam kong hindi siya tatagal sa dorm namin. kasi di niya trip ang mga kasama. at hindi siya bagay dito. kung ako nga nagbabalak ng umalis eh...

masarap siya kausap, mapayosi man o jutes. may sense..kaso habang tumatagal madalas nawawala na siya sa mga sinasabi niya. tinatamaan na ata, delikado.

bata, dahandahan sa pagsindi, paghithit. hindi mo alam ang pinapasok mo. sabi niya "i somehow know" yes nagenglish siya...sabay pahabol na "i love you" ayun tinamaan na nga. masyadong high na tong datemate ko. pero dahil high din ako "i love you too" gago ko din eh pero kasi masaya.

pero alam kong baliwala yon, kaya hinahantay ko ang araw na mawala ang tama niya. na magising siya, kasi alam kong hindi totoo. dala lang ng kasiyahan ng jutes ang lahat.

dun lang kami sa bubong masaya, kung saan kami tinatamaan...pag kaharap na namin ang mga kadorm todo ngiti kasi high na haha

ng tumagal nakaramdam ako ng hirap, nahihirapan para sakanya. alam kong may amats na siya hindi sakin kung hindi sa jutes...may problema ata siyang gustong limutin...jutes pa!! pero mali.. maling mali...maling ginagawang escape ang bisyo.

"ahhhh wag niyo pansinin si anne, may tama lang siya" matatawa na lang ako

gising. tinatamaan na ata ako kay crus. tira. nagisip ng mabuti...kabog ng puso. saan? ... o kanino? may tama. shhhhhhhh excuse ko lang ang pagiging high... wala kasi akong lakas ipakita ang tunay kong nararamdaman.

...
hindi magkasabay ang ulan at iyong nararamdaman. ginugulo ka lang ng iyong isipan, wag mo lagyan ng ibig sabihin ang lahat.
...
sumunod na buwan. umalis siya sa dormitortyo, nagising na si datemate at nakita ang realidad. sabi na nga ba hindi niya nakayanan...

eto ang pagkakaiba ko kay crus. alam ko ang realidad, sa tama ng jutes.

paalam crus! maraming salamat sa panandaliang saya na dinala mo sa akin.
magingat ka. welcome to the real world! magpakatatag ka...madami pang problema ang darating. masarap pero mahirap na kaibigan ang mga bisyo. hinay hinay.

walang halong jutes...I love you, pre.

-anne


tatag ng loob

"bilib ako sayo"

hindi ako nagyayabang lagi ko lang toh naririnig kasi daw ang tatag ng loob ko.
sabihan mo ko ng masasakit na salita, hindi ako iiyak. pahiyain mo ko sa harap ng marami, tatawa pa siguro ako. paringgan mo ko, makikiride ako. laging may energy, hindi napapagod.
always smiling, and makes others smile too...
kahit ano pang itira ng mundo, mo at kung sino pa eh hindi ako papatumba.

bakit? kasi walang problemang hindi kinakaya.

madaming naiinggit sakin kasi kaya ko tanggapin lahat ng dumating. hindi ako takot sa problema, actually i embrace every trial, challenge, hardship at kung ano pa. how do i do it, they ask. i dont know, im not sure.

bilib sila sakin, ang strong ko daw, gusto nila maging tulad ko...
pero gusto ko maging tulad niyo...nakita ko ang downfall ng pagiging "matapang" ko...
its not a strength, but actually a weakness...because unlike me, you are not afraid to show how you feel...

**natatawa ako kasi kahit sinulat ko toh para mapakita ang pagiging mahina ko...alam ko paranga ng strong pa rin...LOL

Wednesday, August 5, 2009

pag nagmahal ng sobra

masama magmahal ng sobra kasi ayaw nila ito. gusto nila tama lang.

pero sa simula sus! ok ang sobra diba? until marealize mo hindi pala. bakit kaya? Kasi daw hindi sila makapagcope up sa binibigay mo. Eh hindi naman kasi kelangan pantayan. Kaya mo ba pantayan ang pagmamahal na ibinigay saiyo ng iyong nanay? Hindi kasi we can only do so little. Ang pagmamahal hindi yan karne sa palengke sinusukat at may kapantay na kabayaran. HINDING HINDI ganun. Leche. Hindi rin racing na dapat ako ang lamang, wala kasing ganun sa love ok?


Isa nanamang pagkakamaling norm na hindi natin namamalayang nakatatak sa utak natin.

eh pano kung you just have to give it out kasi sobrang dami, you leave some for yourself naman. Walang catch, walang trap. You give because you want to give. binibigay lang talaga. bakit ayaw pang tanggapin. hindi ba dapat nagpapasalamat na lang at tanggapin?..


ako ang taong pag nagmahal eh mahal ko talaga. kahit ano ka pa, ano pang gawin mo siguro. ewan. pero grabe ata ako magmahal? hindi ko alam. mali ata ang pinagbibigyan ko ng pagmamahal?. Ehhhh pano kung sabihin sayo ng minamahal mo na “hindi mali ang pagpili mo sakin” diba ang gulo? May sagot ako, salita lang kasi yan ng tao. Pero kinontra ko ang sarili ko. eh tao din naman ako? I mean diba? may problema ata sakin eh…sabi na nga ba ako lang ang tunay na weirdo sa mundo…


bakit ko pipilitin ang isang taong mahalin ako kung hindi na talaga diba? Kung hindi na edi wala. Pakakalasin ko siya kung kelan niya gusto…kesa pahirapan ko siya at pahirapan ko sarili ko. ako na lang…


…yes martyr. hindi rin eh. sadyang ganito lang ang takbo ko.

“ill finish the race for you” ang drama ko.

ill run, but you win.


masama ba magmahal ng sobra? para sa akin hindi. tama lang siya kasi kung may maibibigay ka naman talaga bakit ko dapat ipagkait.


you don’t have to love me more than i love you. what’s important is you love me too…

Tuesday, August 4, 2009

ULAN


Ano ang ginagawa mo pag umuulan?

Hindi ako nagpapayong, ayaw ko. kasi gusto kong nararamdaman ko ang patak ng ulan. Sabi nila pag di ako nagpayong magkakasakit ako. ok lang magkasakit ganun talaga, patatagan na lang ng resistensya.

Pag umuulan. parang nakasilip lang ang mata ko, tinitignan ng mabuti kung saan pang pwede dumaan, tapos babalik ang tingin sa gustong puntahan.

Naglalakad ako ng parang walang ulan. Normal lang. kasi alam ko lilipas din siya. kahit ano pa sigurong bagyo ang dumating maglalakad pa rin ako ng normal sa ulan

Pero mas pinapanuod ko ang bawat yapak ko. ang babagal ng tao maglakad, nagsisigawan kapag nakaapak ng "puddle of water". Ganun din ako, ayaw kong bumaon pa ang paa ko sa tubig kasi magiging paksiw ang paa ko haha

Kung bumaha, eh wala akong magagawa. Lulusubin ko ang baha, onting lakad lang bababaw din hanggang makapatong ka sa may mataas na patag.

Ganyan ako sa problema.

Ayaw ko ng nagtatago, nagtatakip gusto ko hinaharap ko ang problema. Ok lang masaktan ganun yun eh, haharapin ko siya. pag may problema kahit gano pa kahirap iisa lang ang aim mo, masolve siya at matuto from there. hahanap ka ng paraan para malutas mo ang hinaharap mo. normal ang problema sa buhay, kaya di ka dapat mawindang, dahan dahan lang kasi baka madulas ka, tignan ang pwedeng gawin para hindi na bumaon pa ang problema. Kung tingin mong wala na kasi masyado ng malaki ang problema..nagkakamali ka. kaya mo pa rin. mas mahirap lang pero makakahanap ka din ng paraan.

Sunday, August 2, 2009

ang pagmumura

ang pag mumura. bow


sa school, sa bahay o kung saan man.
maraming pangyayari at kaganapan.
di maiwasang magbitaw ng masamang salita
sa hayop, sa bagay, lalo na sa kapwa

nadapa na nga sinigaw mo pa (ay shit)
nagjoke na siya may pahabol ka pa (hahaha...tangina ang corny mo)
nagkita kayo ulit un ang greeting mo (putangina kamusta ka na)
higit sa lahat panimula at pandulo mo (ay gagi naiwan ko yung bag gago)

nakakatawa basahin, oo
pero tangga mo, gago.
alam mong mali ginagawa mo
batukan kita eh

sa mga pinalaki ng magulang
sa mga may pinagaralan (kahit 123 o abc lang haha joke)
hindi mo ikagaganda o ikagwawapo 
ang pag mumura mo. 

i thank you. bow

- ako, april 2008

im no hypocrite. 
last year, ayan nagsimula na ako ulit magmura. mas mabilis pa yata ang development ko ng pagmumura kesa sa development chart ng global warming. grabe na ako magmura ngayon...ang dami ngang nasasaktan pag ako nagmumura kasi parang i mean it daw. hindi bagay sakin ganun...gusto ko siya matanggal...

ok din na mexperience mo. 

ang pamana

Naisip kong gumamit ng bagong daan pauwi, agaw pansin sakin ang antique shop na iyon. hindi ko hilig magtingin ng mga ganito pero di ko napigilan. sumilip ako sa loob. masikip, maalikabok, andaming gamit…lamesa, upuan, cabinet, treasure chest, all shapes sizes and material. you name it i think they got it. sa sulok ng tindahang puno ng alikabok nakita ko ang kahon na kuadrado na medyo pabilog, may takip, walang laman. Kakaiba, ang ganda, may onting sira pero dagdag yung sa kagandahan niya. yung imperfections niya make itself perfect. Lumapit sakin ang bantay, kwinento niya sakin yung dating may ari nito. hindi ako nakinig, tinanong ko na lang kung magkano. Ngumiti si ate, at narinig ko na lang na sabihin niyang “sayo na”.


Pagdating ko sa bahay dineretso ko sa kwarto. Tinapatan ko siya ng study lamp ko, parang spotlight. Pinagaralan ko ang bawat sulok niya…may sulat! Binasa ko


“mahalaga siya sakin. pagnasira ipaayos mo sa marunong wag sa basta basta. Punasan mo pag nailakabokan, wag mo hahayaan matuyuan ng kahit anong basa. wag mo punuin baka masira ang lalagyan. alagaan mo ito”


ilang araw pa lang parang tadhana na na nasira ang takip ng kahon. andami ko kasing pinagsusuksok. di ko pinaayos, inayos ko. sumunod na mga araw ko na ginawang puzzle ang mga laman hanggang saktong magkasya ang gamit sa loob. sa makalawa pinatungan ko ng basong may tubig at natabig ko. dagdag sugat sa magandang kahon, at nabasa. hinayaan ko, hindi ko pinunasan. Ilang lingo kong di ginalaw puno na ng alikabok. di ko pinunasan, hinipan ko lang hangaang mawala ang iilang alikabok.


hindi ko inalagaan ang kahon ng tulad ng nakasabi sa sulat. may sarili akong paraan…at hanggang ngayon nasa akin pa siya. hindi ko tinapon, o pinamigay, hindi ko hinayaan masira ng tuluyan,di ko gaano pinakeelaman kasi fragile na siya.


ang ganda niyang kahon, mas maganda pa siya ngayon.

Kasi bawat sira, bawat sugat may kwento.